Vic's POV
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, nagising ako sa hindi malamang dahilan ang bilis na tibok ng puso ko.
Hindi ko alam kung nag palpitate ba ko dahil naka'inom ako, parang naeexcite ako.
Mabilis akong bumangon para magpunta sa kitchen natulala ako sa fridge bago tuluyang naka'inom ng tubig.
Hindi ako mapakali parang naiinitan ako kaya nagpasya ako na maligo.
Hindi naman ako masyado nagtagal ng may narinig akong nagdoor bell kaya kahit manipis na bath robe lang ang suot ko ay mabilis akong nagtungo sa pinto para binuksan ito.
Natulala ako sa nakita ko, kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko, nagsimula na din tumulo ang mga luha ko.
Sobrang namiss ko ang taong ito, nakatitig lang ako sa mga mata nya hindi ko alam pero parang may nag iba sakanya, hindi na tulad ng dati, na parang may kinang ang mga mata nito habang tinitignan ako, ngayon parang puno ng pag aalinlangan, masakit para sa akin na isipin na baka hindi na nya ko mahal.
Hindi ko maipagkakaila na iba ang pakiramdam ko, iba na ang Mika na nasa harap ko ngayon, hindi na sya ang Mika na minahal ko, hindi na sya ang Mika na mahal na mahal ako hindi na sya si Mika ko.
"Mika" Matapos ang sandaling katahimikan sa wakas nabanggit ko din ang kanyang pangalan nakatingin lamang sya at nagsimula na rin syang maiyak.
Ayoko ng sayangin ang pagkakataon na to para sabihin sakanya ang matagal ko ng gustong sabihin (translation ng letter ni Vic)
Hinila ko sya at agad hinagkan sa aking bisig.
"Sorry, Sorry kasi naging duwag ako sa totoong nararamdaman ko para sa'yo." Saad ko patuloy lang ang aking pag luha, hinayaan lamang nya ako kaya nagpatuloy na lamang ako sa pagsasalita.
"Patawad kasi hindi ko pinahalagahan yung pagmamahal na binibigay mo sakin." Lumakas ang hikbi, sobra ang iyak nya at mas yumakap sya ng mahigpit.
"Hindi ka nagkulang sa akin sa oras, atensyon, pag'aalaga, pag'unawa at pagmamahal ng buo sa kabila ng pagiging inconsistent ko sa'yo."
"Hindi ko in'appreciate yun, nagawa ko pa rin gumawa ng bagay na makakasakit sa'yo."
"Kung pwede sanang humingi ako ng panibagong pagkakataon, pagkakataon na itama ang lahat ng pagkakamali ko, na ipakita at iparamdam ko sa'yo kung gano kita kamahal.
Mika,isa pang pagkakataon please?
Na'realized ko sobrang mahal pala talaga kita, na hindi ko pala talaga kaya ng wala ka, di ko pala kaya gumising na wala ka na dahil sa ginawa kong kasalanan.
Alam ko hindi ako deserving, para bigyan mo pa ng isa pang chance, pero pakiramdaman mo ang puso mo.
Alam ko may pagmamahal pang nandyan.
Bigyan mo lang ako ng last chance, magbabago na ako, at itatama ko lahat ng nagawa kong mali at ibibigay sayo lahat ng bagay at pagmamahal na deserve mo.
Matapos akong magsalita bahagya akong kumalas sa pagkakayap hinawakan ko ang magkabilang pisngi at tinitigan sya mata sa mata.
"Mika mahal na mahal kita, hindi ko kaya ng wala ka, sobrang hirap para sa akin ng pag iwan mo kung alam mo lang gusto kong lapitan ka yakapin ka pero wala akong lakas ng loob"
"Sana bigyan mo pa ako ng pagkakataon na mahalin at alagaan ka, papatunayan ko sa'yo na nagbago na ko at ikaw talaga ang mahal ko" Umiiyak lang siya hindi ko malaman kung bakit pero bakas ko sa mga mata nya na para bang naguguluhan sya.
BINABASA MO ANG
"My Bedmate"
FanfictionA KaRa Short Story Warning: Read at your own risk. Kung mapilit ka edi bahala ka. May warning na ako.