Kababanata 3Kabanata 3

4.6K 119 8
                                    

Kabanata 3

Lucky

Hibang ako hanggang pagbaba ng bus. Zyche's presence still affects me kahit wala na siya sa tabi ko. Pinapanindigan pa rin ako ng balahibo at ang mga paro paro sa kalamnan ay hindi na kumalma simula kanina. Tinanaw ko na ang eskenita patungo sa aming tahanan at naglakad patungo roon. Maraming mga bata nanaman ang naglalaro sa kalsada at nag iinuman sa tabing tindahan. Dire diretso ang lakad ko patungong bahay habang iniilagan ang mga taong nagpapasikip ng daanan.

"Nak, hindi mo kasama kuya mo?" Pang bungad na tanong ni Papa sa akin pagkamano ko.

Si Mama ay napatingin sa akin habang naghahanda na ng mga plato. Umiling ako. "Hindi pa e. Hindi siya sumabay sa akin."

"Nako saan nanaman kaya nagpunta iyon?" Untag ni Mama sa sarili. Lumapit ako kay Mama upang mag mano.

"Try niyo nga kausapin Ma, Pa. Parang problemado these past few days ayaw naman sabihin sa akin ang dahilan."

Tumingin lamang sa akin si Mama. Bakas ang kapaguran sa mukha. Saglit na gumuhit ang kirot sa puso ko nang tanawin ko sina Mama at Papa. Sa kanilang mukha ay bakas na ang katandaan at kapaguran. Humihina na sila at wala silang katuwang dito sa tahanan dahil umaga at hapon ay wala kami rito nina Kuya. Si Mama naman ay walang katuwang sa ihawan na tinayo niya sa tapat ng bahay namin. Bawal kasi mapagod si Papa kaya no choice si Mama.

Umakyat na ako ng kwarto. Nagbihis at agad na naupo sa kama. Saglit na dumalaw sa isip ko si Helios. Bago pa man lumalim ang pag iisip ko tungkol sa kaniya at lunurin nanaman ako ng konsensya ay inilihis ko na lang ang thoughts ko. Agad akong napabangon nang bumukas ang pinto. Mula roon ay pumasok si Kuya Terrence. Magulo ang buhok at malalim ang mga mata. Hindi niya ako tinapunan ng tingin.

"Kuya. . . saan ka galing. Bakit si Zyche ang kasabay ko?" Napatayo ako ng kama. There's a hint of irritation on my voice.

Hindi umimik si Kuya. Napatigil lang siya sa ginagawa niya at akma akong lilingunin ngunit di niya ginawa. Hinubad na lang niya ang sapatos niya at binato iyon sa sulok ng kwarto.

"Kuya! Magsabi ka nga sa akin. What the hell is wrong with you. Tangina kuya nung nakaraan ka pa balisa." Nagmartsa ako patungo sa harap niya.

Hindi pa rin niya ako pinapansin. Ni tapunan ng tingin ay hindi niya magawa.

"Kuya I'm your sister. Akala ko ba magkakampi tayo. Why are you not telling me what is happening to you?"

Inangatan niya ako ng tingin. Ang mata niyang namumula ay nanlilisik. Bahagya akong napaatras. The person in front of me is not my brother. Malayong malayo sa kinilala kong kuya na maamo, palabiro at hindi mabangis tulad ng nasa harapan ko. "Yes. You are my sister. You are just my sister you don't have to know everything! Tandaan mo yan Edace!"

Hinabol ko ang paghinga ko. Ang bilis ng pag angat baba ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay pa angat na ang tubig patungo sa mga mata ko pero nilabanan ko iyon.

"Then fine. Kung gusto mo ng walang pakealaman edi wag! Tutal its your problem not mine!" Tumalikod ako. Ang paninikip ng dibdib ay napaka hirap labanan.

"Tss." Thats what I heard before walking out the room.

He is my twin. I have a rights to know what's bothering him because I am obliged to help. Di'ba ang magkapatid dapat ang magkakampi? Siblings should be partners no matter what. But why is he treating me like this? Kung ano man ang problema niya bakit niya ako dinadamay?

Pina alis ko ang nakatambay na luha bago bumaba ng hagdanan. Paakyat na sana si Mama upang tawagin kami ngunit naudlot nang pakita akong pababa na.

Celeste Brothers #2 : Hunter CelesteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon