MAGHIHINTAY

7 0 0
                                    

Matapos ang pag uusap nilang dalawa ay hindi na nagparamdam pa si Dex.

Birthday ng kapatid ni Shine. Tinawagan ng mama ni Shine si Dex at inimbita na pumunta. Di naman nakatanggi si Dex.

Nagulat si Shine nang makita ang binata. Pagkatapos kumain ay hinatid ni Shine si Dex sa labas. Nag aya si Shine na dumaan sa simbahan. Sa paglalakad nilang dalawa ay muntik ng madapa si Shine nang di makita ang bato sa daan buti nalang ay nahawakan ni Dex ang kamay niya. Napatingin sa kanya si Shine. Hanggang pagdating nila sa simbahan ay hawak ni Dex ang kamay niya. Hindi nagsasalita ang dalaga. Napakatahimik nya. Kaya tinanong sya ng binata kung may problema ba. Umiling lang ang sya. Paglabas ng simbahan bigla nalang tumulo a ng luha niya.

"Bakit Shine?" nagtatakang tanong ni Dex.

"E kasi nalulungkot ako. Masaya nga tayo pero pag uwi ko di ko na alam kung paano pa tayo. Pansandaliang kaligayahan lang yung nararamdaman ko kasi iiwan mo din ako pagkatapos." naiiyak na sagot nya.

"Sorry na. Tahan ka na. Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan. Ako din. Ayoko din na magkahiwalay tayo." sagot ng binata.

"Alam mo kung bakit ko to ginagawa? Kasi ayokong may pagsisihan ulit. Dati nagmahal din ako. Sya yung ideal man ko, matangkad, maputi, cute, magaling mag gitara. Kaso naduwag ako. Di ko sya sinagot kahit mahal ko sya. Kasi akala ko di pa oras para magkaroon ako ng karelasyon. Akala ko di ko kayang ihandle. Hanggang sa nakita ko nalang sya na may kaangkas sa bike na babae. Masaya silang dalawa. Akala ko kasi kung kami, kami. Inasa ko nalang sa tadhana." umiiyak na sabi ni Shine.

Bigla nalang din tumulo ang luha ni Dex. Natahimik ang palagid. Nakatingin lang sila sa mata ng isa't isa. Maya maya ay pinunasan nalang ni Dex ang luha ni Shine. Bigla ulit nagtanong si Shine.

"Dex magdesisyon ka. Kung ayaw mo na, magbreak na tayo. Pero kung gusto mo pa, nakahanda akong ipaglaban to."

"Hindi pa talaga kita kayang ipakilala sa magulang ko. Alam mo ba, gustong gusto kitang ipagmalaki sakanila. Kaso kapag naiisip ko yung age gap natin, natatakot nalang ako sa sasabihin nila." sagot ni Dex.

"Wala naman masama kung susubukan e. Try mong sabihin na may girlfriend ka. Number lang naman yung age. Wag mong hayaan na matapos lang yung story natin sa ganto. Mahal natin yung isa't isa pero naghiwalay tayo."

"Sige, pag uwi ko try kong kausapin si mama tungkol dito. Sasabihin ko na may girlfriend ako."

"Sige. Maghihintay ako Dex."

Once Upon A Time In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon