Kasalukuyang kumakain si Raine at Dennis pati na din si Alden ng almusal ng may magtext sa kanya.
"Oi ano na nangyare sayo!? Ano pupunta ba kami dyan?" Si Nabi ang nagtext sa group chat nila.
"Kayo bahala kung pupunta kayo nasa bahay lang naman ako. Pupunta daw si Jake! Crush mo yun db?" Reply niya dito.
"Oo kaya nga kahit puyat ang beauty ko pupunta ako dyan hahaha. Sige kita kits na lang mamaya." At nagpaalam na itong matutulog ulit. Malamang mamya pa ito aalis dahil maaga pa naman.
*Magaala-una na ng dumating ang mga ito. Si Red, si Nabi at si Meg.
"Hoy ang tagal niyo ah! Gutom na ako!" Reklamo niya sa mga ito.
"Ay sorry naman ang bagal kasi ni Meg e sabe on the way na daw yun pala maliligo pa lang." Sagot ni Nabi.
"Oo na ako na. E traffic e! Hehehe" sagot naman ni Meg.
"Psst asan na yung yayo mo? Pakilala mo sa amin dali." Singit ni Red.
"Nandun sa kusina naghahain na iyon narinig na dumating na kayo. Tara at nagugutom na ako." At pumunta na sila sa kusina. Saktong ilalagay na ji Alden ang sinigang sa lamesa.
"Siya iyong yayo ni Dennis ngayon si Alden." Pakilala niya sa mga ito.
"Hi! Ako nga pala si Nabi. Ito naman si Red at Meg." Singit agad ni Nabi. Madali talaga itong magka crush. Madami itong crush kaya ata wala pa din itong jowa hanggang ngayon."Uy gwapo ha!" Bulong sa kanya ni Nabi habang paupo na sila sa mesa at nasa kusina si Alden. "Kaya ba parang ayaw mo pakilala sa amin?" Tukso pa nito.
"Oi hindi noh alangan naman dalhin ko siya sa lakad natin hindi naman pwede iyon." Pangangatwiran niya dito.
"Asus! Sabihin mo gusto mo lang masolo!" Gatong pa ni Meg.
"Hoy tumigil na kayo kumain na kayo at siya nagluto niyan."
"Wow sarap nito ah!" Sabi Ni Red ng matikaman ang sinigang.
"O diba ang sarap niya." Tumingin ng nakakaloko si Nabi sa kanya. "Hoy ang ibig kong sabihin masarap luto niya grabe siya."
"Ay defensive wala naman akong sinabe." Pagpapalusot pa nito. Tinawag nito si Alden.
"Alden! Halika kumain ka na ba?" Tanong pa ni Nabi dito."Hindi na mauna na kayo kumain mamaya na ako busog pa naman ako." Pagtanggi ni Alden.
"Ui ha infairness ang sarap mo pala. Ang sarap mo pala magluto. May girlfriend ka na ba?" Tanong pa ng kaibigan niyang lokaloka.
"Wala po ma'am." Magalang na sagot nito sabay ngiti sa kaibigan niya.
"Ay may dimples! E asawa wala din ba?" Pangungulut pa nito. Gusto na niyang kurutin ang kaibigan niya.
"Ay lalong wala po ma'am" sagot ulit nito. Tumingin ito sa kanya.
"Huwag mo na akong tawaging ma'am Nabi na lang." Ngumiti lang si Alden at nagpaalam na pupuntahan muna si Dennis. Kanina pa naunang kumain ang anak niya.
"Oi tumigil ka na dyan baka tusukin ka ng tinidor ng katabi mo." Sabi ni Red kay Nabi.
"Ay sorry naman best ang cute kasi ng yayo mo. Hehe. Mukhang may gusto sayo ah, type mo din ba?"
Sabi ni Nabi."Nako wala noh tsaka pansamantala lang din naman si Alden habang naghahanap ako ng yaya at wala pa din naman siyang trabaho."
"Sabagay alam naman natin ideal man niyang si Raine. Medyo mataas ang standard nyan." Sabat ni Red.
"Gusto niya gwapo, matalino at may stable na trabaho at higit sa lahat tanggap si Dennis. Check na iyong dalawang qualities ung gwapo at tanggap si Dennis hindi lang natin sure kung matalino pero pagdating sa trabaho medyo bagsak." Sabi naman ni Nabi.
"Ui hindi naman baka akalain naman ng iba tumitingin ako sa status. Syempre ang akin lang may stable na trabaho at iyong kaya kaming buhayin kahit na hindi marangyang pamumuhay yung sakto lang kasi may anak na din naman ako diba. Importante naman masipag talaga. Tigilan niyo na nga yang issue tungkol kay Alden. Mamaya daw pupunta si Jake. Hintayin mo na siya Nabi."
"Ay oo siya naman talaga pinuntahan ko dito, pati na din si Alden." Sagot nito.
"E bakit si Jake ayaw mong sagutin?" Tanong ni Meg.
"Ha? E hindi naman siya nanliligaw. Tsaka friends lang kami ni Jake ano ba kayo."
"E paano kung nanligaw may pag-asa ba?" Tanong naman ni Red.
"Ewan. Parang hindi ko masabe kasi ever since naman friends na kami simula bata pa kami kaya hindi ko maisip na kami as a couple pero i don't know mahirap magsalita ng tapos. Teka bakit puro ako iniintriga niyo. Tigilan niyo na ako at gutom na ako." Kumain na lamang siya para na din hindi na mag-usisa ang mga ito. Maya maya pa nakarinig sila ng doorbell. Si Jake na iyan.
--------------------------------------------------------------
Alden's POV
Pinuntahan na niya si Dennis sa sala. Kasalukuyang nagsusulat ito. Pinapag practice na niya itong magsulat. Tinanog niya ito kung may kailangan ito. Nauuhaw daw ito. Tumayo siya at kukuha niya ito ng tubig sa kusina ng hindi sinasadyang marinig ang usapan ng magkakaibigan tungkol sa ideal man ni Raine. Parang gusto niyang manlumo. Ngayon pa ba siya susuko! Syempre hindi! Lalong hindi siya magpapatalo sa Jake na iyon. Biglang may nagdoorbell kaya siya na ang naunang pumunta sa pintuan at baka malaman pa ng mga ito na narinig niya ang pinaguusapan ng mga ito. Pagbukas niya ng pinto bumungad sa kanya si Jake. Ngumiti pa ito.
Nako sarap lamukusin ng mukha nito. Insecure ka lang. Kausap niya sa sarili niya. Niluwagan niya ang pinto para makapasok ito nagpasalamat naman ito. Sinabi niyang nasa hapag-kainan si Raine at kumakain kasama ang mga kaibigan nito kaya dumerecho na ito doon. Pupuntahan na niya si Dennis ng maalalang hindi niya ito naikuha ng tubig kaya naman dali dali siyang bumalik sa kusina.Buong maghapon siyang hindi mapakali dahil hindi niya alam kung ano ang susunod niyang gagawin. Kailangan na niyang kumilos.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Masama ba ang balak ni Alden sa mag-ina? Sayang naman kung sakali gwapo kaya siya. Gusto ba ni Raine si Jake at gusto din ba siya ni Jake? Well... Abangan! 😘
BINABASA MO ANG
Yayo and I (COMPLETED)
RomanceDahil sa hindi inaasahang pangyayari naging dalagang ina si Raine. Hindi niya nakilala ang ama ng anak niya. Sa loob ng limang taon walang lalakeng bumihag ng puso niya. "Ma'am aalis na po ako uuwi na ako ng probinsya." sabi ng yaya niya. "sige ila...