Armstrong Academy
NANG tumanggap si Eclipse ng anak ng isang witch sa akademya niya, hindi niya inasahan na ganito ang magiging consequence. Mas lalong hindi niya ginustong malagay sa kapahamakan ang mga estudyante niya.
Isa-isa niyang pinasadahan ng tingin ang senior high students na nagpunta sa opisina niya para humingi ng tulong: ang class officers ng Grade 11-Full Moon.
"Sinasabi niyo bang... isinumpa kayo ng isang witch?" nakataas ang kilay na tanong ni Eclipse, napako ang tingin kina Candid at Spontaneous na nakaupo sa receiving chairs at magkahawak-kamay. Pagkatapos ay binigyan niya ng nagtatanong na tingin si Lense na nakatayo sa likuran ng dalawa.
Hindi naman niya pinagdududahan ang pagsusumbong ng mga estudyante niya. Lumaki siya sa Luna Ville na tahanan ng iba't ibang mahihiwagang nilalang. Kaya nga nang siya na ang namahala sa Armstrong Academy, siniguro niyang magiging akademya naman iyon para sa lahat– ordinaryong tao man, o nagmula sa hindi pangkaraniwang pamilya o lahi.
Ang batas lang naman niya para sa mga kakaibang nilalang sa akademya na gusto ng normal na buhay ay huwag na huwag sasaktan ang mga inosente, lalo na ang mga estudyante niya. Pero kung ganitong nalagay na sa alanganin ang kaligtasan ng mga class officers ng Grade 11-Full Moon, ibang usapan na 'yon.
"Yes, sir," sagot ni Lense sa pormal na boses. "It's not as serious as it seems, though."
Kumunot ang noo ni Eclipse. "What do you mean it's not as serious as it seems?"
"Well, for starters, hindi naman sila exactly na isinumpa, sir," pagsisimula ni Lense. Even under pressure, the class president was still calm and collected as usual. "Aksidenteng nakakain ng love potion si Spontaneous na ginawa ng mommy ni Grid."
"I'm so sorry, sir," pabulong at nakayukong sabi naman ni Grid.
"Kaya gaya ng nakikita niyo, hindi sila puwedeng maghiwalay," pagpapatuloy ni Lense sa paliwanag nito. "Dahil sa effect ng love potion, kailangang parating magkasama at magkadikit sina Candid at Spontaneous, or else..."
"Or else what?" naiinip na tanong ni Eclipse.
"Candid will suffer from toothache," sagot ni Lense. "So please, Director. Lift the academy's "no public display of affection" rule for these two. They can't keep their hands off of each other right now."

BINABASA MO ANG
Bewitched Class Officer: The Happy Couple By: Luna King (COMPLETED)
Teen FictionMay malalang toothache si Candid. Pero hindi niya 'yon nakuha mula sa pagkain ng matatamis. Nagmula 'yon sa love potion na nakain ng best friend niyang si Spontaneous, dahilan para ma-"in love" ito sa kanya. Sa kabutihang-palad, may "kondisyon" nama...