ANG TAMIS NG UNANG HALIK

24 0 0
                                    

Nasa bulaos na malapit sa bahay nila Shine silang dalawa. Pinakiusapan ni Shine na hanggang dito nalang sya ihatid ng binata. Naglakad na palayo si Dex ngunit si Shine ay nasa bulaos pa din at tinitingnan ang paglalakad ng kanyang boyfriend na halata mong masaya dahil pa sway sway pa ang kamay nito habang naglalakad. Nang nasa dulo na ng bulaos ang binata ay tumawag si Shine sa kanya.

"Hello Dex. Tingin ka sa likod."

"Bakit di ka pa umuuwi?"

"May nakalimutan kasi ako e." pangangatwiran ni Shine.

"Ano yun?" nagtatakang tanong ni Dex.

"Ahmmm! I love you Dex."

"Ano? Di ko marinig." pagkukunwaring sabi ni Dex.

"Sabi ko, I love you Dex."

"Di ko talaga maintindihan Shine."

"Ang sabi ko, I love you." natatawang sabi ni Shine dahil alam naman nyang naririnig ng binata dahil nasa isang bulaos lang naman sila.

"Lakasan mo Shine. Di ko marinig e."

"Pilyo ka talaga. I love you Dex."

Naglakad na papalapit si Dex kay Shine habang kausap ang dalaga. Ganun din naman si Shine. Nang Nasa gitna na sila ng bulaos ay sumagot na si Dex.

"Mahal din kita Shine. I love you. I love you. I love you."

Sabi ni Dex habang nakatingin sya sa mga mata ni Shine. Hinawakan nya ang kamay ni Shine at hinalikan ito. Magkatitigan ang dalawa. Maya maya ay nilapit ni Dex ang kanyang mukha kay Shine. Napapikit nalang ang dalaga. Naramdaman nalang nya na may malambot na nakadampi sa kanyang labi. Napadilat sya sandali. Hinalikan sya ni Dex. Parang bumagal ang oras. Napapikit uli si Shine at dinama ang mainit na halik ni Dex. Napasabay nalang si Shine sa halik na ginawa ni Dex. Ang tagal ng halik na kanilang ginawa at mas tumagal ito dahil sa pakiramdam ni Shine na bumagal ang oras. Damang dama nya talaga ang mga labi ng binata. Nagbitaw na ang kanilang mga labi. Sinundan ito ni Dex ng isang matunog na halik sa labi ng dalaga. Napayakap nalang si Shine sa kanya at napabulong ng,

"Mahal kita Dex."

Once Upon A Time In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon