Lumipas ang isang linggo at biyernes na. Yahoo! Wala na namang pasok kinabukasan. Birthday ni Jake at nagyaya itong mginuman sila. Inaya niya ito sa bar nila Nabi para na din malapit lang at para na din matuwa ang friend niya at dagdag kita sa negosyo iyon. Sinabi nitong yayain na din ang mga kaibigan niya na siya namang ginawa niya. Nagtext na lamang siya kay Alden na gagabihin siya dahil magbabar sila at birthday ni Jake. Wow parang boyfriend ipapaalam pa kung saan ang lakad niya. Siyempre naman noh yaya ito ng anak niya e. Paliwanag niya sa sarili niya.
Sinundo siya ni Jake sa opisina at dumerecho sila sa bar. Nagpalit na lamang siya ng blouse pagdating sa bar. Nandun sa bar ng araw na iyon ang bandang Star na co-owner ni Nabi. Kilala niya din ang mga ito at madalas din niyang nakakakwentuhan ang mga ito. Oo may kilala din siyang sikat noh! Nagkasarapan ang kwentuhan at hindi na niya namalayan naparami ang inom niya. Medyo nahihilo na siya. Halos alas dos na ng magyaya na umuwi si Meg. Hinatid siya ni Jake.
Nang makarating sa kaniyang bahay bumaba ito at inalalayan siya dahil hindi na direcho ang lakad niya. Ito na din ang nagbukas ng pinto dahil hindi niya maipasok ang susi sa pintuan.
--------------------------------------------------------------Alden's POV
Nagising siya ng pumasok ang dalawa sa bahay. Nainis siya ng makita niyang inaalalayan ni Jake si Raine at nakahawak pa ito sa bewang ng huli. Agad siyang tumayo at kinuha si Raine dito.
"Ako na mag-aakyat kay Raine." Nakita niyang lasing na ito. Nagsukatan sila ng tingin nito. Maya-maya pa umiling ito pero binigay na din si Raine sa kanya.
"Sige pare ikaw na bahala kay Raine." At tumalikod na ito. Tumango lang siya.
Dinala na niya sa kwarto nito si Raine buti na lamang at hindi na niya nilipat si Dennis sa kwarto nito kanina. Dahan dahan niyang ibinaba ito sa kama. Hindi niya alam kung bibihisan niya ito. Pero sa bandang huli hinayaan na din niya kung ano ang suot nito dahil baka magalit ito paggising nito at malaman nitong siya ang nagbihis dito. Baka ma bad shot pa siya. Umupo na lamang siya sa gilid ng kama at tinignan ito. Hinawi niya ang buhok na tumatabing sa mukha nito. Hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kanya at unti-unting bumaba ang mukha niya sa mukha nito at hinalikan ito. Dampi lamang iyon pero matagal. Nagulat siya ng gumalaw ito. Gumalaw ang mga labi nito. Tinutugon nito ang halik niya. Lumalim ang halik na pinagsaluhan nila. Hindi niya namalayang nasa loob na ng blouse nito ang kamay niya.
No! Pinutol na niya ang halik. Umungol ito. Akala niya gising ito pero tulog pala ito. Dali-daling umalis siya ng kwarto nito at baka kung ano pa magawa niya. Agad na pumasok siya sa banyo ay binuksan ang shower. Nagbabad siya sa ilalim ng malamig na shower. Oo ng nakadamit pa!
____________________________________
Nagising si Raine ng masakit ang ulo at nangangasin ang sikmura niya. Naalala niyang nalasing siya. Makulit din kasi si Ken ang bokalista ng bandang Star na kabigan at co-owner ni Nabi. Bigla niyang naalala ang panaginip niya at napahawak sa mga labi niya. Parang totoong totoo ang panaginip niya parehong pareho sa nauna niyang panaginip na may lalaking humahalik sa kanya.
Naghilamos na siya at nagtoothbrush at bumaba na sa ibaba. Naabutan niya si Alden na nakaupo sa sofa at may malalim na iniisip. Agad na tumayo ito at pumunta sa kusina.
"Ma'am may niluto akong sabaw inumin niyo muna para sa sikmura niyo." Inilapag na nito ang sabaw sa harapan niya. Hinigop niya iyon at medyo guminhawa ng konti ang pakiramdam niya.
"Salamat. Sino nga pala naghatid sa akin?" Alam na niya ang sagot pero gusto lang niyang kausapin ito.
"Si Jake ma'am" nakatayo ito sa tabi niya kaya pinaupo niya ito sa katapat na mesa. Habang kumakain nakatingin lang ito sa kanya. Nacoconcious na naman siya ano ba! Nahuhuli pa niya itong nakatingin sa mga labi niya. Bakit may panis na laway ba siya sa may labi niya? Pasimpleng pinunasan niya ang gilid ng labi niya. Napansin niyang panay ang singhot nito. May sipon ito.
"O may sipon ka Uminom ka na ba ng gamot?" Tanong niya dito.
"Yes ma'am medyo mahinang sipon lang nalamigan lang siguro kagabe." Sagot nito.
"Magpahinga ka na muna para hindi tumuloy sa trangkaso yang sipon mo."
"Ok lang ma'am magsusuot din ako ng mask para hindi mahawa si Dennis."
"Sige akyat na muna ako at matutulog ulit. Pakigising na lang ako kapag kakain na ng tanghalian." Bumalik na siya sa kwarto niya at natulog.
4:00 PM
Naglalaba siya ng sandaling iyon ng mag ring ang phone niya. Sinagot niya iyon. Si Nabi ang tumatawag. Nilagay niya sa speaker phone dahil nagsasampay siya.
"Hoy! May good news ako sayo!" Excited na sabi nito.
"Ano naman iyon aber? Nanalo ka ng lotto?" Tanong niya dito.
"Oo! Pero hindi ng lotto! Nanalo ako ng libreng vacation. Dalawang matanda at isang bata 2 days 1 night sa Batangas! Busy ako sa bar dahil weekend lang pwede iyon kaya sayo na lang. Pwede mong i avail iyon hanggang Nov. ok?" Dire-direchong sabi nito.
"Ha? At saan mo naman napanalunan yan? Ngayon lang ako nakarinig ng ganyang klaseng prize." Nagtatakang tanong niya.
"Duh!? E d sa raffle dba pag nag grogrocery kami may pa raffle ekek ung supermarket nung nakaraang ilang buwan dun ko napanalunan. Ang dmi mong tanong libre na nga e. Ayaw mo ba? Pwede din ibenta ko na lang." Parang nagtatampo pang sabi nito.
"Hindi joke lang ito naman hindi na matanong. Sige sige akin na lang next week balak ko din mag off ng friday kaya next week na kami agad pupunta ni Dennis birthday niya sa Lunes kaya sakto yan para dun na din kami magcelebrate."
"Ok sige ipakuha mo na lang kay Alden iyong ticket niyo. Ituro mo na lang kung pano puntahan itong shop."
"Ay talagang si Alden? Hindi ba pwedeng ako?" Sabi niya dito.
"Gusto kong makita kagwapuhan niya huwag kang swapang! Mag share ka! Joke haha e d kung pwede ka e di ikaw ang dumaan! Pero mas ok lang kung si Alden."
"Oo na lukaret ka talaga si Alden na papapuntahin ko dahil naglalaba pa ako. Walang-hiya lakas manlasing ni Ken."
"Hahahaha." Tumawa pa ito ng malakas. "Matagal ng makulit iyon. Pero mas makulit ako doon kaya walang epekto sa akin kakulitan niya. O siya sige babush na maglaba ka na dyan." At binaba na nito ang telepono. Naiiling iling siya talagang makulit itong kaibigan niya.
Tuwang tuwa si Dennis ng sabihin niya ditong mag out of town sila next week para sa birthday nito. Tinanong niya si Alden kung gusto nitong sumama dahil wala din naman siyang ibang maisasama. Pumayag agad ito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Yay! Eto na! Eto na ang chapter 14 oohh kala niyo kung ano na noh? Wala naman boring pa din iyong kwento kaya hayaan niyo na.
Medyo productive ang utak ko kaya napadami ang paggawa ko ng chapter haha. Kelan nga ba matatapos ang istoryang ito? Nakakayamot na noh! Kailan ba manganganak si Raine?
Teka anong anak! Wala pa ngang nangyayari e hehehe! Abangan na lang nila.
BINABASA MO ANG
Yayo and I (COMPLETED)
DragosteDahil sa hindi inaasahang pangyayari naging dalagang ina si Raine. Hindi niya nakilala ang ama ng anak niya. Sa loob ng limang taon walang lalakeng bumihag ng puso niya. "Ma'am aalis na po ako uuwi na ako ng probinsya." sabi ng yaya niya. "sige ila...