SURPRISE

14 0 0
                                    

Malapit na sya sa bahay nila Shine. Nakangiti syang naglalakad. Sana ay matuwa ang girlfriend nya sa kanyang pagbisita. Nakita nya ang mama ni Shine. Agad syang pinapasok nito. Ngunit imbes na si Shine ang masurprise ay ang binata ang nasurprise sa kanyang nalaman. Pumunta pala si Shine sa probinsya ng tita nya. Nagkasakit kasi ang tita ni Shine at kailangan ng magbabantay. Kaninang madaling araw pala ito umalis. Isang buwan daw ito sa probinsya. Umuwing malungkot ang binata.

Maya-maya ay nagcomputer sya. Saktong online si Shine. May message din ang dalaga kay Dex.

SHINE: Nandito ako sa probinsya ng tita ko. Kailangan kasi ng magbabantay sa kanya. Dalaga pa si tita at walang anak na pwedeng magbantay. Nakiusap sya sa akin na pumunta ako doon para mabantayan sya. Di naman ako makatanggi at naawa din ako. Pasensya ka na at di ko nasabi agad. Biglaan e. Sana maintindihan mo. Mamimiss kita.

Nagreply naman agad si Dex.

DEX: Pumunta nga ako sa inyo kanina e. Susurpresahin sana kita kaso wala ka. Naiintindihan ko naman yun. Hihintayin nalang kita na umuwi.

SHINE: Salamat. Sorry talaga. Kaso may isa pa tayong problema. :(

DEX: Ano yun?

SHINE: Liblib kasi to e. Kaya malayo yung computer shop. Minsan lang ako makakapag online. :(

DEX: Ganun ba? Wag ka ng malungkot. Kaya natin to. Smile ka na. :)

SHINE: Sige. Kaya natin to. Loyalty lang at understanding. :)

DEX: Tama. Basta chat ka kapag may time ka. Sana masaktuhan na OL tayong dalawa. Mag iingat ka dyan. :)

SHINE: Ikaw din. Magchachat nalang ako kapag nakauwi na ko. Miss na kita. :*

DEX: Ako din. :) kumain ka on time ha? Wag magpapalipas. Alagaan mo sarili mo. Magpapakasal pa tayo. :D

SHINE: Ikaw talaga. Kailangan ko ng mag log out. Pagabi na. Kailangan ko ng umuwi.

DEX: Ganun ba? Sige. I miss you. :*

Once Upon A Time In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon