"Awakening Dawn"

2.5K 54 30
                                    










Vic's POV





"Tang ina!" eto nanaman yung pesteng pakiramdam na matagal ko ng binaon sa limot parang unti unting natibag ang pader na binuo ko sa matagal na panahon..

Dahan dahan nagunaw ang mundo ko, dahil sa nakikita ko nagsimula ng mag unahan ang pagpatak ng aking mga luha at dahan dahan akong napaluhod habang nakakapit pa rin sa door knob hindi ko maiwasan mag isip ng kung ano hindi ko na alam ang dapat na gawin ko sa mga oras na to parang bibigay ang katawan ko..

Hindi ko inakala na ganito ang aabutan ko dito kailan pa sila naging close ng ganito ni wala akong idea na sa sobrang close nila ay aabot sila sa ganitong sitwasyon ..

Gusto kong magwala gusto kong sumigaw sa sakit na nararamdaman ko pero wala akong magawa para bang hindi pa natatanggap ng sistema ko yung nakikita ng mga mata ko na patuloy lang sa pagluha sa mga oras na to..

"Eto ba ang paraan nya ng pag ganti laban sakin?"

"Eto ba ang kaya nyang gawin para durugin ako" yan ang tanong na unag pumasok sa isip ko ni sa hinagap ko hindi ko inakala na aabot kami sa ganito ni Mika siguro nga ay kasalanan ko dahil ako ang nagturo sakanya kung pano gawin ang mga bagay na to, ako ang bumuo ng ganitong pagkatao nya..

" tang ina talaga shit!" paulit ulit akong napapamura sa isip ko hindi ko lubos maisip kung bakit nila ginawa to sakin hindi ko alam kung magagalit ba ko kay Kim dahil pinatulan nya si Mika o magtatanong ako kung masarap ba si Mika.

"putang ina talaga!" hindi ko mawari ang sakit na nararamdaman ko ngayon tang ina ngayon ko nalang ulit naramdaman to ganito pala kasakit ganito pa rin pala ang epekto sakin at katulad nung una sinadya ulit ng pagkakataon na saktan ako, na sa ikalawang pagkakataon na sinubukan kong magmahal ay nasaktan nanaman ako, nasaktan ako ni Mika tang ina bakit si Kim pa..

Hindi ko kayang magalit sakanya, ang kaisa isang taong tinuring kong kapatid ang taong naging katuwang ko nung mga panahon na nagiisa ako, sya rin pala ang magiging kahati ko, tang ina hindi ko man lang nahalata na kaya pala nung umpisa palang ay iba na pagiging concern nya kay Mika kung sana sinabi nya ng mas maagaedi sana nagparaya ako hindi sana umabot sa ganito na pati kaming dalawa ay magkakagulo..

Bago pa ako mapansin nandito ngayon agad kong pinunasan ang mga mata ko at sinimulan kong ipunin ang lahat ng lakas na meron ako para lang tuluyang makaalis sa bahay na to.

Hindi ko na kinaya pa ang nakita ko, buong lakas kong inihakbang ang aking mga paa, kailangan kong umalis sa lugar na to, kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko, hindi ako yung tao na gagawa ng eskandalo dahil lang sa babae kahit pa si Mika yan, kung dito sya magiging masaya sa pag ganti sakin ayos lang pwede ko naman syang sabayan sa larong gusto nya.

Halos patakbo akong lumabas mula sa bahay ni Kim kahit na nanlalambot ang aking mga tuhod ininda ko ito hindi magkamayaw ang pagdaloy ng aking luha ng tuluyan ako makarating sa parking hindi ko na napigilan ang sarili ko..

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaah! Tang inaaaaaaaa!" buong lakas akong sumigaw hindi ko makayanan ang sakit na nararamdaman ko hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa nakita ko napahawak nalang ang dalawa kong kamay sa aking dalawang tuhod at napayuko ko hinang hina na ako hindi ko na kaya..

"Mika bat mo nagawa sakin to, tang ina bakit? Alam ko kasalanan ko ang lahat pero hindi naman sana umabot sa ganito Mika sobrang sakit hindi ko akalain na magagawa mo to" hindi ko mapigilan kausapin ang sarili ko para akong lasing sa mga oras na to para akong masisiraan ng ulo, nahihilo ako, naduduwal hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, akala ko katulad nung naranasan ko kay Sam mas masakit pala to.

"tang ina yalaga!!" patuloy lang ako sa pa iyak habang hindi umaalis sa pwesto ko.

" bakit kailangan mangyare to satin huh Mika?" hindi ko mapigilan ang bawat hikbi na pinakakawalan ko para akong baliw na kinakausap ang sarili ko, dahan dahan kong inayos aking pagkakatayo

"My Bedmate"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon