Chapter 6

0 0 0
                                    

Chapter 6

Matthew and I have been close for the meantime. Actually lagi na niya akong chinachat sa fb para kamustahin and nothing more.

Hindi naman kami gaanong nagkikita 'cause he's busy and so am i. My parents, i mean guardians are strict and so as his.

"Were here!" Masiglang sabi ng tita ko.

Agad naman silang bumaba ng dala naming Navarra na pick up truck. Hindi ko rin namang maikakaila na excited din ako.

Pagkababa ko ay narinig ko na ang ingay ng mga tao at ang maingay na tunog ng eroplano. It's departing, and i can't wait.

Nasa labas kami ng airport at naghihintay, binabantayan ang bawat taong lalabas mula sa loob ng airport.

"Anton!" Sigaw ng tita ko.

Mabilis na pumunta siya sa gawi namin. Umaapaw na saya ang makikita mo sa kanyang itsura, mas lalong gumwapo siya ng ngumiti siya ng pagkalaki laki.

"Daddy!" I ran towards him at niyakap namin ang isa't isa.

My dad is a handsome man, wearing the clothes in his age. My dad is in his late 40's pero mapagkakamalan mo itong bata pa kasi mukha siyang nasa mid 30's. He's devilishly handsome so as his daughter.

"Anak! Na miss kita!" Bungad niya ng makalapit siya sa amin.

"Ako din dad. Marami ka nang utang sakin." Nag pout ako.

"Then i think, babawi pala ako ngayon."

Nakita kong biglang nag iba ang ekspresyon ng aking tita. Kumunot ang noo niya at nung ibinaling ni daddy ang atensyon sa kanya ay pinalitan agad ito ng malalapad na ngiti.

"Antonio!" At bineso niya si daddy.

"Maribeth." Niyakap siya pabalik ni dad.

"I'm so glad to see you."

Umismid ako. If i know.

Dinala na ni uncle ang mga bagahe ni daddy at ikinarga iyon sa likod, tinulungan ko naman siya don.

"Anak marami akong pasalubong sa'yo!" I see him very excited about it.

"Talaga dad?"

"Oo naman! You'll always be my favorite girl. My only baby kaya hindi pwedeng wala kang pasalubong!"

That was sweet of dad naman.

"Anton, ang pasalubong ko?" Singit ni tita.

"Nabili ko na ang mga gusto mo. Andiyan lang sa box na dala ko."

Kumining agad ang mga mata ni tita and ngumiti na lang si daddy. Tita Maribeth and dad are close cousins kaya kampante si dad na dun niya ako iniwan sa kanila ni tita. Kung alam lang niya. Tita was a bit harsh on me.

Hindi naman ako sumbungera kaya walang aalalahanin ang tita ko.

Bago kami umuwi ay kumain muna kami sa labas. Mag gagabi na rin naman kaya kung magluluto kami ng tita ko, ay tiyak malalim na ang gabi bago kami makapaghapunan.

Pagkatapos nun ay dumiretso na kami mg bahay at inungkat ang mga dalang pasalubong ni dad.

Sa isang madium sized na box ay kanila daw ni tita yun at ng mga anak niya. Swerte nila sa dad ko. At yung isa naman ay akin lahat 'yon.

"Thanks dad!"

"Nakabawi na ba ako anak?"

Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti.

"Kulang pa yan sa 2 taon na hindi ka umuwi dito."

"Ikaw talagang bata ka!" Ginulo niya ang buhok ko.

Love At First ByeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon