ANG SARAP NG UNANG PAGLABAS

28 1 1
                                    

Sinagot ko yung call nya.

"Hello Shine?" malambing na boses na nanggagaling kay Dex.

"Bakit ka pa tumawag? Pinabura ko na yung number ko sayo di ba? sagot ko.

" Sorry Shine. Badtrip kasi ako e. Ganun talaga ako kapag nagagalit kung ano ano yung nasasabi. Sorry." mahinahong sabi nya.

"Pwes! Baguhin mo ugali mo! Di pwede sa akin yung ganun! Sa akin mo ibabaling yung galit mo!" galit kong sagot.

Bigla nalang sya tumawa.

"Maganda ka pa rin kahit nagagalit pero mas maganda ka kapag nakangiti. Para makita ko na ulit yung ngiti mo, buksan mo naman yung pinto nyo oh. Nandito ako sa labas ng bahay nyo. Aayain sana kita kumain ng halo-halo, kung pwede. Tinanong ko kay Kyla kung saan ka nakatira kaya ko nalaman."

Dugggg! Dugggg...
Dugggg! Dugggg...
Dugggg! Dugggg...

Tibok ng puso ko habang papalapit sa kanya.

"Tara na? Nakapagpaalam na ako sa mama mo." sabi nya.

Once Upon A Time In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon