Chapter 3
"Oh my gosh! Nagtext na naman si Josh! Susunduin daw niya ako. Magdedate kami!" Sigaw ni Rachel pagkatapos niyang mabasa ang text sa kanya ng boyfriend niya.
Naguusap kami ngayong dalawa habang wala pa ang prof namin.
Kami ngayon ang magkatabi, yung iba naming kaibigan andun lang sa labas nagchichikahan din. Iba kasi yung mga pinag-uusapan namin ni Rachel eh.
Tungkol aa lovelife. Which is, wala at hindi na siguro yan mageexist sa akin ngayon.
Kwento lang siya ng kwento tungkol sa boyfriend niya.
"Kagabi! Oo kagabi! Hay nako. Inaway ko na naman siya. Hahahaha! Nakakatawa talaga kasi siya na naman yung nag sorry. Habol ng habol pa din kahit tinataboy ko na." Pagkukuwento niya.
May sapak din ito sa ulo eh. Ikalawang boyfriend niya na si Josh, bestfriend niya dati. Naging sila daw tapos niloko siya hanggang binalikan siya uli.
Ayaw pa nga noya sana bigyan ng chance pero nag promise daw ito na hindi na uulitin. Kaya siguro panay ang sorry kahit si Rachel naman ang may sala.
"Hahahaha! Alam mo swerte mo na nga sa kanya kasi hindi pa rin nagsasawa sayo!"
"Naku! Hayaan mo siya! Gusto ko rin naman itest kung hindi na ba talaga yon nagloloko."
"Para ka talagang shunga! Pinapahirapan mo yung tao!"
"Hayaan mo na nga! Haha! Mamaya ililibre na naman ako nun kahit ayaw ko. Well, okay lang naman kasi nakakatipid ako." Tuwang-tuwa niyang sabi.
"Alam mo, kami din dati. Lagi niya akong nililibre. Kaya nga nataba ako eh!" Natatawa kong sabi.
Totoo naman kasi. Medyo natabo ako dahil pinapakain niya lang ako mg pinapakain. Hindi talaga ako nagutom non!
"Tapos pag nag aaway din kami, ako palagi yong tama! Haha! Siya lagi iyong nagsosorry. Pero tama naman kasi talaga ako eh!"
"Nakamove on ka na nga teh!" Sarkastikong sabi niya.
Napabuntong hininga ako.
"Sabi ko nga." Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Rache, na miss ko siya. Namimiss ko yung ginagawa namin pero hindi naman ako nasasaktan ngayon."
"Ganyan talaga. Hayaan mo, makakahanap ka rin ng mas better pa sa kanya."
I know she's just trying to comfort me with those words she said. Gusto niyang mapagaan ang loob ko through her positivity.
*sigh* "Sana nga. Naka-move on namana ako eh. Namimiss ko lang yung ginagawa namin dati."
Nakamove on na nga ba? Siya pa rin yung bukambibig ko eh.
Ngumiti lang siya sa akin tyaka tinapik ang likod ko.
"It's okay. Wala lang talaga akong mabigay nang ibang example kasi siya lang naman ang ex na sineryoso ko masyado."
She smiled again and nodded.
Yes, i was so damn serious with him that i came to the point that i was so depressed. Ilang weeks din iyon. Good thing i have my friends back then.
They were so real that kahit nasa pinaka depressing moment na ako, hindi nila ako pinabayaan. They were always there to make me smile. They brighten up my stormy days.
Maya't-maya ay dumating na ang prof namin tsaka nag lecture. Hindi ako masyadong nakinig.
I lost my focus.
I was thinking about it all over again, even Lea's prob with Matt. It was a week ago pero alam kong nasasaktan pa rin siya. Nahulog na yata ang loob niya kay Matt.

BINABASA MO ANG
Love At First Bye
Ficção Adolescente"Wala namang aalis kung yung isa sa inyo walang pagkukulang." Thea just wants to forget her ex boyfriend without realizing that she already have fallen for Matthew. In short, ginamit niya munang rebound si Matthew. How would things turn out if Matt...