"Yes or No?"

2.6K 54 20
                                    


Mika's POV

Nakatulala lang ako sa cellphone ni Kim na hawak ko. Nandito ang sagot sa lahat ng katanungan ko. Bubuksan ko ba? Titingnan? O baka mas okay na ibalik ko na lang to kay Kim?

Either way, masasaktan ako. Pero diba sabi nga nila, 'what you don't know won't hurt you?'

Eh pano yan alam ko naman kung ano ang nangyari pero hindi ko alam kung sino.

Siguro naman pasok pa ko dun sa 'what I will not see won't hurt me more'?

Hindi ko alam. Kahit ano naman ang gawin ko eh masasaktan at nasasaktan pa rin ako.

"I can't." Sabi ko kay Kim sabay abot sa kanya ng phone niya. "Too much."

Kinuha lang ni Kim ang phone niya at pinatong sa center table. Saan pa ako kukuha ng lakas para panuorin ang pagpapaligaya ni Vic ng ibang babae? How can I swallow the fucking fact na hindi lang ako ang pinapaligaya niya? Na hindi lang siya sakin na sasarapan? Na hindi lang ako ang nahahalikan niya? Na hindi lang ako ang nagiisang babae sa buhay niya?

Umusbong na naman ang galit sa puso ko. Galit ako at nandidiri hindi kay Vic kundi sa sarili ko, para ko na lang din natikman ang babaeng yun!

Napatingin ako kay Kim na nakatingin lang ng diretso sakin. Sobrang kalma lang ng itsura niya kaya medyo kumalma na din ako. Kumalma lang ako pero hindi pa din nabawasan ng kahit konti man lang ang sakit.

Dapat na aawkward kami ni Kim ngayon dahil sa kung anu ano na lang ang naisip ko. Makipagsex sa kanya? Gods!

Di ka talaga nagiisip, Mika! Hindi pwedeng solusyunan ng isa pang kasalanan ang kasalanan. Sobrang gulo ng isip ko.

Nabanggit din ni Kim na mahal niya ko. Siguro bilang kaibigan. Di ko alam. Mukha naman siyang walang malisya sakin. Di ko talaga alam.

Ang alam ko lang ay sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ako maiintindihan ni Vic kasi wala naman siya sa lugar ko eh. Madali lang kasi makarinig at tumanggap ng sorry. Pero ang hirap kalimutan ng nagawang kasalanan.

Pano ako magpapakasal sa taong hindi ko alam kung kaya ko pang pagkatiwalaan, sa taong hindi ko pa lubos na kilala.

"Mika, you should sleep." Nakatayo na si Kim sa harap ko. Nakalahad ang kamay niya.

Inabot ko ito at nagpatulong sa kanyang makatayo. Hindi ko na kayang buhatin ang sarili ko ng magisa. Nakadepende na ata sa isang tao ang buong buhay ko.

Kay Vic.

Kay Vic na wala naman dito ngayon para tulungan ako.

Pinahiga na ako ni Kim sa kama niya. Naramdaman ko pang hinalikan ako ni Kim sa ulo.

"Goodnight, kailangan mo ng lakas para sa mga hamon na dadating pa sa buhay mo. Sleep ka na. Labas lang ako." Bulong niya.

Napapikit na lang ako. Sobrang hapdi na ng mga mata ko sa kakaiyak. Antok na antok na ako dahil sa alak na naubos namin pero hindi pa din ako pinapatulog ng lecheng isip na to.

-----

Di ko namalayang nakatulog na pala ako. Naalimpungatan lang ako sa malakas na pagtatalo ng kung sinuman sa labas. Napabangon ako at mabilis na lumabas ng kwarto ni Kim.

Dumiretso ako sa sala pero nakapatay ang mga ilaw. Di na ako nagabala pang buksan ang mga to. Lalabas na sana ako sa front porch ng bahay dahil dun nanggagaling ang ingay.

Akmang bubuksan ko na ang pinto nang mapahinto ako dahil sa taong nagsalita.

"Pero anong ginawa mo? Pinagdudahan mo ako at higit sa lahat hinusgahan mo na naman si Mika." Napahawak ang kanang kamay ko sa dibdib ko at ang kaliwang kamay ko napatakip sa bibig ko.

"My Bedmate"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon