Eksaktong Alas 6 ng umaga ng tumunog ang doorbell nila. Kakatapos pa lang niya maligo noon kaya mamasa masa pa ang kaniyang buhok ng pagbuksan niya ng pinto si Alden. Pinatuloy niya ito.
"Nag almusal ka na?" Tanong niya dito habang papunta sila ng kusina.
"Nagkape lang ako kanina tsaka pandesal bago pumunta dito. Ahm.. mgluluto ka ng almusal? Gusto mo ako na magluto?" Tanong nito sa kanya.
Naisip nyang tignan kung marunong talga itong magluto at kung ano ang ihahanda nitong pagkain para kay Dennis.
"Sige ikaw na magluto ngayon. Paki tingin na lang iyong ref kung ano iyong pwedeng mailuto mo. Bale ang pasok niya sa daycare half day lang naman so ang ipreprepare lang almusal. 8-12 siya Monday-Friday. Pagkahatid mo sa kanya pwede ka muna umuwi para naman magluto ng lunch niyo. Sasamahan mo na lang siya hanggang makauwi ako. Monday-Friday ang pasok ko everday uwi ko sa bahay 7-8 P.M ok lang ba iyong time sayo?" Pag oorient niya dito ng mga gagawin nito bilang yayo ni Dennis habang nagtitimpla siya ng kape.
"Iyon lang ba gagawin ko? Hindi ba ako maglalaba? Mamamalantsa?"
"Iyong mga damit ko ako na maglalaba. Marunong ka bang maglaba?" Tumango ito. "Iyong kay Dennis na lang paki labhan mo nandun sa likod iyong washing machine. Iyong pagplantsa ako na din sa damit ko hindi naman din kailangan plantsahin iyong damit ni Dennis."
"Sige po ma'am." Ngumiti ito sa kanya habang ngbabati ito ng itlog.
Nakatingin siya dito habang binabati nito ang itlog sa bowl. Wow! Parang ang tigas ng muscle niya sa braso. Parang sanay ito sa trabaho. Habang tinitignan niya ito humihigop siya ng kape niya. Napansin ata nito na nakatingin siya kaya lumingon ito at ngumiti. Syet! Muntik na siya mapas0! Nakakagulat ang dimples dito. Oh-uh masama ito ngkakacrush pa ata siya sa yayo ng anak niya. Hindi pwede! Focus Raine! Focus!
Tapos na itong magluto ng itlog. Nilagyan nito ng hiniwa hiwang hotdog ang itlog kaya nagkaroon ito ng kulay. Napansin niyang hindi ito naglagay ng asin kaya tinanong niya ito kung sinadya ba nito iyon o nakalimutan lang.
"Ah ma'am kasi medyo maalat na po ang hotdog diba kaya hindi ko na talaga nilagyan para hindi din po masanay iyong bata sa maalat habang bata pa masama din kasi sa katawan pag sobrang maaalat ang pagkain." Mahabang sabi nito.
"Oo nga naman. Sabe ko nga din." Ngumiti siya dito (medyo pa cute ganito ^_^.) Pero tumalikod na din. Hala ano ba iyon! Talagang magpacute ka ng smile! Umayos ka Raine! umupo na siya sa mesa habang hinahain na ni Alden ang niluto nito. Nag toast na din ito ng tinapay.
"Tinapay po." Abot nito sa kanya
"Salamat." Tinikman niya iyong luto nito. Masarap ha pwede na. Pwede ng maging boyfriend este yayo! "Ang gising ni Dennis 7 ng umaga tapos toothbrush lang at hilamos kasi sa hapon siya naliligo medyo sipunin kasi sinisipon siya kapag bagong gising naliligo. Tapos kakain ng almusal then lakad na papuntang daycare. Alam mo ba iyong daycare dyan sa may basketball court?" Tumango ito. Kaya tumayo na din siya at nagsuklay ng buhok. Nagmamadaling nagtoothbrush siya 6:30 na. Malelate na siya. No! Talagang late na siya dahil labanan na naman sa LRT nyan! Muntik pa niyAng makalimutang magsuklay. Habang natataranta siya nakatingin lang si Alden sa kanya. Nakangiti pa ito. Nakakaconscious naman itong lalaking ito.
"Sige ikaw na muna bahala kay Dennis ha? Ay oo nga pala ito iyong susi ito din gamit ni Jayzel dati paki lock na lang iyong bahay pag lalabas ka ha? Sige salamat. Bye." Sabay lakad sa pintuan. Narinig pa niyang nagpaalam ito at nagsabe ng ingat.
*************************************************
Maaga siyang nakauwi ng araw na iyon 6:00 pa lang nasa bahay na siya. Yes maaga na iyon. May nagmagandang loob na maghatid sa kanya. Pagkapasok pa lang niya ng bahay sinalubong na siya ni Dennis.
"Mama!" Tuwang tuwa na sabi nito. Napansin niyang nagcocolor ito. Nakaupo ito sa mini table na binili niya para dito habang si Alden naman ay nakaupo sa tabi nito at tinuturuan si Dennis kung paano magkulay ng walang lampas. "Tignan mo mama oh marunong na ako mag-color. Tinuruan ako ni tito Alden." Sabay turo sa kanya ng gawa nito. Ok naman lampas lampas pa din ang gawa nito pero konti na lang. Konting practice na lang pwede ng maging pintor anak ko. Naks! Pintor agad!? Ngumiti siya dito at bahagyang ginulo ang buhok nito.
"Ma'am kakain na ba kayo? Para mainit ko na iyong ulam." Tanong nito sa kanya na akmang patayo na sa pwesto nito.
"Hindi mamya na papahinga muna ako 7 na lang tayo kumain. Pagod sa office ngayon e may nagsabay lang sa akin sa pag-uwi kaya napaaga ang uwi ko. Higa muna ako ha? Paki tawag na lang ako sa itaas." Umakyat na nga siya at humiga sa kama. Yes humiga siya ng hindi nagbibihis o naghihilamos. Hindi niya namalayan nakatulog na siya.
-------------------------------------------------------------
Alden's POV
Sinundan niya ng tingin ang amo niyang papaakyat ng hagdan. Ano daw? May naghatid dito? Sino? Babae? Lalake? Kaibigan? Boyfriend? Ano pakialam mo! Sabi niya sa sarili niya. Wala siyang pakialam dahil ang trabaho niya lang ang bantayan si Dennis. Tinignan niya ang cute na batang nasa tabi niya. Napangiti siya dito dahil pinipilit talaga nitong hindi lumampas iyong pagkukulay nito.
"Dennis ok lang kahit may konting lampas Practice ka lang lagi matututo ka din. Hindi ka pa ba pagod magcolor?" Tanong niya dito.
"Pagod na din po ako. Tara tito laro tayo ng kotse kotsehan." Sabay kuha nito ng laruan nito na kotseng maliliit. Naglaro sila nito ng kung ano ano pa kaya hindi na niya namalayan ang oras. Pagtingin niya sa orasan ay quarter to 7 na kaya ininit na niya ang pagkain. Ng mainit na niya ang pagkain niyaya niya si Dennis na gisingin ang mama nito. Magkasama nilang pinuntahan ito sa kwarto. Pagpasok niya sa kwarto nito nakahiga ito sa kama suot pa ang uniporme nito sa opisina. Medyo nakabukaka ito buti na lamang at naka pantalon ito. Napangiti siya dahil parang bata ito matulog. Bahagya pang nakanganga ito.
Nilapitan na agad ito ni Dennis at ginising. Parang nahiya ito dahil nakita nitong nandun din siya sa kwarto nito.
"Ma'am kakain na po." Sabi niya dito.
"Sige bababa na ako." Parang nahihiyang sabi nito at tinakpan ang mukha nito. Nakita pa niyang namula ang pisngi nito. Pagtalikod niya tsaka siya ngumiti. Cute. Iyon ang unang word na naisip niya ng makita niya ang amo niya.
--------------------------------------------------------------
Raine's POV
OMG! Biglang nahiya si Raine pagpasok niya sa banyo para magbihis. Tulo pa ata laway niya. Hehe hindi naman tumulo pero malapit na. Dapat paalala niya sa sarili niyang lalake na nga pala ang yayo ni Dennis buti na lamang at nakapantalon siya kundi nakita na ang kaluluwa niya sa pagbukaka niya. Nakakahiya talaga!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author's noteNako ayan na! Mukhang may crush nga talaga si Raine sa yayo ng anak niya. Nalintikan ka. Pano na iyong ideal man niya? Ano nga ba ang ideal man niya?
Ano nga ba?
Secret....
Hindi ko pa din kasi alam pag alam ko na tsaka ko na sasabihin ok?Babush! 😘
BINABASA MO ANG
Yayo and I (COMPLETED)
RomanceDahil sa hindi inaasahang pangyayari naging dalagang ina si Raine. Hindi niya nakilala ang ama ng anak niya. Sa loob ng limang taon walang lalakeng bumihag ng puso niya. "Ma'am aalis na po ako uuwi na ako ng probinsya." sabi ng yaya niya. "sige ila...