“Hindi pa ba nalabas ang kapatid mo?” nanunuod ngayon sa sala si Nicholas at Hero ng mapansin ni Hero na hindi nalabas ng kwarto si Amerie. Magdadalawang araw na siya sa bahay nila Nicholas at weekend ngayon. Simula ng magtanghalian sila ay di pa nalabas si Amerie sa kwarto nito at mag-aalas syete na ng gabi.
“Sabi ko sa iyo, mahirap palabasin ng kwarto iyan e. Nagugutom na nga ako” at tumayo na si Nicholas at tumingin sa kanya “Panigurado marunong ka magluto. Tara’t masubukan yan!” hindi na siya hinintay pang sumagot ng kaibigan ay basta na lang siya hinila sa kusina.
Marunong naman siyang mag-luto kasi nga mag-isa lamang siya sa apartment niya. Pero hindi niya alam kung masasarapan ang mga ito sa luto niya. Hindi naman umangal si Nicholas at basta na lamang kumain ng luto niya. Mukang gutom na nga talaga ito.
“Buti at nandito ka! Kundi magpapa-deliver na naman ako. Salamat ah!” masayang sambit ng kaibigan habang naka-hawak sa tiyan. Mukang busog na busog ito, mukang nagpapa-deliver lamang ito pag walang nagluluto para sa kanya.
“Paano ang kapatid mo?” tanong ni Hero at sinisilip ang nakarang pinto ng kwarto ni Amerie.
Tumayo na si Nicholas, akala nito ay tatawagin ang kapatid ngunit hindi dumeretso ito sa kanyang kwarto. “Lalabas din iyon pag nagutom. Pabayaan mo siya. Osiya, may tatapusin pa akong project” at tuluyun na itong pumasok sa kanyang kwarto.
Napa-iling na lamang siya. Mag-kaiba sila ng course ni Nicholas pero pareho sila sa Engineering Department. Nagkakilala sila ni Nicholas College Team pareho silang basketball player gaya niya ayaw nito mag-varsity masyadong hectic raw sa schedule. Mahirap raw pagsabayin sa pag-aaral.
Haaay. Kailangan pa nga pala niya mag-hanap ng bagong part-time job. Kakatapos lang kasi ng 6-month contract niya sa isang fast food chain. Kailanga niya ng pang tuition next semester kahit pa may discount siya. Malaki pa ang bayarin niya lalo na’t graduating siya. Unti na lamang. Gagraduate na siya. Maaahon na niya sa hirap ang pamilya niya.
Nabalik ang atensyon ni Hero sa bumukas na pinto, ang kwarto ni Amerie. Napatingin ang dalaga sa kanya, ngumiti lang siya at gumanti rin naman ito nang ngiti. Lumapit ito sa kanya.
“Ikaw ang nagluto? Panigurado kasi hindi magluluto si kuya Nikko” natatawang sabi ni Amerie, napapatitig tuloy sa kanya si Hero. Ngayon lang niya nakitang tumawa ito.
Tumikim si Amerie sa ulam at nilamlam ito, “Aba masarap! Buti ka pa marunong mag-luto si Kuya kasi walang pakinabang sa kusina” sabi ni Amerie habang kumukuha ng plato “Tara kain!” pag-aya ni Amerie sa kanya
Ngumiti si Hero at tumango, “Tapos na kami. Sige para sa iyo yan”
Gumanti lamang ito ng ngiti at binalingan na ang mga pagkain. Nagkamay lang si Amerie at di gaya ng ibang babaeng todo hinhin sa pagkain. Ito ay walang poise sa pagkain. Naisip na lamang ni Hero pero kaysa maturn off ito ay parang natutuwa siyang tignan ito habang nakain. Kakaiba! Ngayon lang siya nakakita ng babae hindi nahihiya sa harapan ng ibang tao. Kilala man o hindi.
Napansin ni Amerie ang kanina pa pagtitig ni Hero sa kanya, kaya nag-angat siya ng tingin at nagsalubong ang kanilang mga mata. At gaya ng dati ang kakaibang nararamdaman na naman ni Amerie ang bumalot sa dibdib niya. Nagsalita si Amerie ng mawala-awkwardness ng tingin nila.
“He-He. Pasensya kana ah! Ganito talaga ako kumain” mahiyang sabi ni Amerie, ang totoo ay wala naman siyang pakielam sa iisipin ng iba pero ng makita niy ang tingin ni Hero ay parang bigla siyang nahiya.
“No. I don’t mind. Ituloy mo lang ang pagkain mo. Pasensya kana sa pagtitig ko, ang cute mo kasi kumain” yumuko na lamang si Amerie ng makaramdam ng init sa pisngi. Ngayon lang kasi may nagsabi na cute niya habang nakain, samantalang lahat ng tao ay sinasabihan siya ng ‘baboy’ kumain. Gaya na lamang ng kanyang kapatid.

BINABASA MO ANG
True Love Waits
Romansa[Obra Romansa #1] Nicole Amerie Santiago had a brother, meron itong kaibigan na nanga-ngailangan ng matutuluyan dahil sa busilak na kalooban ng kuya niya ay pinatira ito sa kanilang tahanan. Hindi kontra si Amerie roon dahil wala siyang pakielam. Ma...