Nagbalik sa kasalukuyan ang isip ni Raine dahil biglang umiyak si Dennis kaya agad niyang niyakap ito at marahang tinapik para makatulog ulit.
Matapos malaman ng papa niya na buntis siya pinalayas siya nito ng halos tatlong buwan. Pansamantalang nakitira siya sa bestfriend niyang si Nabi. Napatawad lang siya nito dahil muntik ng malaglag ang batang dinadala niya at naospital siya. Lumapit si Nabi sa Mama niya na agad ding siyang tinulungan. Nagulat na lang siya ng pagcheck out niya sa ospital sinundo siya ng Mama niya na kasama ang Papa niya at pinauuwi na siya nito.
Inamin ng kaniyang ama na may balak itong ipagkasundo siya sa kumpare nitong taga probinsya kaya naman laki ng galit nito ng malamang nabuntis siya at hindi niya kilala kung sino ang ama ng dinadala niya.
Nung nakaraang taon pumanaw ang kanyang ama dahil inatake ito sa puso kaya naman napagpasyahan ng mama niya na sa probinsya nila manirahan. Sumama ang kanyang ate at ang mga anak nito ang dalawa niyang kapatid na lalake ay nagpaiwan sa maynila pati na din siya dahil na dn sa trabaho niya.
*************************************************"Ma'am magpapaalam na po ako hanggang katapusan na lang po ako uuwi po ako sa probinsya namin." Nakayukong paalam ng yaya ni Dennis.
"Ha bakit biglaan naman ata?" Gulat na tanong niya dito "'May problema ka ba? Minamaltrato ba kita? Mababa ba sweldo mo?"
"Hindi po mam. May sakit po kasi iyong nanay ko kailangan ko pong bantayan at hindi na din po kayang bantayan ng asawa ko dahil may anak din po akong binabantayan niya. Pasensya na po talaga. Mahahanap po ako at mgtatanong tanong sa probinsya kung may gusto pong magapply na mamasukan at ipapasok ko po sa inyu."
"Ganon ba? Sayang naman mas sanay na din si Dennis sayo. Pero wala naman akong magagawa desisyon mo yan."
"Maraming salamat po mam."
"Magpaskil ka sa labas ilagay mo Wanted: Yaya baka may kapitbahay na interesado."
"Sige po mam."
************************
Kasalukuyang naguusap usap sila Red, Raine at Nabi sa coffee shop ng huli. Wala si Meg dahil may date pa ito.
"Mga best baka may kakilala kayong yaya na gustong mag apply aalis na iyong yaya ni Dennis hanggang katapusan na lang." Tanong nia kay Red at Nabi.
"Nako sige magtatanong tanong ako sa mga kilala ko irerekomenda ko agad sayo." Sagot ni Nabi
"Ay ako wala akong kilala best pero magtatanong na din ako kay Onin baka may kilala siya." Sagot naman ni Red.
"Wow parang nung isanga araw lang iyak ka ng iyak dahil sa ex mo ngayon parang blooming ka ah." Tukso ni Nabi kay Red.
"Loka hindi noh. Friend ko lang yun at gym buddy ko. Alam mo na hindi pa ready ulit puso kong tumibok."
"Ikaw na! Ikaw na ang mahaba ang buhok bakla ka" sagot naman niya dito.
"E ikaw Raine kelan mo ba balak magkaroon ng fafa?" Baling sa kanya ni Nabi.
"Oi bakit ako naman nakita mo bruha ka talaga. Ikaw nga hanggang ngayon single pa din since birth!" Ganti niya dito.
"Ay ano ba yan bastusan na yan. Huwag mo naman ilakas pasaway ka nakakahiya." Lumingon lingon pa ito habang pabulong na sinabi "Hindi nila alam iyon dito ang alam nila madami akong experience kaya wag kang maingay."
"Dami mo kasing alam!" Sabi ni Red
"Ganun talaga part ng trabaho ko iyon bilang bartender na din ang makinig at makialam sa mga problema ng iba. Hahaha" parang baliw pang tawa nito. "Seryoso Raine bakit hindi ka pa mag jowa?"
BINABASA MO ANG
Yayo and I (COMPLETED)
Storie d'amoreDahil sa hindi inaasahang pangyayari naging dalagang ina si Raine. Hindi niya nakilala ang ama ng anak niya. Sa loob ng limang taon walang lalakeng bumihag ng puso niya. "Ma'am aalis na po ako uuwi na ako ng probinsya." sabi ng yaya niya. "sige ila...