"First Date"

3.6K 49 36
                                    







                  

MIKA'S POV





Halo halong emosyon ang naramdaman ko nung makita ko kanina si Vic. Sinubukan kong pigilan ang sarili ko at maging matigas sa pagkakataong to at tulad pa rin ng dati wala pa rin ako nagawa kundi ang bumigay, hindi ko alam pero ng maalala ko ang panaginip ko ay bigla akong nakaramdam ng lungkot, takot at pag'aalinlangan kasabay ng sobrang pananabik ko sakanya sobra ko syang namiss at hindi ko maipagkakaila na sobrang saya ko na makita at makasama sya ngayon hindi ko naiwasang maiyak at sa kauna unahang pagkakataon ay nakita nya akong umiyak hindi ko naman maipaliwanag ang naramdaman ko ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit at halikan sa noo na mas lalong nagpaiyak sakin eto nanaman sya sa pagiging pa'fall kaya hanggang ngayon hindi mawala ang pag-asa ko na balang araw ay may patunguhan kung ano man ang meron kami sa ngayon. Kasalukuyan kami nasa byahe ngayon binabaybay ang daan pauwi sa bahay hindi pa kami nakakapag'usap ng maayos simula kanina tahimik lang syang nagmamaneho habang pangiti ngiti samantalang ako ay lutang at nakatanaw lang sa labas ng bintana..

"Miks magbihis ka, yung mas magiging maganda ka sunduin kita ng 7pm later." Saan na naman kaya kami pupunta

"San mo ba ko dadalhin?" takang tanong ko..

"Basta wag ka ng magtanong mamaya nalang hehe" hala sya ang weird naman yata ng taong to bahala nga sya..

Patuloy sya sa pagmamaneho hindi ko alam kung anong nangyare sakanya at mukhang good vibes sya ngayon maaliwalas ang aura nya gustuhin ko man sana syang tanungin kung kailan sya bumalik, siguro ay mamaya ko nalang sya susubukang kausapin syatungkol dun..

"Hey Miks were here na" saad nya sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay ko..

"Nga pala bakit hindi mo pala dala ang wheels mo kanina?" tanong nya habang tinatanggal ang seatbelt na naka'kabit sakin

"Ilang araw na rin kasi syang nasa kasa ang dami kasing sira hindi ko nga alam kung maayos pa matagal na rin kasi ang kotse na yon pinamana pa saken hehe" nakakahiya naman panahon pa kasi ng hapon yung kotse na yon ang sarap na nga itapon kaso sayang naman at wala naman ako pambili ng bago..

"ah ganun ba, akala ko naramdman mo ang pagdating ko para sunduin ka hehe" sagot naman nya habang pangisi ngisi pa, good mood nga talaga sya

"Wow huh lakas mo  hahaha"

"joke lang hehe oh pano mauna na ko later nalang bye" saad nya sabay halik sa cheek ko

"ok see you later bye" sagot ko sakanya sumakay naman sya sa kotse nya at umalis na ng hindi ko na sya matanaw ay naisipan ko na rin pumasok sa loob kailangan ko munang magpahinga.


***


Ganap na 6:45 ng gabi ay natapos na akong makapag'ayos hindi naman ako masyadong nag'abala para magpaganda pa naka'suot lang ako ng above the knee black and white dress simpleng make up lang hindi na ko masyadong nag'abala pa yung usual lang na ayos ko sa tuwing aattend ako ng meeting maya maya pa ay dumating sya para sunduin ako agad kong binuksan ang pinto para papasukin sya.. Wala naman bago sa suot nya dahil naka'suot sya ng usual na suot na coat and black tie with white long sleeve wala naman iba dahil kahit naman ano ang isuot nya ay hindi naman nagbabago ang lakas ng dating nya..

"Hi are you ready?" ngiting tanong nya ng makapasok na dito sa loob

"Yes Vic I'm ready to go, san ba tayo pupunta?"

"ok tara na mamaya mo malalaman pagdating natin dun" sagot sakin habang inilahad nya ang kanyang kamay agad naman akong umangkla sa mga braso nya naglakad na kami palabas at nagtungo sa kotse nya..

"My Bedmate"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon