Chapter 4
"Althea?!"
Bigla naman akong nagulat sa sigaw ni
"Matthew?" I said with a calm tone.
Tinulungan niya akong makatayo pagkatapos kong damputin ang cellphone ko.
"Andito ka pala?"
Bigla namang napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Ay hindi! Hindi! Wala talaga ako dito. Mannequin itong nakikita mo!
"I mean, anong ginagawa mo dito?!" Masiglang sabi niya.
Buti na gets niya naman.
"Mag gi-gym! Mag gi-gym ako dito."
Tumawa naman siya tsaka hinampas ako sa kanang braso. Napatawa na rin ako.
"Napaka pilosopo mo talaga." He chuckled.
"Sus. Normal na iyon. Sige balik na ko sa table namin."
Tumago naman siya.
Aba't sa dinarami-rami ng pwede kong makita dito. Si matthew pa talaga.
Nang bumalik ako sa upuan ko ay nakita ko naman sa isang banda yung family ni Matthew. Kasama niya iyong nanay at tatay niya tsaka kapatid.
May kapatid pala siyang babae. Yung kilala ko lang kadi ay iyong kapatid niyang lalaki.
Pagkabalik niya sa table nila ay nakita niya ako tsaka nag wave, nag smile na lang ako bilang pagbati na din.
"Ate sino 'yon?" Tanong ng pinsan kong babae.
"Kaibigan ko." Tumango lang siya tsaka nginitian ako.
Nagkulitan kami doong magpipinsan. Ako kasi ang mas matanda sa kanila pero parang magkakaedad lang kami pag mag kasama kaming tatlo. Okay, i admit, i'm a bit retarded. Pero pag kaharap ko lang sila no!
Yung lalaki kong pinsan nsa high school na din naman, first year tsaka yung kapatid niyang babae ay nasa grade 3. Totoong siya lang ang lalaki sa bahay maliban sa daddy niya pero hindi niya nafifeel iyon. Boyish kaya mga kasama niya!
Pag naglalaro kami nang xbox sa bahay, puros baril barilan nilalaro namin at nag aagawan pa kami dun.
Makukulit din itong mga 'to.
Masarap pa lang feeling na may kapatid. Mabuti naman at andito ang mga pinsan ko at naiparanas nila sakin 'yon.
What if mom was here? What if magkasama pa sila ni dad? Magkakaron din ba ako ng kapatid?
I snapped with that thought.
Pagkatapos naming kumain ay umuwi kami kaagad. Hindi ko na binalingan ng tingin si Matthew at hindi ko na nagawang mag paalam pa. Nawala sa isip ko na andun pala siya.
Hindi ko na pinansin iyon, hindi naman ako interesado.
-
Ilang buwan na rin ang nakalipas at November na ngayon. Masyadong mabilis ang takbo ng panahon. Second sem na at dalawang linggo na lang bago mag Desyembre.
Maraming nangyari sa loob ng ilang buwan, maraming nagbago at nagkagulo-gulo.
Kung dati, sobrang close namin ni Lea, ngayon napapalayo na ang loob ko sa kanya.
Flashback
Nasa garden at nagkukumpulan kaming magkakaibigan ngayon. Excited kasi kaming magchikahan.
"Rachel, pasama naman oh. May bibilhin lang tayo sa caf." Tumango naman siya.
"Wait for me mga teh! I will make sama sa inyo." Sabi ni kev na humabol sa paglalakad papunta sa amin.

BINABASA MO ANG
Love At First Bye
Teen Fiction"Wala namang aalis kung yung isa sa inyo walang pagkukulang." Thea just wants to forget her ex boyfriend without realizing that she already have fallen for Matthew. In short, ginamit niya munang rebound si Matthew. How would things turn out if Matt...