Chapter Eight

169 10 0
                                    

Buong sembreak ay nagkulong lang sila Hero at Amerie sa bahay, minsan nalabas din sila para mag-date. Pero madalas ay kumakain lamang sila. Gusto man ayain ni Hero si Amerie, magbakasyon sa ibang lugar gaya ng madalas na ginawa ni Amerie tuwing sembreak, ay wala siyang pera. Wala kasi siyang mahanap na bagong part-time pagkatapos kasi nang nangyari ay di na siya tinaggap ng dating pinasukan niya. Ayus lang naman sa kanya, maghahanap na lamang siya ng bago. May ipon pa naman siya.

Inakbayan ni Hero si Amerie at inilapit nito ang dalaga sa kanya. Nanunuod sila ngayon sa sala.

“Pasensya kana, hindi kita madadala sa magandang lugar para kahit papano ay magbakasyon” malungkot sa sabi ng binata kay Amerie. Bahagya naming nagulat si Amerie sa sinabi ni Hero pero niyakap lamang ng mahigpit ni Amerie sa bewang si Hero at saka pinisl ang matangos na ilong nito.

Nakatingala siya rito, “Ikaw talaga. Ilang beses ko bang sasabihin na ayos lang. Basta kasama kita, masaya na ko. Kagaya nito pareho tayo nanonuod ng movie, hindi man sa sine e basta kasama kita” pero parang di natinag ang pagda-drama ni Hero sa sinabi ni Amerie.

“Yun na nga. Dapat sa sine kita dinala, hindi dito lang sa bahay. May pera naman ako kahit papaano ah!” dagdag nito sa kanyang drama. Natawa na lamang si Amerie. Hindi siya makapaniwala na kung minsan ay may paka-childish pala ang lalaking ito at nakakatuwa itong pag masdan. Nag-aaya kasi itong mag-sine dahil may ipon pa naman daw siya pero tumanggi si Amerie. Mas pinilit nitong itabi na lamang ni Hero ang pera, kailangan din niya ito. Marami pa itong gastusin dahil graduating na ito.

“Ganito na lamang para hindi na magtampo ang mahal ko, pag nagka-trabaho kana ulit. Saka tayo manunuod ng sine” saka dinantay ni Amerie ang ulo sa dibdib ni Hero. Inayos na rin niya ang nagulong salamin. Natuwa nga siya ng sabihin ni Hero na mas bagay sa kanya may salamin samantala yung iba gustong mag-contact lens na lang siya para daw lumabas ang ganda niya. Naalala niya yung sagot ni Hero nung sinabi niya iyon kay Hero.

“Wag! Baka maagaw ka pa nila sa akin” Wagas kinilig talag siya nun. Kaya ngayon mas feel na feel niya ang kanyang salamin. Thanks to Hero.

Bumuntong hininga si Hero, “Sige na nga. Basta maghahanap na ko ng trabaho” pursigidong sambit nito kay Amerie. Natawa na lamang siya rito.

“I love you” sabi ni Amerie kay Hero, ngumiti si Hero rito at pinisil ang ilong ni Amerie.

“I love you too” sabay halik ni Hero kay Amerie

“ANONG NANGYAYARI?” parehong nagulat si Amerie at Hero sa boses ni Nicholas. Pareho silang napatayo at napatingin kay Nicholas na nasa pintuan ng bahay. Galit ang nababakasa sa pagmumuka nito.

Patay! perohong sambit ng dalawa sa isip.

Balak sanang supresahin ni Nicholas sila Hero at Amerie sa kanyang pagdating pero mukang siya ang na-supresa nadatnan. Magkahalikan ang kanyang kaibigan at kapatid.

“Did I miss something?” tanong agad ni Nicholas ng maka-upo ito sa tapat ni Hero at Amerie na  magkatabi sa mahabang sofa. Pareho itong naka-yuko.

“Ah kuya—“ sasagot na sana si Amerie pero nagsalita muli ang kuya niya

“Kelan pa ito?”

“Ah pre—“ sasagot na din sana si Hero ng magsalita muli ang kaibigan

“Bakit niyo ko niloloko?”

“pero kuya—“

“Kaibigan kita ah!” ngayon tinitigan na niya si Hero

“ganto kasi pre—“

“Bakit kapatid ko pa?!” tingin naman ito sa kapatid niya

“OH MY GHAD KUYA. LET US SPEAK!” sigaw ni Amerie, na-frustrate na siya masyado sa kapatid niya. Parang natauhan naman bigla si Nicholas, na siya lang pala ang dakdak ng dakdak rito. Pero di parin nawawala ang galit niya.

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon