Chapter 8
Tanghali na gumising ang lahat dahil halos lahat samin lasing. Mabuti na lang at isang bote lang ang ininom ko.
Nagulat nga yung mga matatanda bakit daw wala kaming lahat sa kwarto kaya kinatok kami sa E-room. Si Lorraine ang unang gumising.
Mabuti na lang at hindi niya iyon binuksan at sinagot na lamang na nandoon kaming lahat.
Ginising niya naman kami. Yung iba sa amin tulog pa kaya kami na lang ang naglinis doon sa mga boteng nakakalat at itinago sa bag ni dala ni Hans, yung isa kong pinsan.
"Good morning!" Bati ni Princess sa kanila ni lola.
"Good morning po." Tsaka kiniss ko si lola sa pisngi pati na din si dad at ilang mga tita at tito ko pa ang nandoon.
"Oh mananghalian na kayo." Ani ng mama ni Hans.
"Mukhang nagkatuwaan kayo kagabi ah. Tinanghali na kayo ng gising." There's a hint on tito Val's voice.
Ngumisi lamang ako.
"Yes po. We did a lot of catching up." Lorraine.
"Mabuti naman! Osha! Kumain na kayo mga apo."
Umupo na kaming apat sa hapag at kumain. Sila kuya andon knock out. Mukhang napa sobra ata nang inom.
Maingay ngayon ang salo dahil lahat kami ay nakikipagkwentuhan. Sobrang na miss talaga namin lahat ang isa't isa. Minsan lang kami mag pasko ng magkakasama ang buong pamilya.
Kitang-kita ko na masaya si lola. Kahit hindi naman anak ni lola si daddy ay close pa din ito sa kanya pati na sa mga tito ko. Masyadong magaan kasi ng loob nila kay dad. Hindi naman awkward iyon kahit hindi namin kasama si mommy.
"Anton, pwede bang sumama ka muna sa akin. May pag-uusapan tayo." Ani ni lola.
Na curious naman ako kaya nang tumayo si dad at lola ay napatingin ako sa kanila.
Ano kaya nag pag-uusapan nila?
Nag vibrate naman bigla ang phone ko. What a timing!
From: Matthew
See you around 3pm? Nature Park?
Nireplyan ko naman siya ng sure. Nakipagkwentuhan lang ako saglit sa mga pinsan ko at nag ayos na para sa oagkikita namin ni Matt mamaya.
Hindi ko alam na totohanin niya pala 'yon. Kaya naligo na ako at nagbihis sa kwarto ni Princess. Dito kasi dapat kami matutulog kagabi kaso nag inuman kaya doon natulg ang lahat sa E-Room. Malaki naman iyon eh at may malaking bed na kasya kami lahat.
"Dad alis po muna ako. May pupuntahan lang." Paalam ko sa kanya.
"Oh saan ka pupunta?"
"Nature Park."
"Sige mag-ingat ka. Mauuna na akong uuwi ha?"
"Sige dad. See you later."
Nag paalam na din ako kay lola, sa mga pinsan ko at sa ilang tito at tita ko.
Nahintay ako ng taxi at saka sumakay. Hindi naman kalayuan ang nature park dito kaya madali akong nakapunta doon.
Pagkababa ko sa taci ay bumungad agad sa harap ko ang itsura ni Matthew na nakangiti. Nginitian ko naman siya pabalik.
"Hey. Kanina ka pa? Sorry kung medyo na late ako ha?"
"Sus! Okay lang. Tara?"
"Let's go!"

BINABASA MO ANG
Love At First Bye
Teen Fiction"Wala namang aalis kung yung isa sa inyo walang pagkukulang." Thea just wants to forget her ex boyfriend without realizing that she already have fallen for Matthew. In short, ginamit niya munang rebound si Matthew. How would things turn out if Matt...