Chapter One

458 12 0
                                    

Busy sa pagtipa ng mga letra sa kanyang laptop si Amerie ng marinig ang boses ng kanyang nakakatandang kapatid. Naisip nitong napaaga ata ang uwi ng kanyang kuya. Saving her files then adjusting her eyeglass ay tumayo na siya mula sa kanyang study table at lumabas ng kanyang kwarto. Walang second floor ang bahay nila ngunit malawak ito. Mayroon itong limang kwarto, malawak na kusina at sala. Sa likod bahay naman ang kanilang labahan. Nakakalungkot nga lang at dalawa lang silang nakatira roon.

“Kuya?” tuwag ni Amerie sa kanyang kapatid, napatingin ito sa kanya pati narin ang kasama nito. Kilala niya ang kasama ng kanyang kapatid. Ito ay isa sa sikat na estudyante sa kanilang unibersidad at kaibigan pala ito ng kanyang kapatid ngayon lang niya nalaman.

“Oy Nikki, andyan kana pala. Tamang tama lumabas ka sa iyong lungga. Kasama ko pala ang kaibigan ko si Hero” pagpapakilala ng kuya niya sa kanyang kasama. Tumango lamang siya. Hindi kasi siya approachable sa tao. Ngumiti lang naman yung lalaki sa kanya. Dumako ang tingin ni Amerie sa mga bag na nasa lapag. Napaka-dami nito.

“Maglalayas ka?” walang ma-isip na dahilan si Amerie kung bakit maraming nakakalat na bag sa kanilang sala kaya iyon na lang ang nasabi niya.

Natawa naman ang kanyang kapatid, “Ikaw talaga Amerie, napakalawak ng imahinasyon mo. Kay Hero ito at dito na siya titira sa atin” nagulat siya sa sinabi ng kanyang kapatid pero nasanay na siya rito na kung sinu-sino ang pinapatuloy pero madalas ay isa o dalawang gabi lang naman pero sa tingin niya si Hero ay magtatagal dahil na rin sa dami nitong dala. “Wag mo naman takutin ang kaibigan ko” pabirong sabi ng kanyang kuya. Nabaling tuloy ang tingin niya kay Hero, muka nga itong kinakabahan.

Tumingin muli siya sa kuya siya, “Hindi ko pa nalilinis ang guest room. Hindi mo naman sinabi na may patitirahin ka rito e”

“Nakalimutan ko nga” nagkakamot ng ulo ang kapatid nito

“Wag na kayo mag-alala, ako na lang maglilinis. Nakakahiya naman, kayo na nga ang magpapatuloy sa akin. Kayo pa maglilinis” pag sali sa usapan ng lalaki. Hindi makapaniwala si Amerie na ang sikat na si Hero Aguilar ay titira sa kanila. Sikat ito sa paaralan dahil bukod sa pagiging gwapo ay kasama siya sa college basketball team ng engineering. Hindi na ito sumali sa varsity dahil alangin sa kanyang pag-aaral. Mahirap lamang ito gaya ng sabi-sabi pero wala sa itsura nito dahil kahit anong suot ay nagiistand-out ito. Kaya nga nabihag nito ang puso ng sikat na babae sa kanilang paaralan, si Erin. Kahit sa college team lamang siya ay may 50% discount ito sa tuition na nakakatulong sa kanya.

“Huwag na. Kaya ko na iyon, wala na din naman akong ginagawa e.” tumingin naman siya sa kanyang kapatid “May pagkain sa kusina, kumain muna kayo” yun lang sinabi niya at pumasok na sa guest room

“Thank you Nikki” narinig na lang niyang sigaw ng kanyang kapatid, Nikki ang naging tawag sa kanya ng kanyang kuya at magulang.

Nahihiya parin si Hero sa kaibigang ni Nicholas. Nang malaman kasi nito na pinalayas siya mula sa apartment na tinutuluyan ay nag-offer ito na tumira sa bahay nila. Wala naman daw ang magulang niya. Nakakabatang kapatid lang niya ang kasama niya at masyadong malaki ang bahay nila para sa kanilang dalawa.

“Hindi ba magagalit ang kapatid mo?” nag-aalalang tanong ni Hero sa kaibigan, nasa biyahe na sila patungo sa bahay ni Hero

Umiling naman ang kaibigan nito, “Wag muna intindihin ang kapatid ko. Sanay na iyon. Kung iniisip mong baka rapin o pikutin ka ng kapatid ko ay malaking ASA” natatawang sambit ni Nicholas. Marami kasing may gusto kay Hero kaya baka iniisip nito ay binubugaw nito ang weirdo niyang kapatid sa kanya.  “Tsaka hindi ka pagnanasaan nun pwera na lamang kung may magandang kang storyline na mabibigay sa kanya” alam niya ang hobby ng kapatid na pagsulat ng mga nobela. Sa katunayan ay reader siya nito sa online community stories na Wattpad pero pa-lihim lamang. Ito rin ang dahilan ng pagkuha ng Journalism ng kapatid niya.

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon