Kabanata 7
Messages
Ilang linggo ang lumipas, umasa akong magiging maayos ang lahat. Ilang linggo ang lumipas at inabutan kami ng aming ika anim na buwan. I was hoping that everything will be fine in our sixth month of being together pero hanggang asa na lang pala ako. During those times he was distant. Cold. Unavailable. Pero lahat ng iyon ay inintindi ko kahit sobrang sakit, kahit sobrang hapdi, kahit sobrang nakakawalang gana na. May pinanghahawakan akong mga pangako niya kaya hindi ko kayang bumitaw.
Zyche Zobel – Lets break up.
That morning, iyon ang unang nabasa ko sa cellphone ko. It didn't surprise me. But yet, it hurts. Ilang beses kong kinatok ang sarili ko, tinatanong kung ano nanaman ang maling nagawa ko at iniwan nanaman ako ng taong mahal ko. Nasa akin ba ang mali at kaiwan iwan ako?
Gamit ang natitirang lakas, nagtype ako.
Ako – Huwag kang duwag. Sa personal ka makipag break sa akin gago. Magpaka lalaki ka naman Zyche.
My shoulders started to shake as I was gasping for air nang simulan ng mga luha ang pag uunahan sa pagbuhos.
Zyche Zobel – Edace. Ayoko ng eksena. Ayoko ng gulo.
Ako – Wag ka mag alala Zyche. Hindi naman ako mag aala gago mamaya. Set the time. Set the fucking place nang tapusin na natin to.
Zyche Zobel – Okay then. 6:00 pm. Top of the citi.
Kaunti lamang ang nakain ko ng araw na iyon. Sina Mama at Papa ay nagtataka kanina pa sa ikinikilos ko.
"Nak, may problema ba?" Nangunot ang noo ni Mama nang nilapitan niya ako.
Matamlay akong ngumiti, ma assure man lang sila na walang mali sa akin.
"Wala naman ma, nabuburyo lang." Buntong hininga ko. Tumango lang si Mama at hinayaan akong umakyat ng kwarto.
Napahiga nanaman ako ng kama, hindi alam ang gagawin. Hindi ko alam kung mag mamakaawa ba ako kay Zyche mamaya na huwag siyang makipag break o hayaan na lamang siya. Bakit ba ang dali lang para sa iba wakasan ang mga nasimulan na? Bakit hindi na lang lumaban kung kaya rin naman? Bakit mas pinipiling mag simula uli at iwanan ang nasira? Hindi ba pwedeng ayusin na lamang para makapag patuloy na lang?
Pagsapit ng hapon ay sinimulan ko na mag ayos. I pulled my hair into a bun and put a make up on. Hindi ko masyadong kinapalan. Kilay lamang ang pinagtuunan ko ng pansin tho I want to look natural even with a make up. I wore my black lace dress with cap sleeves.
Tinanaw ko ang malamig na expression ng babae na kaharap ko sa salamin. I look empty almost like a mannequin. Heartless. I smiled a bit. Funny how can a smile hid the pain from the eyes of the people around you. Sana ganoon na lamang kadali iyon. Sana isang ngiti lang ay maayos na ang lahat. Kaso hindi ganoon.
Kakarating lamang ni Kuya galing sa laro. Tagaktak ang pawis niya na aakalain mong kakaligo lamang niya. Kuya stared at me for awhile bago tumungo sa kama niya. Ilang segundong titigan iyon na hindi ko alam ang dapat iasta. Lumabas na lamang ako ng kwarto upang panatilihin ang pader sa aming dalawa. I miss my brother so much pero hindi na kami tulad ng dati kaya wala na ako sa posisyon upang lapitan pa siya. And besides, baka mapahiya lang ako sa kaniya.
Ako – otw
Zyche – ok. I'm here.
Agad kong binulsa ang cellphone ko. Iyon ang nabasa ko, saktong pagkahanap ko ng taxi na masasakyan. I am not really expecting anything better. Hindi na ako aasa na maayos pa ang lahat sa usapan na magaganap sa amin. I just need reasons. It helps me move on.