Kabanata 9

3.5K 74 10
                                    

Kabanata 9

Guwapo

Nagising ako nang bandang alas tres. Ang mga luhang tumambay sa mga mata ko ay natuyo na. Wala ako sa sariling naupo, pinagmasdan ang kalangitan sa labas na tanaw mula rito. I realized what I did and I hate myself for it. Bakit kailangan kong magmakaawa pa? Bakit kailangan kong humingi ng pangalawang pagkakataon sa taong sumuko na? Siguro sadyang nanghihinayang lang ako sa lahat. I hold on to those promises and believe him that it will all come true. Kaya ang hirap para sa akin na tanggapin na ang lahat ng pinaniwalaan ko, hindi pala magiging totoo.

The next day ay sinama ako ni Crystel sa pagsho-shopping sa isang mall. We need to shop for the one month vacation. Kahit hindi pa ako nakakapag paalam sa magulang ko ay pinili ko pa ring bumili ng para sa akin. Tutal, I think the vacation is benefical for my full recovery. Sana nga kaya ng isang buwan ang makalimutan ang sakit.

"Ang tagal naman nila." Pagrereklamo ko pagkalabas ng oras sa tinakdang oras ng pagkikita sa bahay nila Crystel. Hinihintay namin ang mga kasama namin na pinangalanan niyang Raven, Felix, Jonie at syempre walang iba kundi si Helios.

"On the way na. Kakachat lang sa gc." Maski si Crystel ay iritable na rin.

Bumuntong hininga ako, hindi mapigilan ang uncomfortable na pakiramdam na gumagapi sa akin. "Sure kang di mao-op mamaya ah?"

Tinawanan ako ni Crystel. "Ano ka ba naman te, tao lang din yung mga yon. Tumatae rin tulad mo."

Ilang saglit pa ay may bumusina na sa labas, senyales na nasa labas na ang gagamiting van. Lumabas na kami ni Crystel. I am only wearing my off-shoulder dress na kulay sky blue at sandals na kakulay ng dress ko. Crystel and I were wearing the same outfit making us look like twins.

Nakabukas na ang van nang makarating kami sa tapat nito. Dumungaw ang mga sakay nito at kinawayan ako. Si Helios na nakatingin sa akin ay ngumiti nang tipid. I managed to lift my lips despite of the awkwardness.

"Hello! Ako si Raven. Raven Constatine." Naglahad ng kamay sa akin ang babaeng may maikling buhok. Her eyes were like dolls. Para siyang isang anime character dahil sa kulay ng buhok niya which is violet.

"Hi. Hello." Ngumiti ako sa kanila.

"Siya si Edace Ordaveza guys!" Nakangising pagpapakilala sa akin ni Crystel nang maupo sa napiling upuan. Tumabi ako sa kaniya.

"Felix Roque. I know you." Baritono ang tono ng lalaking nagpakilala. Hindi na ako nagulat doon. Well no wonder why he knows me. Tinignan ko ang kaniyang kabuuan. Bihira ko lang siya makita dahil hindi siya nag aaral sa pinag aaralan kong unibersidad. Paminsan minsan lang siyang napapadayo sa campus. He is wearing a gap jacket, despite of his thick clothing I know that he is muscular deep inside his clothing. Halata iyon sa kaniyang postura. Moreno ang kaniyang balat at bilog ang mga mata. Matangos ang ilong at para bang isang gumagalaw na imahe ni Adonis. Inilipat ko ang tingin ko sa isang babaeng maganda na nakatingin sa akin.

"Jonie Brillantes." Her voice was sweet, kabaligtaran ng kaniyang mukha na para bang nagtataray. Her lips was covered with dark red lipstick making her look matured than her actual age. She is good in make up I can say. Maganda rin ang sense of fashion ng babaeng ito.

Helios at the other side was quiet. Nakatungo lamang sa kaniyang cellphone at ang earphones ay nakasalpak sa magkabilaang tainga. Hindi naman siya ganito kanina nang maabutan ko. Sinuko siya ni Felix.

"Bro don't be a pussy. Magpakilala ka naman." Nakangising sabi ni Felix, nanunuya.

"Stop Lix." Iritableng sabi ni Helios. Nakita kong tumingin siya sa akin. Okay naman kami ni Helios. Minsan ay nagkakamustahan through facebook message pero natigil iyon dahil sa pagseselos ni Zyche nang makita niyang nag uusap pa rin kami. Kaya ayun, matagal tagal na rin kaming nawalan ng communication kaya awkward na ngayon.

Celeste Brothers #2 : Hunter CelesteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon