Chapter 6

328 9 2
                                    

Kinabukasan pinuntahan niya agad si Mrs. Lim mabuti na lamang at saktong walang pasok dahil Sabado. Sinama niya si Dennis dahil walang maiiwan dito at baka mawala na naman ito.

Pinatuloy sila ng ginang na mukhang hindi na nagulat sa biglaang pagbisita nila.

"O Ms. Tejada hija. Upo kayo." Lumingon ito sa may hagdan na parang may sinisilip na agad din namang binaling ang atensyon sa kanila. "Anong kailangan mo? May problema ba?" Inalok siya nito ng kape na tinanggihan naman niya dahil nahihiya din siya.

"Ay wala naman po itatanong ko lang po kung talagang may kakilala po kayong lalake Alden po ang pangalan. Hindi ko na po nakuha iyong apelido niya nawala na din po sa isip ko."

"Ah si Alden. Oo hija kilala ko iyong batang iyon. Dapat nga kukunin ko siyang driver pero ano naman gagawin ko sa dalawang driver kung isa lang kotse ko diba? Hahaha" tumawa pa ng bahagya ang ginang. Sabay inom ng kape nito. Napansin niyang may isa pang tasa ng kape sa lamesita kaya mukhang may naunang bumisita dito.

"Nag-aaply ho kasi siyang yaya ni Dennis dahil wala pa siyang mahanap na trabaho sakto po kaso umalis na iyong yaya ko. Ok lang po bang kunin ko siyang yaya ni Dennis."

"Ikaw bahala hija. Kung ang iniisip mo ay kung mapagkakatiwalaan ba ito masasabi kong wala kang ipagaalala dahil mabait iyon at matagal ko na ding kilala yung batang iyon." Nakangiti na sagot nito.

Napansin niyang tuwang tuwa ito kay Alden. Hindi kaya type ng ginang si Alden? Hehe. Agad na pinaalis niya sa isip niya ang kalokohang iyon. Nag-smile lang gusto na agad? E d wow! Maya maya nagpaalam na din sila sa ginang.

Aalis na lamang siya ng lumingon siya bigla nang may maalala kaya biglang nagulat ang ginang. Magugulatin pala ito.

"Mrs. Lim tanong ko lang po iyong memo niyo last month na magtataas kayo ng upa. Mga magkano po ang itataas?"

"Ay nakalimutan kong sabihin hija hindi na matutuloy ang pagtaas ng upa matagal na din naman kayong nangungupahan sa akin kaya naisip kong huwag na lang din. Sige hija may gagawin pa ako at mukhang naiinip na din si Dennis.

"Sige po Mrs. Lim maraming salamat." Naglakad na sila ulit ni Dennis pabalik sa bahay nila.

Para hindi masayang ang umagang iyon naglaba na muna siya habang nilalaro na din si Dennis. Balak niyang dalhin ito sa mall mamaya. Kasalukuyang nagbabanlaw siya ng damit ng biglang may kumatok. May basa ng konti ang suot niyang tshirt dahil mano mano ang pagbabanlaw na ginagawa niya. Dahil nasa likod na siya ng bahay hindi na siya nag abalang tignan kung ano ang hitsura niya at dumerecho na sa gate. Nabugaran niya si Alden na may dalang isang container ng ulam.

"Nakakaistorbo ata ako. Ibibigay ko lang sana itong ulam pinabibigay ni Mrs. Lim." Sabay abot sa kanya ng dala dala nito.

Nagtataka man kinuha niya ito. "Ay salamat paki sabe kay Mrs. Lim salamat. Balak ko nga sanang bumili na lang sa labas ng pagkain dahil hindi pa ako tapos maglaba." Habang nagsasalita siya nakatingin lang ito sa mukha niya kaya na concious naman siya sa hitsura niya dahil ang gulo gulo ng buhok niya. May pagka kulot kasi siya kaya naman para siyang sinabunutan ng mga oras na iyon. "Nako sorry hindi na kita maalok pumasok hindi din kasi kita maaasikaso e hindi ko pa tapos labahin ko. Thank you dito ha."

Ngumiti ito. "Hindi talagang bibigay ko lang iyan sayo at babalik na din ako. May lakad si mam ngayon at muna ang sasama sa kanya. Ako nga pala nagluto nyan para na din matikman mo kung pasado ba sa panlasa niyo ni Dennis."

Yayo and I (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon