Chapter Nine

155 12 1
                                        

Everything goes well. Iyon ang akala nila.

Natapos ang Christmas Vacation, tuwang tuwa si Amerie sa regalong kwintas ni Hero sa kanya.  A key necklace, hindi siya couple necklace na nakay Hero ang puso or ano pa man. Basta ang sabi ni Hero sa kanya nung binigay ni Hero ito sa kanya ay, ‘This key will be a promise that no other could open my heart rather than you. Lagi niya itong suot, symbol of love indeed.

Malapit na ang midterm exam. Lalo nagiging busy si Hero pati na ang Kuya Nikko niya. Pareho kasing graduating ito pero hindi gaya ni Hero si Nicholas. Si Hero kasi laging gabi na nakakauwi, lagi kasing nagoovertime sa part time job si Hero. Kailangan kasi mag-bayad ni Hero for graduation fee. Ayaw niya umasa sa kanyang magulang. Gusto ni Hero pag punta ng magulang niya sa Manila ay aakyat lang ito ng stage.

“Lalim ata ng iniisip mo” pag puna ni Nicholas kay Amerie

Umiling si Amerie, “Nothing” pero patuloy parin sa pag-iisip si Amerie. Hindi kasi mawala sa isip ni Amerie ang nakita kanina.

“Come on. I know you sis” pag kulit sa kanya ni Nicholas.

Huminga ng malalim si Amerie, “I saw Erin, pagkatapos kasi nilang mag-break ni Hero. Hindi ko na masyadong nakikita si Erin e” paliwanag niya

Parang pumakla ang muka ni Nicholas. Hindi nito maintindihan ang iniisip ng kapatid, “So?”

Nag-isip ng malalim si Amerie at humarap sa Kuya niyang naka-kunot ang noo, “Something is wrong with her. Naiyak siya. At mukang…. Ugh! Ewan! Problemada?!” Hindi alam ni Amerie, basta may mali siyang nararamdaman.

Umiling lamang ang Kuya niya, “Baka hiniwalayan ni Gerald. Karma na niya yun!” Magsasalita pa sana ulit si Amerie pero biglang dumating si Hero. Mukang pagod na pagod ito.

“Hero!” sabay lapit ni Amerie at hinalikan niya sa pisngi si Hero. Ngumiti lang ng bahagya si Hero sa kanya. “Kumain kana ba? Tara sa kusina” aya ni Amerie rito

Umiling si Hero, “Hindi na. Busog pa ko. Sige pasok muna ko sa kwarto ko. Ge pre” saka dumiretso sa kwarto si Hero.

“Ge pre”

Nagulat si Amerie sa inasal ni Hero. Sa tagal nila ni Hero, ngayon lang siya parang dinebalewala ni Hero. Para tuloy nanlumo si Amerie. Sinundan lang niya ng tingin si Hero hanggang maka-pasok ito sa kwarto.

“Kuya?” halos ma-iyak na tawag niya sa Kuya Nikko niya at mukang naitindihan siya agad ni Nicholas. Nilapit siya nito at hinagod ang braso.

“Come on, Nikki. Baka naman pagod lang si Hero” gusting tanggapin ng puso niya ang rasong pagod lang ito. Pero eto na naman ang isip niya, pagtapos ng mahabang pananahimik ng isip niya. Bumabalik na naman ito. Hindi niya mapigilan mag-isip.

Something is wrong…

Naniniwala na si Amerie na may mali. Minsan kasi ay hindi na-uwi si Hero sa bahay nila, at madalas maaga pa lang ay wala na ito. Kahit hindi naman nagbago ang pagtrato ni Hero sa kanya may mali. She feels some coldness from Hero pero mas ramdam niyang parang may dinadala ito.

Oh My Ghad! Mababaliw na ko kakaisip!

Umupo sa mahabang sala si Amerie at pinatong ang kanyang paa sa center table. Hindi na niya ang alam ang gagawin.

Ano ba Hero? Bakit ayaw mong sabihin sa akin ang problema?

Pagkatapos kasi ng gabing iyon, kinabukasan nag-sorry ito sa inasal niya pero ganun parin ito minsan. Tatanungin niya ito kung may problema pero sasabihin nito pagod lang siya.

Tatayo na sana si Amerie sa pagkaka-upo ng bumukas ang pintuan ng bahay nila. Si Hero ito, at kakarating lang. Napansin agad nito ang sugat sa muka ni Hero kaya nag-madali siyang lumapit rito.

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon