Hindi malaman ni Raine kung bakit pero simula ng may nangyari sa kanila ni Alden lagi na niyang naiisip ito. Hindi pa ito nagpapakita ulit na ikinatuwa naman niya dahil hindi naman niya alam ang iaakto sa harap nito pero nagtetext ito tuwing gabi. Naghahanda na siya pauwi ng magtext ito.
"Hi" message ni Alden sa kanya.
"Hello" sagot naman niya. Iyon lang din ang sinagot niya maya maya pa tumawag na ito.
"Musta?" agad na tanong nito pagsagot niya sa tawag nito.
"ok naman ikaw musta na?"
"Ok lang din medyo busy lang at namimiss ka. Kaung dalawa ni Dennis."
Hindi niya napigilang mapangiti pero hindi na lang niya sinagot ang sinabi nito at iniba na ang usapan.
"Gusto ko nga palang yayain ka mamayang gabi kung hindi ka lang naman busy." biglang tanong nito.
"Ok sige pero sa coffee shop na tayo magkita nila Nabi may kailangan lang akong idaan sa kanya."
"Ok sige mga 7 pm? Ok lang ba?"
"Ok sige maaga out ko ngayon kaya pauwi na din ako."
"Sige ingat ka sunduin sana kita kaso medyo busy lang talaga. Kita na lang tayo maya."
"Sige bye." at pinutol na ang linya. Miss you too pabulong na sabi niya sa cellfone niya.
Tinext niya si Nabi at sinabing dadaan siya mamaya dito para sa pinapabili nitong libro. hindi ito nagreply malamang nagtitipid na naman ito o busy ito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Alden's POV
Napapangiti siya habang naalala na makikita na niya si Raine mamaya. Miss na niya ito kaso madami siyang tinatapos sa trabaho para masolo niya ang mag-ina kapag weekend.
Pagkatapos na pagkatapos niya sa ginagawa pumunta na siya sa coffee shop ni Nabi. Naabutan niya ito sa counter kaya nilapitan niya ito at umorder na din ng coffee. Pagkatapos nitong magawa ang inorder niya tinawag siya nito at kinausap sa sulok ng coffee shop.
"Hoy mag-usap nga tayo. Ikaw ha! Ano ba talagang balak mo sa kaibigan ko? Nasabe mo na ba sa kanya ang totoo? Hanggang kelan mo itatago na ikaw ang ama ni Dennis?" galit na sabi nito sa kanya.
"Humahanap pa ako ng tiempo hindi naman pwede na bigla kong sasabihin sa kanya. Naguumpisa pa lang kaming maging ok Nabi alam mo naman iyon."
"Umayos ka ha huwag na huwag mong papaiyakin iyon kundi malilintikan ka sa akin."
"Hanggang kelan niyo pa ako balak lokohin?" Pareho silang nagulat ni Nabi sa nagsalita.
"Raine sandali." Habol ni Nabi dito pero pinigilan niya ito.
"Hayaan muna natin siya. Malalaman din naman niya. siguro nga oras na para malaman niya handa akong maghintay kung kelan niya ako matatanggap sa buhay niya, sa buhay nila ni Dennis. Sorry at nadamay ka pa." sabi niya dito.
"Ayusin mo na yan agad para sumaya na din ang kaibigan ko naiintindihan mo? Mapapatawad din niya ako. Sige mauna na ako puntahan mo na iyon."
Napabuntong-hininga siya at sinundan si Raine sa bahay nito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Raine's POV
Nagmamadaling sumakay siya sa dumaan na taxi dahil alam niyang susundan siya ni Alden. Paanong nangyari na ito ang ama ni Dennis. Ang lalakeng nakasama niya nung gabing iyon. Ang tanga tanga niya hindi man lang sumagi sa isip niya na kamukha ng lalake ang anak niya. Madalas din niyang napapanaginipan ang gabing iyon ngunit hindi niya binigyang pansin na ang lalake sa panaginip niya ay si Alden. Hindi niya akalaing tinago ni Nabi sa kanya ang mahalang impormasyon na iyon.
Pagkauwi niya sa bahay derecho agad siya kwarto at doon umiyak. Narinig niyang may nag doorbell at dahil kilala ng yaya niya si Alden malamang pinapasok nito ang lalake. Narinig niyang nag-uusap na nga ang kanyang anak at si Alden.
Maya-maya pa narinig niyang may kumatok sa pinto. Hindi niya pinansin ito dahil alam niyang si Alden ito."Raine please pakinggan mo naman ako. Hayaan mo muna akong magpaliwanag." Pakiusap nito.
Hindi niya pa din binuksan iyong pinto o sumagot man lang.
Maghihintay ako Raine, hindi ako susuko ngayon pa na nakita ko na kayong dalawa ni Dennis. Sabi nito sa text na pinadala nito ngayon.
Magdamag siyang nag-isip hanggang napagod na siya at nakatulog.
Paggising niya kinabukasan ang dami niyang messages na hindi nabasa na galing sa group chat nila at galing kay Nabi.
Meg: ikaw naman kasi bakit mo ba kasi hindi sinabe at talagang naki kuntsaba ka pa sa lalakeng iyon.
Red: oo nga naman best..
Nabi: eh kasi valid naman reason niya. Kailangan muna nila makilala ang isat-isa. Tsaka hello!! Ano gusto niyo unang meeting nila sabihin niya agad ay ako si Alden iyong lalakeng nakabuntis sayo tingin mo maniniwala ka agad? Siyempre siniguro din ni Alden na kung si Raine talaga iyon at kung anak niya ba talaga si Dennis.
Red: sabagay may point ka din dyan.
Nabi: db?! Tsaka mahirap naman pangunahan iyong tao. Humahanap lang talaga siya ng timing para sabihin ito kay Raine.
Nabi: sorry na Raine please!?
Hindi naman talaga siya sobrang galit dito at naiintindihan din naman niya ang sinabi nito talagang hindi lang siya ready sa mga nalaman niya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Alden's POV
Hindi siya nakatulog dahil sa kakaisip kung paano siya mapapatawad ni Raine. Wala naman talaga siyang intensyong patagalin ang pagtatapat dito pero ayaw din naman niyang biglaang sabihin dito baka hindi siya nito paniwalaan at baka matakot ito at lumayo. Nadamay pa ang kaibigan nito na tinulungan siyang mapalapit sa babae dahil naniniwala itong mabuti naman talaga ang intensyon niya.
Kinagabihan pumunta siya sa bahay nito pero sa kotse lang siya naghintay at nagbabakasakaling lumabas ito sandali at makita man lang niya ito. Dahil sa pagod hindi niya namalayang nakatulog na pala siya nagising na lamang siya sa katok sa bintana ng kotse niya.
Nasisiguro niyang ang taong nasa harapan niya ngayon ang babaeng gusto niyang makita araw-araw sa bawat paggising niya. Ang babaeng nagpapabilis ng tibok ng puso niya.
*************************************************
A/N:Yay balak ko sanang gawing last chapter na ito pero hindi kinaya ng powers ko kaya hanggang sa muli. :)
BINABASA MO ANG
Yayo and I (COMPLETED)
RomanceDahil sa hindi inaasahang pangyayari naging dalagang ina si Raine. Hindi niya nakilala ang ama ng anak niya. Sa loob ng limang taon walang lalakeng bumihag ng puso niya. "Ma'am aalis na po ako uuwi na ako ng probinsya." sabi ng yaya niya. "sige ila...