NAGBAGO

11 1 0
                                    

Hindi na nagparamdam pa si Shine kay Dex pero makaraan ang ilang araw ay si Dex naman ang nangungulit kay Shine. Ganun naman talaga kapag wala na sayo saka mo marerealize yung halaga nya. Sa una, galit si Shine kay Dex pero likas ata talaga sa babae ang pagiging malambot ang puso. Kaya binigyan nya pa ito ng isang pagkakataon. Mahalaga na din kasi sa dalaga si Dex. Ayaw nya magkaroon ulit ng bagay na pagsisisihan. Sinuyo siya ng binata at pinakita nito na nagbago na talaga sya. Pormal ng niligawan ni Dex si Shine. Katulad ng ibang nanliligaw, binigyan nya ang dalaga ng flower at chocolate. Kapag nagkikita sila ay hinahatid nya ito at di hinahayaan ng binata na abutin sila ng gabi para lagi silang payagan lumabas. Tatlong buwan na ganito ang nangyayari sa dalawa. Magkatext maghapon at magkatawagan. Nagkikita ng tatlong beses sa isang linggo. Nagbago na talaga si Dex. Ang dating tambay ng computer shop dahil sa paglalaro ng LOL ay dalawang oras nalang kung maglaro. Katulad ng iba, away bati din sila. Madalas nagkakaroon ng tampuhan pero sa huli ay nagkakabati din naman. Nasanay na si Dex sa ugali ni Shine na pagiging toyoin. Lagi nalang nya ito iniintindi at sinusuyo, na sa dalaga nya lang talaga ginawa. Di naman sya ganun dati. Sa iba nyang naging karelasyon ay di naman mahaba ang pasensya nya. Kung mag aaway sila ng dati nyang nobya ay okay lang sa kanya na magbreak sila nito. Nahulog na talaga ang loob ng binata Kay Shine. Si Shine naman ay sineryoso na din ang binata kaya di kalaunan ay sinagot nya na rin ito. Pinakilala ni Shine ang boyfriend nya sa kanyang pamilya para maging legal na sila nito.

Once Upon A Time In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon