Chapter 16

235 4 0
                                    

Naisip niyang huwag nang sumama kay Jacob sa pamamasyal dahil hindi naman din kasama ang kaniyang anak kaya sumama na lamang siya sa mga ito. Pinanood niya itong magswimming tinuturuan ito ni Alden. Infairness magaling nga itong magturo. Ngbaon siya ng librong babasahin dahil hindi naman talaga siya mahilig lumangoy. Libang na libang siya sa pagbabasa ng may lumapit na waiter at inabutan siya ng tatlong drinks. Nagulat siya dahil wala naman siyang inoorder kaya tinanong niya ang waiter. May inabot lang itong papel.

Enjoy.

J.A.P.

Si Jacob. Jacob Abraham Pelaez ang buong pangalan nito. Lumingon lingon siya para hanapin ito pero hindi niya ito makita. Tinext niya ito sa viber.

Wer u? Tanong niya dito.

Hindi ito nagreply kaya hinayaan na lamang niya ito.
Tinawag niya sila Alden at pinainom ang mga ito at maya maya pa bumalik na din sa pagswimming ang kaniyang anak. Matapos ang isang oras sinabihan niya ang mga ito na umahon na at magbihis at magiikot ikot kami para maghanap ng gusto nitong kainin. Pabalik na sila ng cottage ng makita nila si Jacob na nakatayo sa may pinto. Bagong ligo ito. Naka short at tshirt lamang ito at tsinelas.

"Hi" bati nito.

"Hello. Kanina ka pa ba diyan?" Tanong niya dito.

"Hindi naman kakarating ko lang din. Gusto ko sana kayong yayain mag-dinner kung ok lang sa inyo." Sagot nito.

"Mam sandali paliguan ko lang muna si Dennis at baka malamigan at mabihisan ko na din kung kakain kayo sa labas." Singit ni Alden.

"Hindi sumama ka na din sa amin ok lang ba?" Tanong niya kay Jacob.

"Oo naman ok lang." sagot nito.

"Hindi na mam kayo na lang po ni Dennis." Tanggi nito.

Doon lang niya naalalang pakilala ang dalawa. "Ay Dennis ito nga pala si tito Jacob mo. Jacob siya si Dennis anak ko at ito naman si Alden yaya niya."

Tumango lang si Alden at magalang na nagpaalam sa kanila.

Kahit anong pilit niya hindi na sumama si Alden sa kanila nagpaalam itong maglilibot libot mag-isa tutal weekend naman pinayagan niya ito. Simple lang ang pinagdalhan sa kanila ni Jacob na restaurant lutong pinoy ang mga putaheng nasa menu. Hinayaan na niya itong umorder hindi naman siya mapili sa pagkain at si Dennis. Nag-usap sila habang hinihintay ang mga order nila.

"So, kamusta ka naman? Kamusta mga kabarkada mo nagkita kita pa ba kayo?" Tanong ni Jacob.

"Ok naman eto syempre maganda pa din." Pabirong sabi niya dito na ikinatawa nito. "Nagkikita kita pa naman kami pero hindi na ganon kadalas at hindi na laging kompleto. Ikaw musta ka naman?"

"Eto ok din naman kakarating ko lang galing states dun ako nag masteral tapos bumalik na ako ng pinas at dito na ako naasign."

"Aahhh.. matagal ka na dito sa resort?"

"Mga 2 years pa lang simula nung tinayo itong resort"

"Ano ba position mo dito sa resort na ito? Parang ang yayaman naman ng mga pumupunta dito considering na hindi naman ganon kataas ang mga room rates niyo pati na dn iyong mga food pero na mamaintain niyo pa din iyong place."

"Iyon talaga ang target ng resort para madaming makapunta hindi lang iyong mga nasa upper class hindi din namin akalain na magugustuhan din ito ng mga taong napapabilang sa upper class."

"Infairness naman kasi tahimik naman siya tsaka madaling puntahan at importante sa lahat malinis." Hindi nito sinagot ang tanong niya kung ano ang position nito sa resort kaya hindi na siya nagtanong pa.

Yayo and I (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon