Chapter Three

191 9 0
                                    

Kakauwi lamang ni Hero mula sa kanyang bagong part-time job sa mall ng mapansin na may mga gamit sa sala. Nag-tataka siya kung anong meron.

Dumating na kaya ang magulang nila Nicholas? Tanong niya sa sarili

Lumabas mula sa kwarto si Nicholas at napatingin ito sa kanya.

“Tamang tama, nariyan kana pala” may nilapag na naman itong bag “Nakalimutan ko kasing sabihin sa iyo...” lagi na lamang kasi ito nakaka-limot. Kahit nga ang pag-tira niya sa bahay nito ay nakalimutan din niya.

“Ano iyon? Bakit ang daming bag rito? Andyan na ba mga magulang mo? O pinapalayas mo na ako?” hindi maiwasan ni Hero ang mapa-isip pero hindi naman mukang gamit niya ang mga ito.

Natawa na lamang si Nicholas rito, “Naku Hero! Nahahawa kana sa kapatid ko, ang lawak na rin ng imahinasyon mo. Mga gamit ko iyon at wala pa mga magulang ko” na-iiling na lamang ito, saka umupo sa sofa. “Natatandaan mo ba na kulang ang working hours ko sa OJT ko?”

Tumango si Hero at tumabi sa kaibigan, “Tapos?”

“Kailangan ko iyon matapos bago mag-simula ang bagong sem. Inadvance ko na ang final exam ko kaya tatapusin ko na ang OJT ko” pagpapaliwanag nito pero hindi parin malinaw kay Hero kung bakit may mga bag sa sala, napansin naman ata ito ni Nicholas kaya nagsalita na muli ito “Sa Cebu ang OJT ko at mamayang madaling araw ang flight ko kasi bukas ng umaga ang start ko. Kaya kailangan ko ng umalis.”

Bahagyang nagulat naman si Hero sa binalita ng kaibigan. Eh di maiiwan siya rito?

“Hala Nicholas! Nakakahiya naman maiwan rito sa bahay niyo ng mag-isa baka—“ hindi na natapos ni Hero ang sasabihin

“Anong mag-isa? Kasama mo sympre kapatid ko, kaya alagaan mo iyon ah! Sasapakin kita pag napahamak yun” nagulat naman si Hero, oo nga pala at andito pa ang kapatid ng kaibigan. Pero silang dalawa lamang? Parang hindi gusto ni Hero ang ideyang yon at sa pangalawang pagkakataon ay napansin muli ni Nicholas ito. Masyado na talaga siyang kilala ng kaibigan.

“Iniiwan ko sayo kapatid ko. May tiwala ako sayo pare, alam kong wala kang gagawin masama kay Nikki. At pag-pilit ko sayo tumira rito ay paraan nadin para matuloy ko ang planong sa Cebu mag-OJT. Hindi ko kasi basta maiwan ang babaeng iyon.” Matalim siyang tinignan ng kaibigan “Alam kong mahal na mahal mo si Erin, kaya safe sayo kapatid ko”

Parang pinagpawisan naman si Hero rito. Para din kasi siyang pinagbabantaan ng kaibigan. Tumango na lamang siya. Wala din naman siyang balak sirain ang pagkakaibigan nila, higit sa lahat mahal na mahal nga niya si Erin.

“Haay naku Kuya! Pati si Hero tinatakot mo. Sabing kaya ko na ang sarili ko e” andun pala si Amerie at nakikinig sa kanila “Hayaan mo na yang kapatid ko riyan” umiiling na lamang si Amerie na parang sanay na sa kuya niya “Halina na nga kayo. Tapos na ko mag-luto”

Dalawang araw narin ng umalis si Nicholas at sila na lamang ni Amerie at Hero ang nasa sa bahay. Pero kahit ganoon, ay minsan lamang sila magkita nito. Madalas nga kasi magkulong si Amerie sa kwarto. Lumalabas lamang ito pag kakain at papasok sa eskwelahan. Samantalang si Hero ay busy sa part-time at pag-aaral. Malapit na kasi ang final exams nila. Kahit ang nobya ni Hero ay misan na lamang niya makita.

Nagulat si Hero ng pag-labas niya ng kwarto para pumasok ay nakita niya si Amerie, bagong ligo at nakatapis lamang ng tuwalya. Bitbit ang uniform at lumabas mula sa isa sa mga kwarto roon. Hindi iyon ang kwarto ni Amerie. Muntik na malaglag ni Hero ang bitbit na gamit. Mukang napansin na siya ni Amerie, bahagya itong nagulat ng makita siya pero bumalik din ito sa normal na expression.

“Hala. Andito ka pala, akala ko naka-alis kana. Pasensya kana sa ayos ko ah, nakalimutan ko kasi ang uniform ko sa dressing room namin kung san naka-imbak ang mga damit namin” at pinakita nito ang dalang uniform. Hindi makapag-salita si Hero at napatitig lamang siya kay Amerie.

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon