WALANG BIBITAW

13 1 0
                                    

Napag-usapan ng dalawa na magkikita sila kaya nag-ayos na si Shine. Maya-maya ay dumating na si Dex sa bahay nila Shine. Pinapasok ng mama ni Shine si Dex sa kanilang bahay at pinaupo. Maayos na pinakitunguhan ng pamilya ni Shine ang binata. Maya-maya ay tapos na mag-ayos ang dalaga. Umalis na sila. Sabay naglalakad ang dalawa papunta sa park ng hinawakan ni Dex ang kamay ni Shine. Napatingin si Shine kay Dex at pinakita sa binata ang matamis nitong ngiti.

"Ang ganda ganda talaga ng girlfriend ko lalo na kapag nakangiti." malambing na sabi ni Dex sa kanyang girlfriend.

"Nainlove ka nanaman." natatawang sagot naman nya.

"Matagal na kong inlove sayo Shine."

"E di ikaw ang unang nainlove sa ating dalawa?" natatawang sabi ni Shine.

"Oy hindi ah! Ikaw kaya yun. Gwapong gwapo ka kaya sa akin. Una mo pa lang ako makita na in love ka na." makulit na sagot ng binata.

"Mukha mo. Panget mo kaya. Aminin mo na kasi ikaw ang unang na inlove sa ating dalawa."

"Oo na nga Shine. Ako na unang na in love. Talo talaga ako sayo e. Haha! Baka toyoin ka pa, lagot nanaman ako."

Patuloy na nagkulitan ang dalawa na parang di na matatapos. Bumili sila ng pagkain.

"Uy. Nangangawit na ko. Kakain muna ko. Akin na muna yung kamay ko. Kanina mo pa hawak e." natatawang sabi ng dalaga.

"Ayoko nga. Basta, akin muna tong kamay mo. Kung nahihirapan ka, susubuan nalang kita." paglalambing ni Dex sa kanyang girlfriend.

Namula ang mga pisngi ni Shine sa sobrang kilig. Masaya talaga sila sa isa't isa. Maya-maya ay padilim na kaya inaya na ni Dex si Shine na ihahatid na nya ito. Bilin kasi ng magulang ni Shine na huwag magpapagabi kaya ayaw itong suwayin ni Dex. Naglalakad na sila pauwi pero di pa din binibitawan ni Dex ang kamay ng kanyang girlfriend na parang sakanya na talaga. Nang makarating na sa bahay nila Shine ay hinalikan nito ang kamay ng dalaga saka nagpaalam.

Once Upon A Time In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon