HE GOT MY ATTENTION

37 3 2
                                    

Nagmamadali ako sa paglalakad kasi baka si mama yung nagtext. Baka nag-aalala na yun.

Pag-uwi ko sa amin, inalok agad ako ni mama kumain. Napasarap pa ako kumain the best kasi magluto si mama.

Medyo nalibang ako kaya 10pm na nung na open ko yung phone ko. Tagal kasi mafull charge e.

Pagbukas ko ng phone, may dalawang message.

092753.....
"Hi. :)"
"Uy. :)"

Nawala naman sa loob ko na may pinagbigyan ako ng number ko kaya nagreply agad ako.

ME: Sino to?

092753.....: Hulaan mo. :)

ME: Aba! At ginawa pa kong maghuhula nito. -________-

092753.....: Sungit talaga nito. Pero ang ganda mo kapag ngumingiti. :)

ME: Sino ka ba?

092753.....: Si dex to.

ME: Sinong Dex?

092753.....: Dexter. Yung matangkad, di gwapo, di famous pero loyal, masarap at mabango. :)

ME: Wow ha? Grabe naman yung description mo.

092753.....: Anung grabe dun? Humble pa nga ako e. Hindi ko sinasabi na gwapo ako kahit gwapo naman talaga. :)

ME: Hay! Sige save ko muna number mo.

DEX: Sige. :)

DEX: Uy. Bakit di ka na nagreply?

ME: Ano rereply ko sa sige mo?

DEX: Sungit naman.

ME: Ewan ko. Saan ka nag-aaral?

DEX: FEU.

ME: Ang ikli mo naman magreply.

DEX: Sorry. Naglaro kasi ako ng LOL e. Maya nalang tayo text. Babawi ako sayo mamaya. Itetext kita ng nobela. :)

ME: Sige.

Sa sandali na nagkatext kami napapangiti din ako kasi may sense of humor sya. Saka naturn on ako kasi nag-aaral. Kaya hinintay ko din na magtext sya ulit.

Once Upon A Time In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon