Chapter Seven

200 10 0
                                    

Makatapos maka-usap ni Hero ang kanyang mga professor kaninang umaga ay di na ito magkanda-ugaga sa pag-aaral. Hindi nga makapaniwala si Hero na pagbibigyan siya ng mga ito yun nga lang ay limitado lamang ang araw na kailangan niyang mag-aral dahil kailangan niyang mag-take ng exam bago matapos ang October, may kanya-kanya kasing lakad ang mga prof niya.

Si Amerie ay naka-masid lang kay Hero mula sa pintuan ng kwarto nito. Naging malinis na ang kwarto ni Hero, hindi gaya nung huling nang galing siya roon na nakakalat sa mga gamit. Seryoso itong nag-aaral kaya hindi na niya iniistorbo pero gusto na sana niya yayain ito mag-hapunan pero mukang busy pa. Umalis na lamang si Amerie roon at saktong may tumawag sa cellphone niya. Ang kanyang kuya.

“Hi Kuya” masayang bati ni Amerie, nangamusta lang ang kuya niya at tinanong na din si Hero dahil hindi niya ito ma-contact. Sinabi na lamang ni Amerie na medyo busy ito siguro pag-uwi na lamang niya sasabihin ang nangyari kay Hero. Nakalimutan na nga pala ni Amerie, dapat ay susunod nga pala siya sa Cebu pero kailangan pa siya ni Hero ngayon.

Haaay… sa sususnod na nga lang ako pupunta ng Cebu.

Nag-paalam na ang kuya at binaba na rin niya ang kanyang cellphone.

“Sino kausap mo?” bahagya namang nagulat si Amerie, naka labas na pala mula sa kwarto si Hero baka nagugutom na ito

“Ah si kuya lang. Nagugutom kana ba?” tanong ni Amerie at nilapag ang cellphone sa center table ng sofa. Ngumiti si Hero at tumango. Gumanti naman ng ngiti si Amerie.

Ang totoo ay lumabas si Hero mula sa kwarto nang marinig na parang may kausap si Amerie, at parang nag-init ang ulo niya ng marinig na nag-iloveyou ito bago ibaba ang hawak na cellphone.

May boyfriend ba siya?

Napa-isip tuloy bigla si Hero kaya agad siyang nagtanong. Tama ang una niyang hinala, ang kapatid ni Amerie ito, si Nicholas. Parang nahugutan ng tinik si Hero rito. Napansin na din niyang hindi pa siya nakain at naging busy sa pag-aaral. At least, ngayon makakasabay niya si Amerie. Masyado kasi siyang busy kanina at hindi napapansin si Amerie.

Ilang araw na subsob sa pag-aaral si Hero, nakalimutan na rin niyang tumulong sa gawaing bahay kay Amerie buti naiintindihan siya nito. Medyo marami din kasing siyang namiss na lesson kaya kailangan niyang maghabul.

Worth it!

Ngiting ngiti siya habang hawak ang mga results ng exam niya. Pasado lahat. Kulang na lamang ay dun sa major subject niya, sabi kasi ni Amerie wag ko muna pag-aralan iyon at sa ibang subject muna dahil tapos na niya ang iba ay sisimulan na niya mag-aral dun, mahirap kasi ang subject na iyon at medyo komplikado.

Gusto nang ibalita ni Hero kay Amerie ang grado niya. Gusto din niya ito pasalamatan kundi dahil rito baka hanggang ngayon ay wala parin siya sa katinuan. Baka nag-wawala pa siya at nasira na ng tuluyan ang buhay.

“HERO!” narinig niya ang boses ni Amerie mula sa malayo, nag-taka naman si Hero kung baklt andito si Amerie. Bahala na. Basta gusto na niya ibalita ang resulta ng exams niya rito. Mabilis na lumapit sa kanya si Amerie.

“Tignan mo Amerie pasa—“ hindi na natapos ni Hero ang sasabihin ng bigla siyang kaladkarin nito. Halata niyang hinihingal paring ang dalaga ngunit wala paring tigil ito sa pagtakbo at paghila sa kanya.

“Buti nakita kita agad. Dalian mo Hero” pagmamadali pa lalo ni Amerie. Nagtaka naman si Hero bakit nagmamadali ito. At patungo pa sila ngayon sa Director Office ng Engineering.

“Bakit ba Amerie? Saan ba tayo pupunta?” kahit may hula na siya kung saan sila pupunta ay gusto parin niya maka-sigurado.

“Ngayon ang exam mo kay Sir Carrie kaya dalian mo baka magbago ng isip non” nagulat naman si Hero.

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon