Kabanata 1
Ex
Tagaktak ang pawis ko sa noo. Para bang kahit anong punas ko ay nagmamantika pa rin ito. Mainit kasi rito sa court ng maliit na unibersidad na pinapasukan ko rito sa Makati. Hindi naman kasi ito kasikatan at wala akong pera pang matrikula para sa mamahaling paaralan kaya sino ba naman ako para mag inarte?
Bukod sa mainit na nga ang panahon ay nabuburyo na ako rito sa bleachers. Nakasandal ang ulo ko sa bestfriend kong si Crystel. Abala ito sa pagrereview sa kaniyang thesis.
"Matagal pa ba kuya mo be? Mga 5:00 sakto mauuna na ako. May lakad pa kami ni Owen." Usal ni Crystel.
Iiwan nanaman niya ako dahil may date sila ng boyfriend niyang hindi ko alam kug seryoso sa kaniya. I mean, pogi e. Habulin yan. But then oh well, who am I to judge.
Saglit kong dinungaw ang relos ko. 4:45 na. Mukhang nag eenjoy na rito sa court si Kuya. Gusto ko siyang sigawan na tumigil na dahil may family dinner pa kami kaso kalaro niya ang crush kong taga Engineering na si Zyche.
Helios – Fries?
Iyon ang nabasa ko pagkadungaw ko sa cellphone ko. Its a message from my guy friend Helios. Oo guy friend lang. Ayoko mag label ng kung ano ano. I'm not yet ready to have any commitments yet. Ayoko na maulit yung nangyari sa amin ng ex ko dati. Although its way way back in highschool, seven years after to be exact, ayoko pa rin! He was my first love. But I was his seventh woman. Oo seventh. Lupet di'ba. Pito kasi kaming baby niya.
Minahal ko iyon ng sobra sobra pero syempre may mga bagay na nagbabago sa paglipas ng panahon. Ang pagmamahal ko sa kaniya wala na pero yung pait naiwan dito. I suddenly wondered on how is he. Nagtatrabaho na iyon ngayon. Oo he is working already. Noong grade nine kasi ako, he is already in college. We met kasi naging kaliga siya ni Kuya Terrence noon sa basketball e.
"Salamat Helios. Una na kami." Sabi ni Kuya kay Helios pagkatapos magpraktis ni Kuya. Pumunta kasi rito si Helios sa kinaroroonan ko upang may kasama naman ako dahil umalis na si Crystel kani-kanina lang.
"Sige Helios. Salamat sa fries ah. Pizza naman next time." Kumaway ako sa kaniya na ginantihan niya ng ngiti. Naramdaman ko naman ang pagkatok ni Kuya sa tuktok ng ulo ko gamit ang kaniyang palad.
"Garapal." Ani Kuya.
Hindi ko pinansin si Kuya. Nakatingin pa rin ako kay Helios na nakangisi dahilan para lalong umigting ang pagsingkit ng kaniyang mata.
Maraming tao ang nagtatanong sa akin kung bakit hindi ko nagustuhan si Helios. Halos simula at simula pa lamang ng pagtapak ko rito sa unibersidad ay nakabuntot na ito sa akin. Madalas napapagkamalang kami.
Pero hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi mahulog hulog ang loob ko kay Helios kuung hindi naman siya mahirap mahalin. Mas pinipili ko pa ring kahumalingan si Zyche na hindi naman ako napapansin. Wala. Pogi lang naman siya at malakas ang appeal. Hindi naman sa sinasabi ko na hindi pogi si Helios. He is! He's adorable. Pero I just can't feel anything. Parang best friend lang talaga ang tingin ko sa kaniya ever sinnce.
"Nineteen ka na wala ka pa ring jowa. Magmamadre ka ba Edace?" Tanong ni Kuya Terrence sa akin habang naglalakad kami patungo sa terminal ng bus.
Sumulyap ako kay Kuya, nakasimangot. "He! Marunong naman kasi akong maghintay. Hindi ako tulad mo na bira lang ng bira."
"A sus." Siniko ako ni Kuya. "Ano bang lalaki ang hinihintay mo ah. Ipapablind date kita. Tinder ang kaagapay kapatid."
"Tangina ka magtigil ka nga."