Alas-onse na pala ng gabi kaya nakaramdam na ng gutom si Amerie. Nag-desisyon na kasi siya magkulong sa kwarto at pagkaabalahan ang kanyang mga nobela pero nadidistract siya kay Hero. Lagi na lamang rumerehistro sa isip niya ang malungkot na mga mata ni Hero at hindi siya sanay roon.
“Ay Amerie! Nagugutom ka na nga si Hero parin naiisip mo!” inis na sambit nito sa sarili. Tumayo na siya at tinaggal ang kanyang salamin. Buti ay may natapos siya kahit isang chapter ng kanyang istroya at di na mangungulit ang mga readers niya. Nag unat-unat si Amerie bago lumabas ng kanyang kwarto. Ng buksan niya iyon ay hindi niya inaasahan ang taong nasa tapat ng kwarto niya at mukang nagulat din ito. May bitbit itong tray na sa tingin niya ay may lamang pagkain.
“Ano ginagawa mo riyan Heron?” nagtatakang tanong ni Amerie habang palipat-lipat ang tingin sa muka at bitbit ni Hero. She tries to act natural.
Writer ka!! Galingan mong umarte!
“Ah—Ehh---“ napakamot sa ulo si Hero “nagdadalawang isip kasi ako kung dadalhin ko ito sayo, kung kakatakot ako o hintayin na lamang kitang lumabas. Kanina ka pa kasi diyan, hindi ka pa nakain” na-touch siya sa ginawa si Hero at mukang may nagbago kay Hero pagkatapos niya lamang ito iwan ng ilang oras
Kinuha ni Amerie ang tray, mukang nag-luto pa ito “Maraming Salamat dito ah. Nag-abala ka pa”
Tumango naman si Hero parang may gusto pa itong sabihin pero hindi naman masabi at napansin iyon ni Amerie. She is good at observing people around her.
“Ano iyon Hero?”
“Ha? Eh?” mukang nagulat naman si Hero at na-gets naman niya agad si Amerie “Pa—pasensya kana sa inasal ko Amerie alam ko naman tumutulong ka lamang sa akin e. I’m sorry and Thank you” napa-ngiti naman si Amerie at mukang nalinawagan na nga si Hero. Nilapag niya ang tray sa sahig at lumapit kay Hero.
Hindi alam ni Amerie basta niyakap na lamang niya si Hero “You’re welcome, at sana matuto kana” Bahagyang nagulat si Hero sa ginawa nito pero napangiti lamang siya at niyakap din si Amerie habang tumatango.
“Hmm… Amerie, about last night” nabigla si Amerie at napabitiw kay Hero
“I told you forget it” sinabi ito ni Amerie nang di natingin kay Hero, dinampot niya ang tray at akmang papasok na sa loob ng kwarto ng pigilan siya ni Hero
“Amerie” pigil nito pero nagpupumiglas si Amerie
“How could I forget? Eh sa hindi ko makalimutan? I know I’m your first and you’re my friend’s sister” nasaktan si Amerie sa sinabi nito. Alam niyang nakokonsensya lamang ito.
“Hero, hindi mo na kailangan makonsensya sa nangyari at it wasn’t even your responsibilities because you’re my first, ginusto ko naman ang nangyari e” pagpipilit ni Amerie tanggalin ang hawak ni Hero sa kanya
“And I like it too” napatigil naman bigla si Amerie sa sinabin nito at napatingin siya sa nakangiting muka ni Hero “And I am glad you like it also” a playful smile curves at Hero’s face.
She can’t believe it! Umaarte nang ganito ngayon si Hero samantalang kanina ay nagda-drama pa ito.
“Stop it Hero. Ayoko ng ganyang biro” dahil sa pagpipilit ni Amerie na makawala sa hawak ni Hero ay nalaglag yung tray na hawak niya pero mukang walang pakielam si Hero at bigla na lamang uli siyang niyakap. He is free to hug her dahil wala nang nakaharang na tray na hawak niya kanina.
“Hindi naman ako nag bibiro e” bulong nito sa kanyang tenga. And bring shivers to her whole body “I like you, and I hope you will give me a chance” Napa-luha na lamang si Amerie sa narinig. Natutuwa ang puso niya sa narinig ito mula kay Hero ngunit ang utak niya kumokontra. Alam nito na si Erin lamang ang mahal ng lalaking unti-unting bumibihag sa puso niya pero gusto niya pagbigyan ang puso niya. Rebound na kung rebound basta gusto niyang maranasan ang mahalin o alagaan lamang ni Hero.
“Of course you, idiot! Kaya magbago kana” tumingin si Hero sa kanya at ngumiti, napansin nito ang mga luha sa mata nito kaya pinunasan ni Hero ito at hinalikan siya sa pisngi
“Thank you, Amerie” puno nang sinseridad sa boses ni Hero, napangiti na lamang si Amerie at napatingin siya sa tray at basag na plato sa sahig.
“Hero, gutom na ko” pinakawalan naman siya agad ni Hero at inakbayan
“Ikaw kasi ang hilig mo magkulong sa kwarto, akala ko nga wala kanang balak lumabas e. Tara gutom na din ako”
“Hindi ka pa nakain?” nagtatakang tanong ni Amerie
“Oo inaantay kita e. Tagal mo naman lumabas, natapon pa tuloy to.” sabay turo dun sa pagkain sa sahig, parang bata itong nagsusumbong. Ang cute nitong tignan kaya nakurot na lamang ni Amerie ang pisngi nito. “Buti na lamang marami akong niluto”
“Lagot ka. Paboritong plato ni Kuya iyang nabasag” pagbibiro niya rito at pareho na lamang silang natawa
Nakatitig lang si Hero kay Amerie habang nakain at mukang naramdaman ni Amerie ito kaya nag-angat tingin si Amerie rito.
“Ba-bakit?” nag-aalanganin tanong ni Amerie. Na-concious tuloy siya sa muka niya, kanina pa siya nakakatitig sa kanyang laptop panigurado ang oily ng face niya.
“Ngayon lang kasi natitigan ng walang eyeglasses” saka ngumiti ito, ito na naman ang kakaibang nararamdaman niya sa mga ngiti nito. Dahil sa naiilang siya napatingin na lang ulit siya sa kanyang pagkain.
“Except kagabi” naalala kasi ni Amerie na tinanggal nito ang eyeglasses niya, ang totoo ay nahirapan siyang hanapin ito kaninang umaga. Akala nga niya nabasag na ito at naipit kagabi buti hindi.
“Ah… oo nga” alanganin na sagot ni Hero at napakamot na lamang sa batok. May parte parin kasi kay Hero na nahiya siya sa ginawa niya kay Amerie, malay ba niya kung handa na ito kagabi pero masaya siyang malaman na nagustuhan din ito ni Amerie. Para tuloy baklang kinikilig si Hero ngayon sakanyang upuan. Hindi kasi mabura sa isip niya ang nangyari sa kanila ng dalaga. Gandang ganda siya sa mapuputing bahagi ng katawan ni Amerie at sa inosenteng muka nito.
“Namumula ka” pag-puna ni Amerie kay Hero, nagulat si Hero na nakatingin na pala sa kanya ito.
“Ah.. Eh.. Wala” nahihiyang sagot niya, lalo tuloy itong namula. Hindi alam ni Amerie kung bakit ito namumula, hindi siya inosente para isipin na baka kinikilig ito, na madalas dahilan ng pamumula ng tao pero wala naming nakakakilig sa pinag-uusapan nila. Allergy kaya ito sa pagkain? Pero si Hero mismo ang nag-luto, bakit naman ito magluluto ng bawal sa kanya? Napa-Iling na lamang si Amerie.
Naturingan kang writer ang hina mo mag-isip!!
“Ah Amerie…” tawag ni Hero sa kanya, tumingin siya rito at parang seryoso na ang muka nito. Hindi siya nag-salita bagkus hinayaan niyang ituloy ni Hero ang sasabihin “Yung sinabi mo kanina, totoo bang binagbigyan ako ng mga professors ko… pero paano?” napa-ngiti si Amerie. Naramdaman niya ang tuwa sa puso ni Hero na pagbibigyan siya ng kanyang mga professor pero may pagtataka rin sa himig nito. Gusto talaga makatapos sa pag-aaral ni Hero.
Inabot ni Amerie ang kamay ni Hero na nakapatong sa lamesa, bahagyang napangiti rin si Hero sa ginawa ni Amerie “sabi ko na sayo naniniwala sila sayo, alam nilang responsable kang estudyante at… hmm… sabihin na din natin na alam nila ang nangyari sa inyo ni Erin. Kaya they will give you time to heal at pag-ok kana tatanggapin ka din nila. Sayang kasi at huling taon muna” napa-ngiti si Hero at halata ang kaligayahan sa mga labi nito. Tinaggal ni Hero ang nakahawak na kamay ni Amerie sa kanya at tumayo siya. Niyakap niya si Ameire.
“Maraming salamat Amerie, alam ko ikaw ang gumawa ng paraan. Maraming salamat” at hinalikan niya si Amerie sa noo. Napa-ngiti na lamang si Amerie.
Patay!
Hindi pa kasi masabi ni Amerie na ayaw pumayag ng striktong professor na ito na bigyan siya ng another chance. Major subject pa naman ito ni Hero. Hala Sige Bahala na!
Tinapik ni Amerie ang likod ni Hero, “Kaya mag-aral kang mabuti ha! Sayang effort ko, Bukas magpakita ka muna sa mga professors mo”
“Opo. Pwede bang samahan mo ko bukas?” Makakatanggi pa ba siya? Lalo’t pinapakita nito ang puppy eyes niya..puppy eyes? Kailan nagkaroon ang pinakahot (next to my brother he-he) na estudyante ng kanilang unibersidad nang puppy eyes? Natawa na lamang siya sa kanyang iniisip. Tumango na lamang si Amerie at niyakap na naman siya ni Hero.
Aba’t nakakarami na ang lalaking ito ah!
Gusto mo naman. Sagot naman ng ibang bahagi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/7528421-288-k569776.jpg)
BINABASA MO ANG
True Love Waits
Romance[Obra Romansa #1] Nicole Amerie Santiago had a brother, meron itong kaibigan na nanga-ngailangan ng matutuluyan dahil sa busilak na kalooban ng kuya niya ay pinatira ito sa kanilang tahanan. Hindi kontra si Amerie roon dahil wala siyang pakielam. Ma...