Patapos na ang final exam ni Amerie, magiging maluwag nadin ang schedule niya at Hello Sembreak. Bigla niya tuloy namiss ang kuya niya kahit madalas naman itong tumawag. Wala na kasi siyang kakulitin kahit minsan lang siya lumabas sa lungga niya. Gaya ng tawag ng kuya niya sa kwarto niya. Tsaka dapat sa mga oras nato ay nagpaplano na sila ng magandang bakasyon ngayong sembreak.
Pero mukang ang kuya ko lang ang nag-eenjoy sa Cebu…
Kung pumunta kaya siya ng Cebu at dalawin ang kuya niya? Magadang idea sana kaya lang naalala agad ni Amerie si Hero. Matagal narin niyang hindi ito nakikita. Nakatira nga sila sa iisang bubong… ay pangit pakinggan pero yun na rin iyon. Ngunit hindi naman sila magkikita. Ang huling pag-uusap na nila ay nung magkasabay silang pumasok. Pagkatapos noon ay wala na, hindi na din niya ito nakikita sa bahay pati na rin sa paaralan pero madalas naman niya makita si Erin kasama ang mga kaibigan.
Umalis na kaya yun? Tanong nito sa sarili
Pero imposible, kasi naroon pa ang gamit ni Hero. Isang beses na rin niya sinilip ang kwarto ni Hero, magulo ito at inaasahan na rin niya iyon para sa isang lalaki pero sobrang gulo nito. Hindi alam ni Amerie kung ano ang nangyari sa kwarto ni Hero pero pinabayaan na niya ang kwarto nitong parang dinaanan ng bagyo. Haay naku po! Pero atleast, ibig sabihin ay sa bahay parin nila nauwi ang lalaki.
Magaalas-dose na, tapos na mag-review si Amerie pero hindi pa siya tinatamaan ng antok. Parang may bumabagabag sa isip siya. Naisipan niyang lumabas ng kwarto at uminom muna ng gatas. Habang busy sa pagtitimpla ng gatas si Amerie ay may narinig siyang ingay mula sa sala.
Si Hero naka-iyon?
Naisipin lumabas ni Amerie mula sa kusina at tama siya, si Hero ang dumating. Kahit patay ang ilaw ay tanda niya ang pigura nito. Naisipan ni Amerie buksan ang ilaw at parang nasilaw si Hero ng magbukas ang ilaw.
“Ahhh” pasuray-suray maglakad si Hero
Anong nangyari sa lalaking ito?
Mukang ang dungis rin nito tignan. Lumapit si Amerie, malayo pa siya ay amoy na niya ang alak at sigarlyo. Mukang nag-inom pa ito. Naiiling na lamang si Amerie at inalalayan si Hero.
“Hero, ayos ka lang ba? Bakit ka nag-inom? May pasok ka pa ba bukas ah…” nag-alala si Amerie, parang may mali kay Hero. Umiling lang si Hero at nag-lakad muli ngunit bigla itong bumagsak.
“Oh My Ghad Hero!” nagulat si Amerie ang mabilis na lumapit sa bumagsak na katawan ni Hero, mukang lasing na lasing na nga ito at di bale wala na sa lalaki ang pagbagsag ng katawan sa sahig. “Hero. Hero.” Tawag ni Amerie habang niyuyugyog ang katawan nito.
“Huy gumising ka!” hindi tinigilan ni Amerie ito pero mukang wala na talagang balak ito gumising.
Kung minamalas nga naman…
Pinilit itayo ito ni Amerie, bigat na bigat siya sa pangangatawan ni Hero. Iba talaga ang bigat ng mga lalaki. Hindi alam ni Amerie kung saan niya dadalhin si Hero. Napaka-gulo kasi ng kwarto ni Hero. Halatang may problema ito.
Umiling si Amerie at nag-desisyon itong dalhin na lamang si kwarto niya.
“HAAAAY!” malakas na butong hininga ang nilabas ni Amerie pagkatapos niyang mahiga si Hero sa kama niya. Naghahabol pa siya ng hininga dahil sa pagod ng marinig niyang nagsalita si Hero, akala niya ay gising na ito pero mukang nananginip lamang ito. Mali, binbangungot.
“Erin.. Erin.. Please. Wag mo ko iwan” napatingin si Amerie kay Hero may mga luhang lumabas sa mata nito pababa sa mga pisngi, napansin din ni Amerie na marami nang natuyong luha si pisngi ni Hero. Mukang walang ginawa ang binata kundi umiyak. Napapatitig lamang si Amerie kay Hero, ano kaya ang nangyari kanila ni Erin? Ngunit ang huling mga salita ni Hero ang parang pumiga rin sa puso ni Amerie, parang gusto din niyang umiyak.
“Erin Wag mo kong iwan. Hindi ko kaya. Mahal na Mahal kita” tuloy parin ang pag-agos ng luha sa muka ng binata. Napaka-miserable ng inabot nito. Mukang nag-hiwalay na sila ni Erin, iyon kaya ang dahilan ng magulong kwarto ni Hero? Kailan pa kaya ito?
Tumayo si Erin at kumuha ng bimbo, kailangan niya pang linisin si Hero. Napaka-baho na kasi ng binata. Bumalik si Amerie na may dalang bimbo at maligamgam na tubig. Pinahid niya ito sa muka ni Hero.
“Erin. Erin” naririnig parin ni Amerie ang tawag ni Hero sa nobya… o dating nobya.
“Hero… gumising ka” pag-alog niya kay Hero, hindi siguro makakabuti rito ang patuloy na pag-iyak habang natutulog
“Erin” tuloy parin sa pagtawag si Hero hanggang sa mamulat ang mata nito. Nagulat siya ng bigla siyang yakapin ni Hero. “Erin. Bumalik ka, Erin”
Naramdaman na naman ni Amerie ang pag piga sa puso niya. Hindi siya makapaniwala na may gantong klaseng lalaki na handing umiyak na parang bakla sa isang babae. Mukang mahal na mahal talaga niya ang dalaga.
“Hero…” unting unting tinanggal ni Amerie ang braso ni Hero na nakayap sa kanya “Hindi ako si Erin, si Amerie ito” parang natauhan naman bigla si Hero at nagkusa nang tanggalin ang braso sa kanya at napahawak sa ulo at ginulo ang buhok
“Ah… pasensya kana Amerie” napatingin bigla si Hero sa paligid. Hindi niya ito kwarto. Sumasakit pa ang ulo niya pero sigurado siyang hindi niya ito kwarto “Bakit ako andito?”
“Nalasing ka kasi at magulo ang kwarto mo kaya dito na lamang kita dinala, ano bang nangyari sayo?” nag-aalalang tanong ni Amerie, may alam na siya sa tunay na nangyari sa binata pero gusto niya maki-sigurado.
Para naming bumalik lahat ng sakit kay Hero dahil sa tanong ni Amerie at hindi na naman niya mapigilan ang mga luha. Naalala na naman niya si Erin. Ang pakikipaghiwalay ni Erin sa kanya. Pinagpalit na siya nito sa ibang lalaki, hindi lang basta sa ibang lalaki. Sa mayamang manliligaw nito. Hindi mapigilan ni Hero na sisihin ang kahirapan kung bakit siya iniwan ng babaeng mahal niya.
Bigla na lamang nagwala si Hero, wala siyang pakielam sa iisipin ni Amerie basta galit siya. Ansama ng loob niya. Naiintindihan naman ni Amerie ang nangyayari kay Hero. Nasaktan ito ng sobra. Masyado nitong minahal ang babae.
“Bakit ganyan kayo? Pera lang ba lahat? Ganun na lang!” hindi mapigilan ni Hero ang nararamdaman pati si Amerie napagdiskitahan na niya ng galit niya. Hindi naman naapektuhan si Amerie dahil alam niya ang dinadanas nito. Niyakap na lamang ito ni Amerie, kahit siya ay di niya alam kung bakit niya ginawa iyon pero mukang effective naman dahil himinahon si Hero at ang iyak na lamang nito ang naririnig sa loob ng kwarto.
“Tahan na Hero. Magiging ok ka rin” gusto sana sumagot ni Hero na paano siya magiging ok kung iniwan siya ng taong mahal niya pero pinabayaan niya lamang si Amerie magsalita “Hindi lahat ng babae pera, kayaman o karamyaan lang ang gusto. Kailangan lang ay mahanap mo ang karapat dapat na tao. Tahan na Hero. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin pero andito naman ako e. Andito lang ako sa tabi mo” at mas hinigpitan pa ni Amerie ang yakap niya kay Hero.
Parang may kung anong bumalot sa puso ni Hero at nakapag-pagaan sa damdamin ni Hero. Hanggang sa napayakap narin siya kay Amerie. Napapatitig si Hero sa maamong muka ng dalaga at ganun din si Amerie, nakakatitig sa bagong iyak na muka ng binata. Hinaplos ni Hero ang muka ni Amerie at tinaggal ang eyeglasses nito. Hindi komontra si Amerie bagkus ay nakakatitig lang siya kay Hero. May kung anong humihigop sa mga paningin niya para si Hero lamang ang titigan.
Unting unting lumapit ang mga muka ni Hero sa kanya. Hindi siya tanga para hindi malaman ang balak gawin ni Hero pero wala siyang plano pigilan ito. Parang gusto rin niya matikman ang mga labi nito. Kung gaano kalambot ito at kung paano humalik ang isang Hero Aguilar.
Hanggang sa dumampi na ang labi ni Hero sa kanyang mga labi. Napakalambot nito at kusa na lamang napapapikit ang mga mata niya. Hindi niya napigilan at napasabay na lamang sa kilos ng mga labi nito.
He is a damn good kisser!
Ang munting halik nila ay di niya inasahang lalalim na lamang bigla at sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nangyari sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
True Love Waits
Roman d'amour[Obra Romansa #1] Nicole Amerie Santiago had a brother, meron itong kaibigan na nanga-ngailangan ng matutuluyan dahil sa busilak na kalooban ng kuya niya ay pinatira ito sa kanilang tahanan. Hindi kontra si Amerie roon dahil wala siyang pakielam. Ma...