Chapter Five

169 9 0
                                    

Hindi makapaniwala si Amerie sa nalaman. Ilang araw na palang hindi napasok si Hero at hindi pa ito nag-eexam. Huling araw na ng exam ni Amerie ng maalala niyang hindi makakapasok si Hero ngayon. Iniwan niya ito sa bahay. Muka kasing marami pa itong dapat pag-isipin. Kahit nga siya dapat na rin mag-isip.

Hindi mawala sa isip ni Amerie ang nangyari kagabi, she gave everything to him. Sa walang kamuwang-muwang na lalaking iyon kagabi. Masyado siya o sila nagpadala sa nararamdaman. Hindi naman humiling si Amerie na panagutan siya nito. Bakas kasi sa muka ni Hero ang gulat at konsensiya kaninang umaga ang makitang hubad silang dalawa sa kanyang kama. Para tuloy siyang nabuhos ng malamig na tubig noon na gumising ng diwa niya. Her mind is saying like “Good Morning Sunshine. The dream already ends” pero her dream was real. May nangyari sa kanila. Ayaw na niyang gipitin ang binata kaya naisipan na niyang iwan ito. Sinabihan niya itong wag pumasok kasi mukang di pa nito kaya, masyado itong lasing kagabi and broken hearted.

I think so…

Hindi narin sila nakapag-usap kasi hindi na din niya pinayagan mag-salita pa ang binita. Amerie doesn’t want any rejection yet. Not yet. Hindi makakabuti sa exam niya iyon. Siguro, mamaya na lamang niya haharapin si Hero.

“Ano sabi Amerie?” tanong ni Jessa pagkalabas ni Amerie sa faculty room ng mga Engineering Dept.  “Bakit ba ganyan ka mag-lakad?” pag-puna nito sa paglakad niya. Ang totoo ay masakit pa ang pinakaalagaan ng mga babae ni Amerie pinilit lamang niyang pumasok at maglakad dahil exam at para maka-iwas kay Hero. Now, she remembered the guilt in Hero’s face this morning. Ugh!

“Hoy Amerie!” masyado siyang maraming iniisip. Binaling niya ang atensyon sa kaibigan at sinabi rito ang sinabi ng professors ni Hero. Kung hinid makakapag-exam si Hero ay babagsak siya. Uulit siya. Kaysa gagraduate siya next sem ay baka ma-urong pa. Ang lalaki kasing iyon. Masyadong nagpa-apekto sa babae. Sinubukan maki-usap ni Amerie sa mga prof nito mabuti na lamang ay mababait at pinayagan mag take ito kahit late kasi alam naman nila na responsableng estudyante si Hero na baka may pinagdadaanan lamang ito. Pero ang isang masungit na guro nito ayaw pumayag. Bahala na!

“Naks naman Amerie, ikaw ata ang Hero ni Hero. Nagpapalakas ka kay Papa Hero ah” panunukso sa kanya ni Jessa. Inirapan lang niya ito. Hindi niya kasi kinuwento ang nangyari kagabi dahil nakakahiya siya. Hindi nga din niya alam kung bakit niya ginawa ang lahat ng iyon.

Gaga! Di ba nga inlove ka?

Sabi ng kanyang isip pero nakipagtalo siya. Paano siya na-inlove? Oo gusto niya ang mga halik nito pero ibig sabihin ba nito inlove na siya? Oo may nangyari na sa kanila at ginusto niya iyon pero ibig bang sabihin inlove na siya rito?

Para kang hindi romantic novelist niyan, Amerie! Sumbat nito sa sarili.

Ganun lang ba ma-inlove? Pwes! Sana inlove rin ito sa kanya. Kasi hindi namang pwedeng siya lang pero hindi naman siya ganun ka tanga dahil alam niyang iba ang mahal nito.

“Totoo nga ang balita…” nabalik ang atensyon niya sa kaibigan at napatingin sa titinitigan nito.

Si Erin… kasama ang isang sikat na anak mayaman sa kanilang paaralan. Nakipaghiwalay nga ito kay Hero para sa mayamang lalaki. Alam naman kasi ng lahat na pera na lamang ang wala si Hero. Hero is almost perfect… gwapo na, mabait at matalino pa. Minalas nga lang ng kaunti at nag mula sa mahirap na pamilya but he is a hard-working student. Hard-working for his future.

Napa-iling na lamang si Amerie.

Eto ba? Ganto bang babae ang iniiyak mo, ha, Hero?

Nagdadalawang isip pa si Amerie kung uuwi na siya o magiistay na lamang sa bahay ni Jessa pero nangako siya sa mga readers niyang mag-uupdate siya ngayon dahil ilang araw nang nilalangaw ang istorya niya dahil sa kanyang exams.

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon