ANG NAKARAAN NYA

20 1 0
                                    

Nagpatuloy ang pagiging close namin sa isa't isa. Maghapon kaming magkatext minsan nga hanggang madaling araw pa. Sobrang sanay na ako na nandyan sya. Mukhang magseseryoso na ata ako ulit.

Inaya nya ako magsimba. Nagpaalam naman ako kay mama. Pinayagan naman ako saka simba naman yun. Kabilin bilinan lang nya na wag magpapagabi.

Simula na yung mass. Tahimik kaming nakikinig pero napapansin ko na nakatingin sya sa akin. Kaya naiilang ako. Nang kakantahin na yung "Ama Namin", hinawakan nya yung kamay ko. Bigla akong napatingin sa kanya. Saka ko sya nginitian. Matapos ang mass kumain kami ng footlong. Tataba pala ako dito. Lagi nalang ako pinapakain. Habang kumakain kami ay nagtanong ako tungkol sa past relationship nya.

" Nakailang gf ka na?" tanong ko.

"Hindi ko binibilang e. Pero di lalagpas sa sampu." sagot nya.

"Sino yung pinakaminahal mo?" tanong ko ulit.

"Hmm! Ayeza yung name nya. Pinakilala ko yun sa mama ko. Akala ko nga kami na yung magkakatuluyan kaya ko sya pinakilala pero nagkahiwalay din kami." sagot nya.

Nagpatuloy ako sa pagtatanong. Nalaman ko na play boy din pala sya dati. May pinaiyak ding babae. Naging mapaglaro din sya, kapag ayaw na nya bigla din syang di nagpaparamdam tulad ng ginawa ko din dati.

Natakot din ako kasi parang nagiging special na sya sa akin. Paano kung magsawa din sya sa time na mahal ko na sya? Natatakot ako pero ayoko naman lumayo dahil lang dun. Kaya I go with the flow.

Patuloy kaming magkatext, magkatawagan. Hanggang sa...

"Anong nangyare?"

"Uy."

"Hey."

"Bakit cannot be reach ka?"

"Nag aalala na ko sayo."

:(

-__________-

>.<

Once Upon A Time In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon