Kabanata 8

2.7K 71 6
                                    

Kabanata 8

Unwind.

Nakapikit pa rin ang mga mata ko nang magising ako. Hindi ako nakahiga, hindi rin naman nakatayo. I was sitting flat on a cold hard floor. Ang ulo ay nakasandal sa malamig na pader at kung ano man ang kinalalagyan ko, napakasangsang naman dito.

Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko. I realized that I was in the bathroom. Sa harapan ko ay si Crystel. Her brown hair was scattered all around her pretty face. Nakanganga siya matulog. Her legs were spread wide just like mine. Nang makita ko ang inidoro na nasa tabihan namin, I realized what happened last night. We were so drunk.

Dahan dahan akong tumayo mula sa sahig. The neck and back pain became so evident as a stretch myself. Napaungol akong hinilot ang batok gamit ang kanang kamay at dahan dahang lumapit patungo sa salamin ng banyo. I almost chocked myself as I see the reflection. My tan skin was almost red. At ang dami kong pantal sa leeg. Hinawi ko ang suot kong dress at napag alamang hanggang dibdib ang pantal. Must be an allergic reaction since it was my first time to drink a lot.

I cringe in disgust. Ang buhok kong maayos na nakabun kahapon ay para bang sinabunutan na lamang. Tamad kong tinanggal ang tali upang pakawalan ang buhok kong nagkabuhol buhol at hinayaan itong malaglag sa aking balikat. My eyes were so tired! Ilan ba ang nainom namin kagabi? I lose count but I know it was many!

Ibinaling ko ang tingin kay Crystel na unting unti na nagalaw. Inunat niya ang kaniyang mga bisig. Nang makita kong patungo ang kaniyang isang kamay sa inidiro ay agad ko siyang hinila patayo dahilan upang bigla siyang magising. Humikab siya at kinusot ang mga mata. Nakitingin sa salamin at kapwa kaming natawa.

"Ang sakit pa rin ng ulo ko." Inaantok kong sabi habang iniikot ang kutsara sa tasa na may kape. Nandito kami sa dining area nila at napagpasyahang magkape bago mag almusal. Pakiramdam ko ay wala pa rin ako sa katinuan pero alam ko ang aking ginagawa.

"Dami nating nainom." Ani Crystel bitbit ang isang case ng mga empe. Hindi ko na ikinagulat iyon.

"Hala be, natext mo ba sila Mama?" Nataranta kong tanong pagka inom ng kaunti sa tasa.

Tumango si Crystel pagkalabas galing kusina. "Oo naman. Ako pa."

Relief overpowered me nang malamang okay lang pala ang lahat. "Yung cellphone ko be?"

Nagpalingon lingon si Crystel sa paligid. "Hala baka naiwan sa balcony. Teka lang."

Hinayaan kong tumungo si Crystel sa balkonahe nila at iwan ako ditong mag isa sa dining area. Medyo nahihimas masan na ako sa kape, kailangan ko na lang maligo at paniguradong mawawala na rin tong pagkahilo ko. Bumalik naman agad siya, dala dala ang cellphone ko. Inilapag niya ito sa lamesa.

Agad ko tong kinuha at tinignan ang oras. Its still 7:34 in the morning. Pagkatapos ko mag ayos dito ay uuwi na rin ako at ipagpapatuloy ang pag tulog dahil pakiramdam ko ay kulang ang naging tulog ko.

Inopen ko ang messenger ko to check if there are messages that I need to read. Pero gulat ang sumalubong sa akin. Kumurap pa ako nang paulit ulit at namataan na si Hunter nga talaga ang minessage ko kagabi. Kinakabahan ngunit ginawa ko pa ring buksan ang naging conversation namin. Nakanganga ako, ang mga mata ay namimilog habang binasa ang mga usapan simula umpisa. Tangina.

Hinampas ko ang sariling noo. "Ang gaga mo Edace! Ang tanga tanga!" Halos maiyak ako. Hindi na ako makapag sorry dahil naka block na ako.

"Huy gaga over 'to ano ba ganap?" Untag ni Crystel habang nagtitimpla ng sariling kape.

"Di mo man lang sinabi sa akin na minemessage ko na pala si Hunter last night!"

Celeste Brothers #2 : Hunter CelesteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon