PARA SA HALO-HALO

88 3 2
                                    

"Shet! Ang inet be. Hagardo Versosa na ko. Bakit kasi ngayon mo pa naisip na gumala? Ngayon pang ang init init." reklamo ng friendship ko while we are walking.

"Be summer ngayon. Natural mainit. Wag ka na nga maarte dyan. Bilisan nalang natin maglakad, gusto ko ng kumain ng halo-halo." sagot ko naman.

While walking may nakasalubong yung friendship ko. Isang matangkad at simpleng lalaki.

Kinakausap nya yung friend ko pero sa akin sya nakatingin. Kaya napapangiti nalang ako kasi nakakatawa sya.

"Pakilala mo naman ako sa friend mo." isang napakalambing na boses na nanggagaling dun sa lalaking nakatingin sakin.

"Ay! Oo nga pala. Sya si Sunshine." sabi nung friend ko.

Kaya kinamayan ko sya.

"Shine nalang for short." sabay ngiti. Wala akong spark na nararamdaman sa kanya. I'm just being nice to my friendship's friend.

"Pwede mo ng bitawan yung kamay ng friend ko Dex." sabi ng friend ko na natatawa tawa pa.

"Ay! Oo nga pala. Hahahaha! Pwede ko ba makuha number nya?" sabi ni Dex.

"No!!!!" bigla kong sagot dun sa lalaki.

"Be naman. Parang number lang." bulong nung friend ko.

"Ayoko. Di ko sya type. Saka ano ko easy to get?" mahina kong sagot.

"Dali na. Ako na magbabayad nung halo-halo na bibilin natin." pangungulit ng friend ko.

"Hay! Sige na nga. Para sa halo-halo." sabi ko.

Kaya binigay na nya.

Once Upon A Time In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon