Kabanata 4
Holding hands.
Hatak hatak ko ang kamay ni Crystel habang tinatakbo namin ang kahabaan ng hallway. Hingal na hingal kami habang tinatakasan ang mga guards na nagronda. Wala kasi kami sa klase namin ngayon. Oo, wala. May balak kasi akong puntahan bago umattend ng klase. Ibibigay ko lang itong explosion box ko para sa aming fifth monthsary. Ngayon lang ako nag effort ng ganito. Being in a relationship in a span of five months is already an achievement!
Sumilip ako sa kanang corridor. Si Crystel ay kinakabahan ding nilingon ang mga hallways kung may mga officers pa bang rumoronda. Ako naman ay kinakabahan dahil baka makita ko si Hunter at makita pa niya ang surprise ko sa kaniya.
"Sige chi, go na! Lagay mo na bago pa dumating jowa mo!" Bulong ni Crystel. Tumango ako at naka squat na naglakad patungo sa mga lockers.
Binuksan ko ang pintuan ng locker ni Hunter. I immediately recognized his locker because of the stickers na bungo at ng name niya. Bumungad ang mga hindi naka ayos na libro at kung ano anong love letters na galing sa mga fan girls niya na agad kong nilakumos. Walang awa ko itong dinakot gamit ang buong palad, di inisip kung maglukot lukot man ang mga ito. Mula sa pinagmulan ng mga sulat ay ipinatong ko ang explosion box na pinagpuyatan at pinagpaguran ko overnight. Nagpalate pa kami para lang makapunta sa campus nila at nagpanggap pang magcacampus tour kahit hindi naman talaga!
"Tapon mo 'to be." Asik ko at binigay ang kalahating love letters kay Crystel.
Walang pag aalinlangan kong tinapon ang ibang love letters. Naglakad na ako paalis ng locker. Hindi pa rin ako nakaka relax nang maayos.
Liliko na sana ako nang mapahinto ako nang bumungad sa akin si Hunter. Pagod ang ekspressyon na nakaguhit sa kaniyang maamong mukha. Tho his lips are looking pale today, and his hair uncomb ang guwapo niya pa ring tignan. Pero bakit kaya siya ganiyan? Its our 5th monthsary. He should be happy! Dapat pa nga gulat dahil binisita ko siya sa campus nila!
"Happy 5th months--."
"Enough with your bullshits Edace." Nilagpasan niya lang ako. Agad na tumambay ang mga luha sa mata ko. Ang kirot ay agad na gumuhit sa puso.
"Hunter!" Tawag ko sa pangalan niya. Di niya ako nilingon ngunit natigilan siya. Si Crystel ay nasa likuran ko at hindi alam ang dapat gawin. Maski siya ay gulat.
"You're just a rebound girl Edace. Isa ka sa mga pitong babae ko na ginagamit ko lang. Nothing serious so stop assuming things alright?" Aniya at pinagpatuloy ang paglalakad.
Naiwan ako roon sa kinatatayuan ko, trying to hold myself together for at any moment I am about to crash. Pilit kong hinawakan ang mga nabasag na piraso sa lugar kung saan sila karapat dapat. But sadly, even the place where it should be was also damaged. Niyakap ako ni Crystel. Di ko iyon natugunan. Pinipilit kong huwag umiyak. Pero huli na nang malaman kong tumutulo na pala ito nang tuloy tuloy palabas ng aking mga mata.
The memories I had with Hunter way back in High school hit my mind nang makita ko siya after all those years na hindi kami nagkita. The wounds aren't fresh anymore. Pero ang mga ala ala ay lubhang napakalinaw.
Walang masyadong pagbabago kay Hunter maliban sa lalo siyang naging guwapo at matipuno. Idagdag pa na mas naging manly looking siya at sopistikado. I bet every women are dying to be on his fiance's position.
"Hija, kwentuhan mo naman ako tungkol sa'yo." Nagbalik ang katinuan ko nang magsalita ang Mama ni Zyche. Oh yes, I already met her.
Her mom is an epitome of a living Virgin Mary. Napakaganda at napaka lambing ng tinig. The femenine eyes that Zyche, kuhang kuha ng kaniyang Ina. The others must from his father na ngayon ay wala dito. Alam kong mayaman ang pamilyang Zobel ngunit bakas sa kanila ang pagiging simple lamang. Mula kay Zyche pa lamang na mas piniling mag aral sa mumurahing unibersidad sa Makati kaysa sa mga prestihiyoso. Katwiran niya ay mas importante sa kaniya ang kalidad ng education.