Vic's POVWala na akong narinig pang salita mula sakanya, pinagmasdan ko sya kung pano sya tahimik at mabilis na nagbihis agad itong umalis ng walang paalam at ako eto naiwan akong tulala habang patuloy pa rin ang pagpatak ng aking mga luha. Para akong statwa ang buong katawan ko, hindi ako makagalaw gustuhin ko mang sundan at habulin sya hindi ko magawa, o dahil hindi ko talaga alam kung dapat ko bang habulin sya at sundan sa mga oras na to.
Hindi ko inaasahan ang magiging reaksyon nya sa mga nangyare kanina, hindi ko inaasahan na iiwan nya ako, hindi ko inakala na magiging ganito ang resulta ng pag amin ko, nagkamali yata ako sa pag amin ng kasalanang nagawa ko.
Gusto kong pagsisihan kung bakit sinabi ko pa, ang buong akala ko kasi ay maiintindihan nya ako, kasi si Mika yon e yung babaing mahal na mahal ako yung babaing buong akala ko na uunawain ako sa lahat ng oras at pagkakataon na tulad nito pero nagkamali ako.
Hindi ko alam ang gagawin ko, sobrang sakit na ng ulo ko kaka'iyak, kakaisip hindi naman ako dapat naapektuhan ng ganito kasi si Vic ako, si Vic na matigas at walang pakialam, pero iba na ngayon e nandito na si Mika sa puso ko, hinayaan ko na sya makapasok sa mundo ko.
Ang hindi ko alam sa ngayon ay kung hahayaan ko ba syang manatili o pababayaan ko nalang syang umalis ng tuluyan. Hindi ko alam kung papakasalan at tatanggapin nya pa rin ako pagkatapos ng nangyare o baka nga hindi na nya ako siputin sa simbahan and worst baka nga hindi na sya magpakita kahit kailan.
Hindi ko na alam ang iisipin ko sa mga oras na to, sobrang gulo ng isip ko nakakatuliro, gusto ko syang hanapin pero hindi ko alam kung saan ako maguumpisa, hindi ko alam kung pano ko ibabalik ang lahat sa dati, hindi ko alam kung pano ko ulit makukuha ang tiwala nyang sinira ko dahil sa kamalian na nagawa ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko parang unti unti ng bibigay ang katawan ko pagod na pagod na ang isip ko..
Hindi ko naman ginusto na saktan sya, nadala lang naman ako ng kahinaan ko or should i say may gusto kasi akong patunayan that time, kahit pano naman ay may good thing na nangyate, after nung samin ni Bang dun ko kasi naamin sa sarili ko na talagang si Mika na.
Ang masakit lang ay kailangan ko pang gumamit ng ibang tao para lang mapanindigan ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko naman sya e, sadyang naduwag lang ako aminin ng mas maaga kaya umabot kami dito kasalanan ko kasi nahirapan lang ako ihandle ang sarili ko, kaya may nagagawa ako o nasasabi na hindi ko naman alam na nakakasakit pala sakany, para kasi sakin wala naman akong ginagawang masama, normal lang sakin ang nga nangyayare at nung gabing yon hindi ko man lang inisip na masasaktan sya kapag nalaman nya.
Nangyare na, nasaktan ko na sya, at ngayong gabi pa mismo, kung saan at kung kailan ako nagpropose, kung kailan official ko na syang girlfriend at fiancee, na kung pano ko sya napasaya ay ganun ko rin syan sinaktan. Napalitan lahat ng iyon ng sakit at hinagpis, mas higit pa sa sobra ko syang nasaktan alam ko, ramdam ko yon, to the point na hindi ko nakitang umiyak sya, yung tipo ng sakit na hindi mo alam kung pano mo ilalabas i've been there before kaya alam na alam ko, kitang kita ko sa mga mata nya na sobra ko syang nasaktan sa pag amin ko at hindi ko alam kung pano babawiin ang lahat ng sakit na yon.
Hindi ko alam ang dapat kong gawin, tang ina kasing ego to hindi mawala sa sistema ko, isa pang rason kung bakit hindi ako makapagdisisyon ng dapat kong gawin ngayon dahil may pumipigil sa akin, na may part pa rin sa utak ko na nagsasabi na wala akong kasalanan.
Dahil sa hindi pa official na kami nung nangyare yon.
So ibig sabihin, wala akong obligasyon sakanya wala kaming commitment kaya free akong gawin ang gusto ko.
Isa pa, ay hindi ko pa naman talaga ganap na inamin sa sarili ko ang pagmamahal ko, hindi pa consistent and nararamdaman ko para sakanya at magulo pa ang utak ko nung mga panahong yon.
BINABASA MO ANG
"My Bedmate"
ФанфикA KaRa Short Story Warning: Read at your own risk. Kung mapilit ka edi bahala ka. May warning na ako.