Chapter Ten

289 19 5
                                        

Limang taon na ang lumipas, naging successful sa buhay si Hero. At inaalay niya iyon sa babaeng nag bigay lakas sa kanya.

I hope she’s here…

Boring weekend. Nakain sa mall si Hero nang mapansin ang libro na nakapatong sa lamesang na-upuan niya.

May nakaiwan siguro.

 The name of the author catches his attention, Nikki Aguilar. Napangiti si Hero at dinampot ang libro.

A Writer’s Love Story, ang title ng libro. Binuklat ni Hero ang libro at napunta siya first page kung saan naka-sulat, mostly ang pinapasalamatan ng author or para kanino ang book. Dedication kung baga.

“By popular demand guys! Eto na po, ang pinaka-aabangan niyo. Marami kasing nagtatanong kung ano ang lovestory ng isang romantic novelist. Kaya ito na, ang kwento ng buhay pag-ibig ko. And guys, not everyone have a happy ending.

Oh Bebe Jessa. Mame-mention ka sa lovestory ko. I love you, bestfriend. Thank you dahil andya ka sa drama ng buhay ko. And to my Kuya Nikko, I am so thankful to you. Alam mo na kung bakit at nasa kwento yun. Hehe.

To him… I miss you.

Nikki A.”

Hindi siya nagkakamali kay Amerie ito. Naging sikat na author na nga ito. Aguilar? Hindi maiwasan mapangiti ni Hero sa naiisip.

Nagulat si Hero ng may batang humablot ng libro mula sa kanya.

“My book” tuwang tuwa na sabi ng bata. Napaka-bata pa nito para magbasa ng ganun. Iyon ang nasa isip ni Hero. Sa tingin niya nasa 4 or 5 years old pa lamang ito para sa ganung klaseng libro.

“Hey sweetie” tawag nito sa batang babae. Napalingon naman ito kanya at ngumiti.

“Sowyy. And thanks fow taking cawe of my book” masayang sabi nung bata sa kanya, at bubulolbulol pa. Gumanti ng ngiti si Hero. Nakakatuwa ang bata, may naaalala siya sa batang ito.

Si Amerie…

Kapareho ito ng mga bilugin na mata ni Amerie.

“Sayo ba iyan? Napaka-bata mo pa para ganyang book ah”

Ngumiti ang bata saka tumawa. Madalas na kasi masabihan ang batang ito ng ganun pagnakikita siyang may hawak na pocketbook “Nah! I’m just pwoud. This is my Mommy’s wowk” halata nga napround na proud ang bata. Pero nagulat siya ng sabihin nitong sa Mommy niya ito. Anak ito ni Amerie?

“You should wead it Mistew. It was gweat” dagdag pa ng bata.

“Of course. Sure, I will read it” nawala lang ngiti sa muka ni Hero nung sabihin ng bata na Mommy niya ang author ng libro hawak nito. Marami naming sigurong Nikki Aguilar?

“Mika!” pareho napalingon ang batang babae at si Hero sa boses ng isang babae at hindi inaasahan ni Hero ang makikita niya. It is Amerie. Nag-mature na ito at medyo tumangkad pero it is the Amerie he knww. Naka-salamin parin ito. Naging brown ang itim na itim na buhok nito noon.

“Amerie…” mahinang bigkas ni Hero sa pangalan ng dalaga at gaya niya nakatulala lamang si Amerie rito.

“Mommy!” pareho na lamang silang nagulat sa boses nung batang babae at tumakbo palapit kay Amerie at hinila si Amerie papalapit rito. “Look mommy. He save my book and he also pwomise to wead youw wowk” naka-ngiting sabi ng bata.

Nailang na ngumiti si Amerie rito “Ah Eh. Ha-ha. Thanks… Hero” akala ni Hero ay magpapanggap itong hindi siya maalala pero hindi nakikita parin niya ang mahiyaing Amerie rito.

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon