ALA ALA NG NAKARAAN

18 2 0
                                    

Mahilig ako nun magsulat sa diary. Nang makita ko yung keychain kasama nito yung diary ko kaya kinuha ko ito at dinala sa work. Nang wala pang costumer ay binasa ko ito.

"Para nga pala sayo tong keychain na to. It symbolizes na kahit anong adventure puntahan ng mga paa mo, nandito lang ako. Handa kang samahan. Kaya slipper yang keychain na yan." sabi sa akin ni Nathan habang nakatingin sya sa mga mata ko.

Si Nathan? Sya yung lalaking sineryoso ko. Iniyakan ko araw araw ng halos kalahating taon. Hinihiling na sana bumalik yung panahon na nililigawan nya pa ko. Wala e! Duwag ako. Di ko kayang itake yung risk na maging boy friend sya. Naisip ko kasi bata pa kami. I'm only 16 years old nun at sya 17. And we can't handle relationship. Nireject ko sya. Binasted. Pero sobrang mahal ko sya. Sya yung ideal man ko. Matangkad, singkit, maputi, gentleman, marunong mag gitara, cute at yung mata nya, napaka mapang akit. Matang inosente.

Hanggang sa makita ko nalang unti-unti na nasa ibang babae na sya. Iba na yung kinakantahan nya at ginigitarahan. Naalala ko pa nun, walang iba yung theme song nya sa akin kasi napaka toyoin ko daw pero kahit ganun, di nya ko pagpapalit. Maghihintay sya. At ako naman, umasa sa tadhana na kung kami, kami. Kung talagang para kami sa isa't isa, hihintayin nya yung time na ready na ko. Pero ano? Lahat ng sinabi nya sa ibang babae nya na ginagawa. Nakita ko nalang sya na may inangkas sa bike. Napaka sweet nila. Pero yung puso ko, dinurog ng gulong ng bike nya.

Dito ko na sinimulang plastikan yung sarili ko. Tumatawa pero sobrang sakit. Ngumingiti pero tuwing gabi pumapatak yung luha. Luha na puno ng pagsisisi. Kung sinagot ko kaya sya masaya kami katulad nila o mas masaya pa dun? Sana. Sana. Sana.

Sana mabalik ko talaga yung panahon. Pero di na pwede yun. Hanggang sa sobrang sakit na naramdaman ko, nakipaglandian ako sa madaming lalaki sa pag aakalang makakalimutan ko sya. Pero nasaktan ko lang yung dalawa. Sya, nananatili pa din sa puso ko. Iba talaga kapag first love.

Once Upon A Time In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon