MIKA'S POVKasalukuyan kaming magka'usap ni Vic sa skype ng biglang mawalan ako ng connection kasabay non ang pagbalik ko sa sarili ko. Sa totoo lang hindi ko na talaga alam ang takbo ng isip ko hindi ko nakita ang sarili ko na gagawin ang mga bagay na to.
Parang sobrang baba na ng tingin ko sa sarili ko, alam kong mali to pero sa hindi ko malamang dahilan na sa tuwing ginagawa ko ang gusto ni Vic ay hindi man lang ako nakakaramdam ng kahit anong agam-agam, parang wala akong ibang gustong gawin kundi sundin lang ang gusto nya, kahit kahihiyan ko pa sa sarili ko ang maging kapalit..
Siguro nga tanga ako at umaasa na may patutunguhan ang pagiging bedmate namin, wala e hindi ko na kayang iwasan sya, kaya kahit anoman ang patunguhan nito bahala na. Kahit pa ibig sabihin nito ay masaktan ako sa huli wala akong pagsisihan..
Hindi na ko nag'abala pa na tawagan sya napagod ako sa ginawa ko kahit pa hindi naman ako nakapag'release ng maayos kanina, marahil napagod ako sa pag'iisip eto nanaman ako naguguluhan ako sa mga tinatakbo ng isip ko parang sa isang iglap sinampal nanaman ako ng katotohanan na bedmate nya lang ako.
Minsan naisip ko kung hanggang kailan ba ko ganito? Hanggang kailan ko kakayanin ang pagiging laruan ni Vic.
Kapag naiisip ko ang katangahan ko parang gusto ko ng sumuko at umiwas sakanya ng tuluyan, kung tutuusin lahat ng kahihiyan ko sa katawan ay nawala na simula ng makilala ko sya, wala na akong tinira sa sarili ko, pero kahit naman anung pagtutol ng isip ko kapag nasa harap ko na sya wala na akong magawa.
Nawawala sa sarili na para bang kapag nandyan sya nagiging ibang tao ako malayo sa tunay na pagkatao ko..
Hindi ko na alam, kung ano pa ba ang dapat kong gawin. Minsan naisip ko kailangan ko pa bang tumambling at mag'acrobat para mahalin ako ni Vic, para may patunguhan ang ginagawa namin.
Namuhay ako mag'isa wala ang mga magulang ko para gabayan ako sa paglaki ko pero hindi naman naging hadlang yon. Nabuhay ako ng marangal, namasukan ako habang nag'aaral ng kolehiyo at pinagkasya ang inwan nap era ng magulan ko para magpatuloy sa buhay.
Mahirap pero kinaya ko nangako ako sa sarili ko noon na magiging malakas ako, pero sa isang iglap lang nasira ang lahat ng yon ng ibigay ko ang sarili ko sakanya, may mga pagkakataon na nagtatanong ako sa sarili ko kung bakit ko nagawa at bakit ko hinayaan mangyari.
Hindi lang isa kundi maraming beses pa, para syang pinagbabawal na gamot na mahirap iwasan.. Pano kung laro lang talaga ang lahat ng ito, pano na ko? Pano ko ibabalik ang sarili ko sa dating ako, Anong gagawin ko?
Hindi ko alam nakakapagod ng mag'isip pa..Marahan kong ipinikit ang mata ko hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na pala ako..
***
Maaga akong nagising, wala akong pasok ngayon balak kong mag work out masayadong mabigat ang katawan ko nitong mga nakaraang araw kaya magandang ideya kung mag'gym ako ngayon..
Mabilis akong naligo at nag'ayos ng gamit ko agad akong nagmaneho patungo sa gym na madalas kong puntahan kapag gusto kong magpapawis hindi naman kalakihan ang gym na yon at hindi matao kaya dun ako nagpapunta hindi kasi tulad ng ibang gym bibihira ang nagpupunta doon na mga kalalakihan ang karamihan ay mga babae at mga katulad ni Vic hindi ko namalayan na nandito na pala ako mabilis akong nagtungo sa receptionist at nakipag'usap..
"Hi Miss Mika Long time no see"
"Oo nga e medyo busy kasi Alex kaya ngayon lang ulit ako naka'pasyal dito, Marami bang tao sa taas?" tanong ko sakanya madalas kasi akong magpunta dito ng 7 ng umaga para walang tao mangilan ngilan lang kasi ang nag'wowrk out dito..
BINABASA MO ANG
"My Bedmate"
FanfictionA KaRa Short Story Warning: Read at your own risk. Kung mapilit ka edi bahala ka. May warning na ako.