Vic's POV
Dumaan ang mga araw at linggo, hindi ko namalayan ang mabilis na paglipas ng oras, mabilis na pagdaan ng umaga at gabi.
Hindi ko na sinubukan pang habulin sya, hindi dahil sa ayoko na, kundi dahil hindi ko pa talaga alam ang dapat kong gawin, sa ngayon,.
Gusto ko nalang syang bitawan ng tuluyan para sa ikabubuti nya, subalit kahit gustuhin ko ito, lumalaban pa rin ang puso ko, kumakapit pa rin ako sa pag'asa na kami pa rin sa huli.
Sa tuwing naaalala ko ang huling beses na pagkikita namin, hindi ko maiwasan ang umiyak at masaktan.
May mga araw na sobra ko syang naiisip, namimiss, simula pag gising ko hanggang sa pagtulog, sya lang ang laman ng isip ko.
"Naiisip nya din kaya ako?"
"Namimiss nya kaya ako?"
"Naalala man lang?" yan ang paulit ulit na tanong ko sa sarili ko.
Ganun nga siguro ako kahirap mahalin, kaya mas madali na iwan at bitawan ako.
Pinilit kong ibalik ang sarili ko sa dati, at maging normal na para bang hindi ko sya nakilala at minahal.
Ngunit sa likod ng aking mga ngiti at pagpapanggap , paulit ulit akong inuusig ng aking isip at tinatraydor ang aking puso.
Kung bakit ba kasi, hindi ko nagawang aminin agad sa sarili ko na mahal ko sya.
Bakit hindi ko nilunok ng maaga ang pride ko, edi sana kami pa rin hanggang ngayon.
"haaaay nako, nakakasawa ng mabuhay, kailangan ko nanaman bumangon para harapin ang realidad, ang katotohanan na wala na nga sya, na hanggang isip at imahinasyon ko nalang sya muling mahahagkan"
"Kaluguran daka Mika, Ami-miss taka sobra" hindi ko namalayan ang muling pagtulo ng aking luha, mariin kong pinikit ang aking mata at marahanng pinusan, tanging iling nalang ang nagawa ko matapos ibulong sa hangin ang salitang binitawan ko.
Nakaka'baliw na, nakakawalang gana, wala na si Mika.
Sa paglipas ng araw hindi ko namalayan na halos isang buwan na din ang dumaan na wala na kaming communication sa isa't isa sa tuwing maiisip ko sya, maalala at mamimiss nagsusulat ako ng liham para sakanya hindi naman ganun kadalas siguro sa loob ng halos isang buwan meron na akong sulat simpleng notes lang naman para mailabas ko lang ang laman ng isip ko, parang sasabog na kasi ako dahil sa sobrang pagpipigil ko, wala na rin akong balak dagdagan pa iyon dahil alam ko na hindi nya ito mababasa, at hindi rin nya ito maiintidihan.
Natauhan na lamang ako mula sa malalim na pag'iisip ng marinig ko ang pag'tunog ng cellphone ko, agad ko tong sinagot.
Incoming Call Kim Fajardo..
"Hello Vic"
"Hello ate Kim anong meron?"
"Wala naman, nandito ako sa condo mo, naglipit ako ng mga kalat mo"
"ah ganun ba, pasensya na hindi pa ako nakakapagligpit dyan"
"Halata nga e, may nakita akong crumpled paper dito sa study table mo itatapon ko na ba?"
Bahagya akong natigilan, at nagbuntong hininga..
"Ay oo kalat ko yan pakitapon nalang, hintayin mo ko jan uuwi na ako inom tayo"
"ok sige magdala ka ng food"
"Sige"
"Teka, wag mo muna ibaba, nasan ka pala?"
BINABASA MO ANG
"My Bedmate"
FanfictionA KaRa Short Story Warning: Read at your own risk. Kung mapilit ka edi bahala ka. May warning na ako.