Chapter 10

275 5 2
                                    

"Jake!" Sigaw niya sa bisita niya. Ang alam niya nasa London ito kaya gulat na gulat siya at nAndito ito sa labas ng bahay niya.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Tanong nito.

"Nako late na ako pasaway ka may trabaho po ako." Sabi niya dito.

"Tara hatid na kita." Alok nito.

"Hindi na magpahinga ka na muna mukhang pagod ka na Jake. Kelan ka ba dumating?" Pinapasok niya ito.

"Kanina lang dumerecho na ako dito. Gusto ko makita si Dennis." Sabay upo nito sa sofa.

"Ay oo nga pala Alden halika dito." Tawag niya kay Alden para pakilala si Jake.
"Alden ito si Jake kababata at bestfriend ko. Jake ito si Alden ang yayo ni Dennis. Ikaw na muna bahala kay Jake aalis na ako at late na ako." Nagmamadaling sabe niya kay Alden.
"At ikaw naman Jake dyan ka muna ha mamya maya gigising na si Dennis. Kung gusto mo matulog ka muna sa itaas mamya pa 7 or 8 uwi ko kaya umuwi ka na din ng maaga para makapagpahinga ka bumalik ka na lang tutal off ko naman bukas. Text mo na lang ako iyon pa din number k0."

"Oo na sige na malelate ka na. Kapag nakatulog ako susunduin na kita. Bye na. Akyat na muna ako sa kwarto ni Dennis."

Habang umaakyat si Jake nakatingin lang si Alden dito. Parang masama ang tingin nito kay Jake na agad ding nawala ng mapansing nakatingin siya dito at ngumiti na ito at nagpaalam. Ikinibit balikat na lamang niya ito baka naman nagkakamali lang siya ng tingin.

Maaga pa siya ng 20 minutes ng makarating sa office. Himala diba? Hindi ganon katraffic kaya napaaga siya. Umiinom siya ng coffee ng may matanggap na text.

"Uwi na muna ako. Pag nagising ako sunduin kita ok? -jake

Nagreply siya. "Huwag na. Magpahinga ka na. Bukas na tayo magkita."

"Magtrabaho ka! Text ng text! Hehe joke namiss lang kita." Sabi nito

"Namiss din kita! Ill text you Later na lang bye! Ingat."

Naiiling-iling si habang binababa ang cellphone niya sa lamesa. Talagang ganon ang kaibigan niya sa kanya dati pa. Kababata niya ito at naging magkaklase sila hanggang grade 6 kaso nagkahiwalay sila nung high school. Ito ang napupusuan ng papa niya para sa kanya. Pinaguusapan na ng mga ito kung kelan sila magiging magbalae pero dahil nga sa nabuntis siya umayaw na din ang pamilya ni Jake. Nung nabuntis siya balak nitong akuin ang responsibilidad pero umayaw siya. Ayaw niyang madamay ito sa problemang kinakaharap niya.

Ito ang nasa tabi niya simula ng buntis siya. Nag-offer itong doon na siya makitira dahil pinalayas siya ng papa niya ngunit nahihiya siya. Kay Nabi siya nakitira. Madalas itong pumasyal sa kanya kahit na nakela Nabi siya kaya naman medyo close na ang dalawa. Makalipas ang ilang buwan napatawad na siya ng papa niya at pinabalik sa bahay. Kahit nung nanganak na siya pinupuntahan siya nito sa bahay. Kilala naman ito ng mga magulang niya kaya hinayaan na lamang nila ito. Nakasanayan na itong tawagin ni Dennis ng papa Jake magpahanggang ngayon.

Anim na buwan itong nawala dahil may inasikaso ito sa Amerika tungkol sa negosyo ng mga ito. Akala niya tuluyan na itong pinagbawalan ng mga magulang nito na layuan na silang mag-ina kaya laking gulat niya ng makita ito kaninang umaga.

Pagdating ng alas sais nagsimula ng magligpit ng gamit si Raine. Tinignan niya ang cellphone niya walang text si Jake kaya malamang tulog pa ito. Habang naglalakad palabas ng building may napansin siyang pinagtitinginan ng mga tao. Nang makalapit na siya si Jake pala ang tinitignan ng mga ito. Simple lang ang suot nito ngayon naka shorts at plain na T-shirt lang pero ang gwapo at ang bango bango nito tignan.

"Oi bakit hindi ka man lang nagtext na susunduin mo pala ako." tanong niya dito habang pasakay na ng kotse nito,

"Hehe para magulat ka." kumindat pa ito. "Tara kain muna tayo bago umuwi."

"Ok sige. Tatawagan ko muna si Alden sabihin ko mauna na silang kumain ni Dennis." at tinawagan na nga niya si Alden.

"San mo nakilala si Alden?" tanong ni Jake sa kanya nang matapos niya makausap si Alden.

"Ah siya iyong pumalit sa yaya ni Dennis si Jayzel. Pinabayaan kasi nito si Dennis kaya nakalabas iyong bata ng bahay tapos ayun saktong nandun si Alden. Doon siya nakatira sa landlady namin kaya naman tiwala na dn ako. Nagapply siya maging yayo muna ni Dennis kasi wala pa siyang mahanap na trabaho at wala pa din akong mahanap na yaya kaya ayun. Bakit mo naman natanong?"

"Wala lang naman parang pamilyar lang kasi siya. Parang nakita ko na siya pero hindi mo maisip kung saan." sabi nito

"Baka naman kamukha lang galing siyang probinsya e sabi na din ni Mrs. Lim."

"Saan mo gusto kumain?" tanong ni Jake sa kanya.

"Kahit saan mo gusto ako ok lang kahit ano. Ikaw ano ba gusto mo kainin." balik tanong niya dito.

"Isaw! parang namiss ko kumain ng isaw. Ok lang ba sayo?"

"Sus ako pa ba tinatanong mo alam mong favorite ko iyon. Ako nga pumilit sayong tikman iyon diba."


Habang kumakain masaya silang nagkwekwentuhan ni Jake hindi nila namalayan ang oras mag-aalas diyes na pala. Nagyaya na siyang umuwi ng biglang tumawag si Alden.

"Ma'am pasensya na pero anong oras kayong makakauwi?"

"Naku sorry pauwi na ako nakalimutan ko magtext. Sorry talaga."

"Ok lang ma'am hinahanap ka na kasi ni Dennis."

"Sige sige pauwi na ako." at nagpaalam na siya dito. Tutal Sabado naman bukas bibigyan ko na lamang ng day-off si Alden.

Nang makarating sa bahay niyaya niya sa loob si Jake pero tumanggi ito bukas na lamang ito papasyal at Sabado naman wala din pasok si Dennis.

Pagbukas ng pinto nakita niyang nasa sofa ito at si Dennis natutulog ang bata sa hita ni Alden. Nakatulog din si Alden. Dahan-dahan siyang lumapit dito at pinagmasdan ito. Gwapo talaga ito hindi bagay dito maging yayo papasa itong modelo sa totoo lang. Bigla itong gumalaw kaya si Dennis naman ang nilapitan niya. Naramdaman niyang gising ito at nakatingin sa kanya kaya naman nagtaas siya ng tingin dito. Seryoso ang mukha nito ni hindi ito ngumiti tulad ng ginagawa nito tuwing uuwi siya. Ano nangyari dito may problema ata ito. Baka naman bagong gising lang.

"Ma'am nandito na pala kayo. Bubuhatin ko na si Dennis. Ayaw kasing matulog sa itaas hihintayin daw niya kayo." at dinala na si Dennis sa kwarto niya.

"Alden bukas sabado naman pwede ka ng mag-off nakakahiya naman sayo ilang gabi ka ng late nakakauwi." sabi niya dito.

"Wala naman akong pupuntahan kaya pwede na din namang bantayan ko si Dennis maglalaba ka bukas diba?"

"Ok lang naman. Bukas baka pumunta din si Jake kaya may makakatulong ako." kumunot ang noo nito sa sinabi niya na agad ding nawala.

"Kaya ba ayaw mo akong papasukin ma'am dahil may bisita kayo?" tanong naman nito.

"Hindi naman sa ganon nakakahiya lang kasi sayo dahil wala namang bayad yung overtime mo. E di kung gusto mo pumasok e di pumasok ka." nainis na din siya. Sino ba ito para tanungin siya ng ganon? at bakit ba siya ng eexplain dito.

"Papasok ako bukas ok lang talaga wala naman akong gagawin bukas. Sige aalis na ako ma'am." at lumabas na ito ng kwarto niya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Oww... May something ba sa pagitan ni Raine at ni Jake o magkaibigan lang talaga? E bakit gwapong gwapo itong si Raine kay Alden? Ay naku ang gulo mong babae ka.

Yayo and I (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon