Chapter 8

291 6 2
                                    

Inoobserbahan niya si Alden habang naghahain ito ng pagkain para sa hapunan nito kakauwi lamang niya. Habang kumukuha ito ng plato nakaabang si Dennis sa tabi nito na parang nagaantay kung ano ang maitutulong nito. Binigay ni Alden dito ang kutsara at pinalagay iyon sa lamesa habang buhat nito ang plato at tinidor. Aba marunong ah buti hindi binigay sa anak ko iyong tinidor dahil delikado yun. Noon siya napansin ni Alden. Agad na bumati ito.

"Ma'am kain na. Naghahain na ako bihis muna kayo." bumalik ito sa kusina para kumuha ng kanin at ulam.

"Mama!" patakbong sigaw naman ni Dennis.

"Hi anak!" sabay halik sa dalawang pisngi nito. "Musta naman school mo baby?"

"ok naman po mama. Kanina po tinuruan ako ni Tito Alden magsulat ng letters. Ito mama oh" Pinakita nito ang sulat nito.

"Wow ang galing naman ng baby ko. Pa-kiss nga!" sabay halik niya dito ulit sa dalawang pisngi. Napansin niyang nakatingin na sa amin si Alden seryoso ang mukha nito pero agad ding ngumiti ng makitang nakatingin siya dito.

"Kain na ma'am habang mainit pa." yaya nito.

"Sige sandali lang 5 minutes magbibihis lang ako mauna na kayo ni Dennis."

"Sige ma'am hintayin ka na namin tutal nandito ka naman."

Dali daling nagbihis siya at naghilamos at bumaba na din siya para kumain.

Maliit lang ang mesa nila pang animan na tao lamang ang kasya dito at pa rectangle ito. nakaupo si Alden sa mesa katabi ni Dennis at nilalagyan ng pagkain ang plato nito. Umupo na din siya sa katapat na upuan ni dennis. Akmang susubuan ni Alden si Dennis ng pigilan ito ng huli.

"Tito diba sabi mo big boy na ako? ako na mag-isa magsusubo." sabay subo ng pagkain.

"ok ok. ubusin mo yan ha." ginulo pa nito ang buhok ni Dennis.

Hindi niya alam kung bakit natutuwa siyang makitang close ito at si Dennis. Parang matagal na itong magkakilala. Mas close pa ang anak niya dito kesa sa nauna nitong yaya.

"Ma'am kain na." pagputol nito sa diwa naglalakbay na diwa niya.

Kumuha na siya ng kanin at ulam at nagsimulang kumain. Noon niya napansin na walang plato sa harap nito.

"O bakit hindi ka pa kumain sumabay ka na sa amin." Mukhang tatanggi ito kaya Tumayo siya at kinuha ito ng plato at kutsara't tinidor para hindi na ito mahiyang sumabay sa kanila. Wala na itong magawa ng ilagay niya ang plato sa harap nito. Nagsimula na din itong kumain. Masarap ang luto nito parang sanay na sanay na itong magluto.

"Wow ha ang sarap ng luto mo. Pano ka natutong magluto? Nako tataba ako nyan lalo kapag laging masarap luto mo." sabi niya dito.

"Ma'am ok lang bagay naman sa inyo maging chubby. Cute naman po tignan." sabi pa nito habang nakangiti pa.

"Sabagay madami namang nagsasabeng cute ako. Uso na ngayon ang cute. Malay mo ito pala gusto ng Mr. right ko haha." parang baliw pang tumawa siya sa sarili niyang kalokohan.

"Ma'am tama kayo dyan kapag mahal kayo talaga ng isang lalake kahit ano pa size niyo matatanggap niya."

"Nako wala ng lalakeng ganon sa ngayon."

Yayo and I (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon