Vic's POV
Hanggang ngayon hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko, hindi ko magawang umalis sa lugar na to. Hanggang ngayon nagtatalo pa rin ang isip ko, sa totoo lang sobrang napahiya ako sa ginawa ko. Wala akong mukhang maiharap sa kanila, pero hindi ko kayang umalis nalang na parang walang nagyari..
Kung ibang tao lang sana ang pinaguusapan dito baka hindi ako nag-aksaya ng kahit konting oras, ni hindi ko lubos maisip na gagawin ko ang mga pinagagawa ko kanina, masyado akong naging padalos-dalos, hindi man lang ako nag-isip bago ko ginawa yon kay Kim nagpadala nanaman ako sa bugso ng damdamin, madami na talagang nagbago sakin dahil sakanya, nag-iisip ako kung susubukan ko pa rin bang kulitin sya at kausapin o papalipasin ko na lamang ba ang gabing ito..
Sobrang dami ng mga nangyari, parang ang bagal ng takbo ng oras.
Sobrang haba ng gabing ito, kabaligtaran ng mga nangyari na sa sobrang bilis ay wala akong nagawa kundi hayaan nalang ang mga pangyayari, sa isang iglap ang daming nagbago na parang ang hirap ng ibalik sa dati..
Sinubukan kong ipikit ng madiin ang mata ko na ngayon ay manhid na dahil sa pagkamaga wala akong ibang maramdaman ngayon kundi pagod at sakit ng ulo hindi ko na kasi talaga alam kung ano ba ang dapat kong gawin mas lalong lumalala ang sitwasyon.
Hindi ko alam kung bakit wala ng lumalabas na luha galing sa mga mata ko, naubos na yata ang mga ito parang gusto ng bumigay ng katawan ko dahil sa pagod pero gising na gising pa rin ang diwa ko, hindi pa rin tumitigil ang utak ko sa kakaisip ng sitwasyon na meron kami ngayon..
Para akong batang naliligaw, hindi ko alam kung pano at saan ako magsisimula para lapitan sya, para makausap sya. Ang hirap pala ng ganito para akong nagmamaneho patungo sa kawalan hindi ko alam kung nasaan ang tamang daan patungo sakanya, hndi ko alam kung dapat ba akong maghintay nalang o gumawa ng paraan. Ang hirap, sobrang hirap hanggang ngayon yung isip ko lumalaban pa rin sa nararamdaman ko.
Sa totoo lang kung yung puso ko lang ang susundin ko wala ng maraming salita kasi alam ko na ang gagawin ko pero pesteng utak to ayaw magpatalo!! Kung bakit ba kasi naging ganito ako, ngayon ako yung nahihirapan paulit ulit nalang ang mga iniisip ko para na akong masisiraan ng bait.
Hindi ko maiwasan mainis sa sarili ko ang hirap talaga labanan ang sarili mo para kang nakikipag laro ng jack en poy sa harap ng salamin na kahit anong gawin mo ang hirap manalo.
Naawa ako sa sarili ko sa mga oras na to, pakiramdam ko wala ng natira sa akin, parang lahat ng tao iniwan at tinalikuran ako, ganun siguro talaga ako kasama, hindi ko naisip na aabot ako sa ganito, para akong may nakakahawang sakit na pinandidirihan, ni hindi man lang nya ako sinubukang tingnan.
Naalala ko ang naganap kanina, mas nanaig ang takbo ng isip ko at nagpasyang wag nalang ipagpilitan ang sarili ko sa taong ayaw naman akong patawarin at tanggapin ni ayaw man lang akong pakinggan.
Hindi na ako nag-aksaya ng kahit isang minuto, nagpasya na akong umalis dito.
Nagsimula akong humakbang patungo sa sasakyan ko.
Agad akong sumakay sa sasakyan ko at natulala.
"I've had enough, masyado na kong mukhang tanga kung ayaw nya edi wag!! tang ina madaming babae dyan" para nanaman akong baliw na kinakausap ang sarili ko..
"sobra naman na yata tong nangyayari sakin hindi pa ba sapat yung sorry tsk" nagsisimula na akong mainis kay Mika kung bakit ba kasi parang ang hirap para sakanyang tanggapin ang sorry ko sabi nya mahal nya ko hindi pa ba sapat ang pagmamahal na yon para patawarin ako at subukan o pilitin man lang kalimutan ang lahat.
BINABASA MO ANG
"My Bedmate"
FanfictionA KaRa Short Story Warning: Read at your own risk. Kung mapilit ka edi bahala ka. May warning na ako.