Kabanata 6

2.8K 66 3
                                    

Kabanata 6

Time

Wala na atang mas bibigat pa sa biyaheng pauwi galing sa tahanan nila Zyche. Tahimik lang din kami. Kanina ko pa gustong pakawalan ang mga luha. Sobra sobra naman ata ito sa isang araw. Hindi ko pa naayos ang issue sa amin ni Crystel sumabay naman 'tong problema ko sa boyfriend kong hindi ko alam kung ano ang nangyayari. I really hate it when I am not aware of what is happening around me. Pakiramdam ko ay isa akong bulag na may kailangang puntahan ngunit sa pagkapa ay nawala sa direksyon.

"Dito na ako." Ibinigay ko na kay Zyche ang helmet. Tipid siyang ngumiti sa akin at tumango.

"Bye. Goodnight." Aniya sa isang malambing na tono. Pero bakit ganoon? Even if that tone is so soft, hindi ko maramdaman ang dapat kong maramdaman. Lalo lamang bumigat ang aking pakiramdam. The last time that I felt this was with Hunter. And it sucks that I am getting flashback of the events that made love ugly in my eyes.

He was about to put his helmet on nang hinawakan ko ang kaniyang braso. Naramdaman ko ang pag init ng gilid ng mata. Tumingin sa akin si Zyche. Kita ko sa kaniya na hindi na niya ikinagulat ang pag ipon ng mga luha sa aking mata.

"Zyche may problema ba tayo?" I asked while my jaw is trembling as tears fell down one by one. "Pakisabi naman oh. May nagawa ba ako?" My voice was so little but I am sure enough that he heard what I was saying. Napayuko ako.

"Wala naman. Stop crying babe. I am just. . . tired. And stressed." He lifted my face and planted a swift kiss on my forehead. Gamit naman ang kaniyang parehong hinlalaki ay tinaboy ang mga luhang naglaglagan. "Sige na. Its already 9."

I stepped backwards freeing myself from his grip. "Sige. I love you."

He smiled. But the smile didn't reach his eyes. "I love you too."

And it was empty. I could feel it. I could feel it. Breaking my own heart. What the hell happened?

Buong gabi ay bumabagabag sa akin ang mga pangyayari. I lose my interest in anything that I am about to do tonight. Kailangan ko pa sanang gumawa ng resume pero hindi ko na napagtuunan ng pansin dahil sa sama ng loob.

Tinapunan ko ng tignin si Kuya Terrence. He is on his phone again.

I checked my phone and didn't see any message from Zyche. Ngunit bago ko man mapatay ang cellphone ko ay may message na nag pop out.

Zyche – Goodnight. Sorry earlier. Love you.

I didn't reply. Pati ang pag reply sa message na iyon ay aking kinatamaran.

Nahirapan akong makatulog ng gabing iyon. I was just staring at the black space of the ceiling. Ang hirap ng ganito. Yung wala kang makausap tungkol sa problema mo. Kaya kahit anong gusto mong ilabas man lang ang mga ito, wala ka magagawa kundi ipunin. Kahit gusto mong ipost sa facebook ang problema mo para kahit papano ay mabawasan ang bigat ng dibdib, hindi pwede. I'd rather keep it to myself than to be judged by people who don't even know me.

Tinanaw ko ang Kuya kong nakatalikod na nakahiga mula sa kinaroroonan ko. Hanggang ngayon, napapaisip pa rin ako sa lahat. He is the only one I could lean unto when it comes to this pero pati siya nawala. Siya lang nakakaintindi sa akin pero iniwan pa ako. Even Crystel isn't in the available choice tonight. She is occupied with her own problems and I don't want to bother her with mine. She's already exhausted. She's not my only friend tho. I have some. Pero siya lang talaga ang lagi kong nakakasama at komportable akong paglabasan ng drama.

Pati ang mga magulang ko ay pagod na rin sa trabaho ayoko na ring gambalain pa sa mga problema kong kaya rin namang ayusin, kailangan lang ng panahon. On the other hand, I am afraid if I'll talk to Helios baka ipamukha niya lang sa akin na mali ang desisyon ko na pinili ko si Zyche.

Nagising ako kinabukasan sa sinag ng araw na hinahaplos ang aking mukha. I cried until I feel asleep last night. It didn't made me feel better but atleast nabawasan ang dinadala dala ko. Tinatamad akong bumangon. There is really nothing to look forward to for today.

Ginulong ko ang sarili sa kama at iginapang ang kamay sa ilalim ng unan upang kuhain ang cellphone ko. There is no missed calls nor even a text message from my boyfriend. It pinches my heart pero wala rin namang mangyayari kung magagalit ako o magdadrama sa kaniya. I unlocked my phone and texted him first.

Ako – Good morning babe. Have your breakfast ok :) i love you.

He was online 2 minutes ago yet he didn't bother himself to even message his girlfriend.

Nakahiga akong naghintay doon. Sa bawat segundo na nasasayang, lumulubog ang puso ko. Pinipilipit, nilulunod sa puntong hindi na ako makahinga. Nangyayari na yung kinakatakutan ko. If I'm not so eager then it this thing is not going to happen.

And at last my phone buzzed with his message.

Zyche – Good morning. Sorry di ako nakapag message agad. Was busy.

Ako – okay lang. I love you too.

Zyche – Magbreakfast ka na.

Ako – tinatamad pa ako. Wala akong gana.

Zyche – Want me to come over?

Ako – wag na. . .

I want to. I want him to come here and be at my side para naman ma assure ako na ang relasyon namin ay hindi nanlalamig tulad ng iniisip ko.

Zyche – okay then.

Somehow it hurt me. Knowing that he can just say that. Ni hindi man lang ako pinilit. That means he is not that eager to see me.

Hindi na ako nag reply. Bumangon na lang ako ng kama at kumain pero wala talaga akong gana kaya kaunti lamang ang nakain ko ngayong umaga. Pansin kong wala si kuya simula pagkagising ko pero hindi na ako nag abala tanungin sina Mama at Papa kung nasaan siya dahil ano pa ba ang pakealam ko. Ni hindi na nga ako kilala non.

I spent my time watching boring noon time shows para man lang malibang ang sarili. Pero kahit anong pilit wala talaga. Gustuhin ko mang lumabas, wala naman akong pera.

Nakatulog ako ng bandang hapon kakaisip kay Zyche. Ni natabunan na ang mga mahahalagang bagay na dapat isipin tulad ng pag hahanap ng trabaho. Ayaw ko sundin ang sinabi ni Mama na magpahinga muna ako ng buong taon. Ayoko naman maging palamunin sa bahay na ito. Kumakayod sila mama sa akin samantalang ako ay naka tambay lang buong araw dito. I have to keep my shits together then I will start my plans, hopefully this year magka trabaho na ako.

I woke up seeing a message from Zyche.

Zyche – I think we needs some space for awhile.

Pakiramdam ko maari na akong lumubog sa kinahihigaan ko dahil sa biglaang pag bigat ng puso. Hindi ako makaiyak. Walang luha na nalabas sa mga mata. Tanging pagsakal lamang sa puso ang nararamdaman sa puntong hinahabol ko na lang ang hininga.

Ako – ayoko.

I can't believe that I am begging once again. Last time that I did this was when I'm with Hunter seven years ago. I was like a desperate woman who was hungry for love and now look at me. That same old woman was back again.

Zyche – Kailangan ko ng oras para mag isip..

Ako – di kaba nakakapag isip kapag magkasama tayo?

Zyche – no. thats it not what I was trying to say.

Ako – okay naman tayo nung nakaraan diba? Anong problema? Baka naman maayos pa.

Zyche – nothing. Edace there's no problem. I just really need some time.

Ako – Fine. I will give you time. Kung iyon ang kailangan mo. Kung iyon ang makakabuti.

That's when I realized that my vision was already blurry due to the tears that emerged from my tired eyes.

I lost my appetite in everything that I was about to do. Buong araw kinwestiyon ko kung ano ang maaring ugat nito. Did I do something? Nagkulang ba ako?

Weeks passed by, umasa akong magiging maayos ang lahat. Pinanghawakan ko ang tiwala sa sarili ko na hinding hindi siya mawawala. Na ang lahat ay babalik din sa normal. Pero mali pala.

$SuQj

Celeste Brothers #2 : Hunter CelesteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon