Kabanata 2
Salamat
Its been a week. These past few days pagod na pagod ako dahil sa nagdaang thesis defense. Buti na lang ay nakakapag relax na ako. After all of those stress, I deserve a prize.
Namataan ko ang kuya ko sa bench ng campus habang naglalakad ako sa hall. Mag isa siya. Monday na Monday ang tamlay nanaman. Nakatungo lamang siya sa lamesa. Nangunot ang noo ko kaya nilapitan ko si Kuya Terrence. Its unusual for him to be like this. He's been like this for a few days now pero hindi ko masyadong pinapansin.
"Kuya? Hoy, ano yan." Tinapik ko ang batok niya.
Umiling siya. Hindi pa rin ako tinitingala. Ambang babatukan ko na nang biglang may humawak sa pulso ko. Si Emalyn. Kaibigan ni Kuya. Or should I say, girl bestfriend. Isang mukhang nakikisimpatiya ang binigay ni Emalyn sa akin. Para naman tong kabute. Sulpot nang sulpot bigla.
"Broken kuya mo. Yaan mo muna." Iling ni Emalyn at naupo sa bench isang agwat ang pagitan mula kay Kuya.
"Ay oh? Kanino." Curious ako. Mukhang seryoso na kuya ko. Kanino naman kaya. Di ako updated ah. Ako ang kapatid hindi ikaw Emalyn.
"Secret muna raw e." Aniya sabay hawi sa kaniyang buhok na ombre.
"Nye?" Napa kunot noo ako.
So yes. The whole thing bothered me for the rest of my day. Sa klaseng pinasukan ko hindi ko mapigilang isipin kung sino kaya ang babaeng iniiyakan ng kuya ko. Kung sino yung babaeng dahilan sa pananamlay bigla bigla ng kuya ko.
"Be, Tel nagwoworry na ako sa utol ko ah. Di ko alam kung anong sininghot nito at broken nang ganyan." Nasa cafeteria kami ni Crystel. Since vacant kami ay naisipan na lang naming kumain dito sa cafe. Nilapag ni Tel ang phone niya sa table. Ang kutsara ay inikot ikot sa hawak niyang coffee habang nakatingin sa malayo, para bang may iniisip.
"Ay teh di ko rin alam e." Kibit balikat ni Tel.
"Be di'ba kaklase mo naman si Kuya sa ibang sub mo. Sino sino ba mga babaeng pinopormahan non?" Untag ko sabay dungaw sa nova ko. Agad akong napatingala nang bumukas ang pintuan ng cafe. Biglang pumasok si Zyche. Pinamulahan tuloy ako ng pisngi nang makita siyang pumasok ng cafeteria upang kumain din siguro. Dumungaw ako uli nang tumingin din siya sa akin.
"Hmm. Ewan ko ren e. Marami naman kasing babae kasama yun. Di ko alam kung sino sa kanila." Wika ni Crystel at dinungaw ang phone niya.
"Can I seat with you guys?" Para bang kinuryente yung puso ko. Kahit hindi ko na tingalain ay alam kong si Zyche iyon. Naramdaman kong sinipa ako ni Tel sa ilalim ng table. Sinipa ko rin siya pabalik sa kaniyang tuhod. Tumingala ako at hinarap si Zyche.
"Ay sure sure. Thanks." Kinuha ko kaagad ang bag ko sa bakanteng table at pinatong sa lap ko. I suddenly realized that na mali yung nasabi ko. Kinagat ko yung labi ko. "I mean, no problem. Hehe."
Mahina siyang tumawa. Ang init ng mukha ko, my God. Lumunok ako ng mabuti. Trying to maintain my composure, ngumiti ako nang matamis sa kaniya. He smiled back. Ang mapula niyang labi ay umaayon sa maputi niyang mukha. Hindi ko tinagalan ang tingin ko roon. He might mistaken it as checking out. Ay oo nga pala. I'm really checking him out.
Sa kabila ng kilig, pinangunahan din ako ng pagtataka. Walang kawarning warning, nilapitan niya agad ako. E dati naman, dinadaan daanan niya lang ako. Ni hindi nga ako mapansin kahit magkunwari pa akong nadapa sa harap niya. Tumingin ako sa paligid. Marami namang bakanteng tables pero bakit dito pa siya naupo? Dami ko ring tanong. As if namang di ko gusto.